P A S T
"Iko please, pull the trigger" tears streaming down her face as she beg me to fucking pull the trigger of the gun pointed directly to her head. "wala ng ibang paraan"
"I love you Trishia"
"I know, kaya nga patayin mo na ko" mabigat na ang paghinga nya. maputla na ang labi nya. tiningnan ko ang tagiliran nya na patuloy ang pagdugo. "unti unti na din akong namamatay Iko, mawawala din ako. padadaliin mo lang"
she cupped my face, I closed my eyes. "hindi mo kasalanan" she said. tiningnan ko siya "kung mamamatay ako, masaya akong ligtas ka... nahihirapan na ko Iko, please"
tiningnan ko ng masama ang mga taong may pasimuno ng lahat ng ito. umismi ang babaeng nakaputi na nasa gitna ng lahat. pumikit akong muli at pinakawalan na ang bala mula sa baril na hawak ko. may tumulong luha mula sa mata ko. sinubsob ko ang sarili ko sa mga kamay ko.
"Great job Iko. hindi naman mahirap diba? your free" sabi ng matandang babae habang pumapalakpak.
hinalikan ko ang labi ni Trishia bago tumayo at nilampasan silang lahat. sinusumpa ko ang araw na to. pagsisisihan ninyong lahat ito.
P R E S E N T
"Sari may gusto ka pa ba?" naalimpungatan ako ng magtanong si Yuri. naramdaman ko naman na gumagalaw na ang tren na aming sinasakyan.
"h-ha? wala na" umalis na ang babaeng nag aalok sa amin ng pagkain.
tiningnan ko ang magkatabing case namin ni Yuri. "gusto mo ng buksan?" tanong nito sakin. ngumiti ako at tumango. kinuha ko ang case na may nakaukit na pangalan ko. dahan dahan ko itong binuksan. matte black with gold details pistol ang baril na bumungad sakin. tiningnan ko ito ng mabuti, may nakaukit na signature ko sa ilalim nito. "patingin ng sayo" sabi ni Yuri. iniikot ko ang case patungo sa direksyon nya para makita nya ng ayos. "wow" sambit nito. "ang ganda" nginitian ko sya.
tinago na namin ang case namin. may dumating naman na isang middle aged na lalaki, naka tuxedo sya, ibinigay nya ang mga id namin.
"Sari same class ba tayo?" tanong sakin ni Yuri. I shrugged, "High class ako" sabi nya. hinanap ko naman ang saakin, wala akong makitang word na class dito kaya hindi ko pa maidentify kung ano yung sakin. "sa ilalim ng code name"
"Superior" sambit ko.
"wow girl, iba ka talaga"
nag kwentuhan lang kami ni Yuri habang umaandar ang tren. hindi pa din talaga mawala ang kaba at excitement ko. Matagal ko nang gustong makapasok sa Dreio pero kailangan ko pang maghintay makatapos ng college pero eto na. tumingin ako sa taas nandoon ang timer kung ilang oras na lamang bago kami makarating ng Dreio 2:27 ibiniba na namin ang aming mga gamit mula sa taas. hanggang sa marinig na namin ang pag labas ng usok mula sa tren. "nandito na tayo" excited naming sabi ni Yuri.
naglalabasan na ang mga estudyante mula sa tren. kaya naman nakisiksik na kami ni Yuri para mauna.
pagbaba namin pinagsama sama ang by class. 10 na lang kaming natira.
"Middle Class" pagtawag ng isang lalaki. 7 ang nagpunta doon.
"High Class" nginitian ako ni Yuri bago sumunod sa dalawa nyang kasama sa High Class. ako nalang ang natitira.
"Superior?" tumango ako sa lalaking sinugurado kung kabilang nga ako sa Superior class. umismi sya, ngumiti ako.
napansin kong ang per class ay may 2-4 na taong nagbabantay pero sa Superior class ay isa lang. kinuha nya ang gamit ko mapwera sa case ko. isinakay niya ito sa sasakyan na kulay itim. pinagbuksan kami ng pinto ng isang driver yata ng sasakyang ito. pinauna nya kong pasakayin bago sya sumunod.