Still Waiting(One Shot)

53 0 0
                                    

Bat ba ang hirap antayin ang taong hindi naman nagpapaantay!  Hay buhay!  Lagi nalang akong ganto,naghihintay sa taong hindi naman ako gusto,sa taong tinuring kong kapatid mula pagkabata ko,sa taong kasama ko sa lahat nh kalokohan,sa taong naging malaking parte na ng buhay ko at sa taong minahal ko ng hindi ko nalalaman. Masakit isipin babe hindi ko manlang nasabi sa kanya itong nararamdaman ko bago pa sya umalis.. edi sana nalaman manlang nya na mahal ko sya,,pero huli na. Wala na sya. Iniwan na nya ako...

"Hoy tulala ka na naman jan Shane " sabay kaltok sa ulo ko.

"aray ha!  Nyetang to makakaltok! " binatukan ko nga .. makaganti lang

"Nyeta ka din. Makabatok ha!  Suntukin mo mama mo eh ..!" 

"Subukan mo!  Pupugutan ko tatay mo..at papasalvage ko boyfriend mo! " 

"Ah ..eh.. sorry na bhes..nagjojoke lang naman ako eh.. kwento ka naman kasi jan. Ako na nga kasama mo nag-iisip ka pa ng iba jan. Nakakatampo ha! " bruhang to, ,sya rin palang walang laban,makikipagtalo pa

"Ewan ko sayo.. Dami mong alam Joy "  inunahan ko nga maglakad. Andito kasi kami sa kalsada ngayon naglalakad. Were on our way home from school at eto nangungulit na naman tong bestfriend kong si joy!  Matanung kasi to eh.

"Bhes naman eh! Bat ka tulala? " hinabol nya ako at sinabayan

"Ewan ko ba " my cold voice answered her

"Hay naku!  Si Kyle na naman yan no? " hahaaay!  Babaing to talaga alam na alam kung sinu lagi iniisip ko..bestfriend ko nga talaga to

Tumango nalang ako at diniretso ang tingin sa daanan

"Siguro? Mahal ko padin talaga sya hanggang ngayon. Kahit na 5 taon na lumulipas,gagraduate na nga tayo eh oh. Hindi padin nagbabago tong nararamdaman ko, ,haha ang loyal ko no!  Umaasa sa wala! " naluluha ako..pinahid ko nalang ng panyo ang mata ko,si joy naman hinagod lang ang likod ko

Nakita kong ngumiti ng palihim si Joy... putang to..tawanan ba akong umiiyak..

"Ngiti ngiti mo jan? " takang tanong ko. Ang sarap hambalusin ng galon ang muka neto eh. Pasalamat sya bestfriend ko sya

"Wala!  Ang OA mo lang kasi eh..may iyak ka pang nalalaman. May papahid pahid pa ng luha haha natatawa lang ako." 

"Ah ganun?  OA ako ganun?? " tinitigan ko sya ng *'tang ina mo..maabot lang kita tingnan mo '* look  ko.  Napaatras naman sya pero palapit ako ng palapit sa kanya

Nang maabot ko sya,kiniliti ko sya ng ubod lakas sa tagiliran.  Malakas kasu kiliti nya dun eh kaya naman napatakbo sya. Hinabol ko naman sya. 

Para kaming magsyota dito sa kalsada, naghahabulan!

Sa wakas napagod din kami haha,hindi na tuloy namin alam kung nasaan na kami napadpad. Ayan kasi ang haharut eh!

"Ayan!  Nasaan na tuloy tayo? " nagpout pa ang gaga

"Ewan ko din haha,pero parang familiar sakin tong lugar na to " at biglang may naalala ako

*FLASHBACK*

" Promise ko sayo,babalikan kita" yan ang last word na sinabe nya sakin dito sa ilalim ng punong mangga kung saan kami laging pumupunta para magrelax at magbonding

Dito din sa lugar na to natutunan ko syang mahalin or should i say minahal ko sya ng hindi ko nalalaman

Siya ang bestfriend ko mula pagkabata pero ba't ganto kalalim ang naging pagtingin ko sa kanya

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Feb 23, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Still Waiting(One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon