4: Advice

16 0 0
                                    


Lutang na lutang ang isip ko buong maghapon hindi pumasok si clyde kaya dali dali ko siyang hinanap..kaya pagkatapos na pagkatapos ng klase naming inayos ko lahat ng gamit ko at umalis upang hanapin si clyde...dahil kailangan niya ng karamay ngayon...palabas na sana ako ng hilahin ako ng katabi kong si mica siya ang pinakatahimik sa amin minsan lang kung magsalita...

"Bakit?" tanong ko sakanya

"alam mo ang pag-ibig parang bayad sa jeep..minsan hindi nasusuklian ng tama...pero di naman lahat ganun diba dadating din ang panahon na kapag sumakay ka ulit don susuklian ka din ng tama at sakto at malay mo suklian ka pa ng higit sa ina-akala mo..pero hindi sa lahat ng panahon hindi ka dapat tanggap lang ng tanggap kailangan sakto at pantay..para tama"

At nauna na siyang umalis sa akin....alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin....

Hinanap ko na lahat lahat ang pwedeng puntahan ni clyde pero hindi ko parin siya mahanap...napaupo na lamang ako sa gilid ng daan...ini-isip ko kung saan pwedeng magpunta si clyde at naisip ko kung nasa tabing dagat ba siya....dali dali akong tumakbo papunta roon at hindi nga ako nagkakamali..nandun siya umiinom mag-isa ang dami na ng bote ng alak ang nakakalat sa buhanginan...lumapit ako at tumabi sakanya..

"hindi naman yan ang solusyon clyde..marami pa namang iba diyan..wag mo na kasi ipagsiksikan ang sarili mo sa taong ayaw sayo..ikaw lang ang mahihirapan at masasaktan..bakit hindi mo nalang bigyan ng pansin ang mga taong nasa paligid mo at handang mahalin ka."

"kahit na parang sapul na sapul ako sa sinabi ko haha sa akin pa talaga nang galing :( galing galing ko magpayo pero pagdating sa sarili ko di ko manlang mapayuhan wala eh mahal kita kahit na hindi mo alam"

"hahahahah...siya lang ang gusto ko kylie siya lang at wala ng iba...ang hirap niyang kalimutan..lalo na dito."turo nito sakanyang dibdib at tuluyan na siyang umiyak

"kasi ayaw mong tanggapin ang katotohanan.."simple kong sagot sakanya

"kasi hindi ko kaya" sabi pa niya....bigla siyang tumayo at naglakad palayo

"saan ka pupunta?" tanong ko sakanya

"maski saan..kung pwede na ngalang mamatay eh..para makaiwas sa sakit na nararamdaman ko..wag mo muna ako sundan gusto ko mapag-isa."

Wala akong nagawa kundi hayaan siya sa gusto niya pag ka alis na pagka-alis niya kusang tumulo ang luha ko...

"mamahalin kita hanggang kaya ko hanggang nabubuhay pa ako clyde..ipaparamdam ko sayo na hindi ka nag-iisa...mahal na mahal kita kahit hindi mo ako kayang mahalin pabalik okay lang..." hindi ko na napigilan at humagulgol na ako ng tuluyan..at bigla nalang lumabo ang aking mga paningin..

"Sa Tabing Dagat"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon