*AFTER 8 MONTHS*
Nagpapasalamat ako kay kylie dahil palagi siyang nasa tabi ko..kailanman hindi niya ako iniwan sa oras na nagpapakalasing ako at sa oras na nung naaksidente ako dahil bumangga ang sinasakyan kong kotse sa isang truck dahil sa sobrang kalasingan..naalala ko pa noon na iyak ng iyak si kylie nung nagising ako..palagi siyang dumadalaw sa hospital pag kagaling niya sa University walang palya sa pag bisita...at sa hindi ko malamang dahilan may kakaiba akong pakiramdam sa tuwing lumalapit at nakakasama ko siya..at yon ang aking natuklasan sa nakalipas na buwan...si kylie ipinaramdam niya na mahal na mahal niya ako..at handa na akong magmahal muli at kay kylie ko naman iyon isusukli...mahal ko si kylie...hindi ko alam kung paano at kalian...ibang iba sa pakiramdam nung kay thea...pero ang ipinagtataka ko ilang lingo ng hindi nagpapakita sa akin si kylie miss na miss ko na siya ang tawa niya ang ngiti niya lalong lalo na ang presensiya niya....kaya napag pasyahan kong puntahan siya sa kanilang bahay...Nadirito na ako sa tapat ng kanilang bahay at kinakabahan ako..kumatok ako at pinagbuksan isa sa mga katulong nila...napalapit nadin ako sakanyang mga magulang dahil minsan narin akong bumisita dito sakanila
"ayy sir clyde kayo po pala pasok po kayo.."ani ni manang lusing
"asan po si kylie ...ilang lingo ko na siya hindi nakikita at nakakasama" tanong ko sakanya
"ayiee si sir clyde inlab nap o kayo kay maam kylie ano..hahaha..sabi ko na nga ba magiging kayo rin.."
"hindi ko po kasi napapansin ang pagmamahal ni kylie dahil na kay thea po ang lahat ng atensyon kaya ngayon babawi at ipaparamdam ko sakanya na mahal na mahal ko siya." At ngumiti ako kay manang lusing nakita ko naman na biglang nalungkot si manang lusing at naiiyak na tumingin sa akin..
"sir hindi pa po ba ninyo alam?" umiiyak na sabi nito sa akin kinabahan naman ako sahil sa inaakto ni manang lusing
"anong hindi ko alam?" takang tanong ko
"sir kasi po..si maam kylie...."
"kasi ano manang bakit po?"
"si maam kylie po nasa hospital nung nakaraan linggo pa po siya dinala doon dahil nagsusuka siya ng dugo at minsan naman po may lumalabas na dugo sa kanyang ilong at ang daming pasa sa kanyang katawan" umiiyak na paliwanag nito sa akin
*FLASHBACK*
"teka lang clyde punta lang akong cr ahh.."
"huh.bakit"
"nasusuka kasi ako eh.."
"ahh sige..."
Naririnig ko kung paano nahihirapan magsuka si kylie hindi ko alam kung anong nangyayari sakanya tsaka nagtataka rin ako kung bakit palaging long sleeve ang parati niyang isinusuot.....pagkalabas niya nakataas ang kanyang long sleeve at may nakita akong itim sa kanyang mga kamay...pasa?..oo pasa..paano naman magkakapasa si kylie?
"anong nangyari diyan?" turo ko sa kamay niya
"ahh wala to nadulas kasi ako sa banyo ko nung isang araw eh." Paliwanag niya may napansin rin akong mantsa ng dugo sa damit nito.
*END OF FLASHBACK*
"ma—y saki—t po si kyy—liee?" putol putol na tanong ko sakanya..
"opo sir clyde ..sa maniwala kayo at sa hindi leukemia stage 4 po ang sakit ni maam kylie..huli nap o ng malaman naming lahat..matagal pong inilihim sa ami ito ni kylie..kaya po pala minsan nagkukulong lang siya sa kwarto niya at minsan po naririnig namin siyang umiiyak mag-isa at oo nga pala nung naglilinis ako sa kwarto niya kanina may nakita akong sulat at para ito sayo.."umiiyak na sabi ni manang lusing
BINABASA MO ANG
"Sa Tabing Dagat"
Teen FictionTHANK YOU FOR READING MAY SHORT STORY AND HOPE YOU LIKE IT..I WROTE THIS STORY A LONG TIME AGO AND IM NOT REALLY SURE IF YOU WOULD LIKE TO READ THIS ..,,BECAUSE I THINK YOU MIGHT NOT LIKE IT BUT I GUESS ITS NOT THAT BAD AT ALL😊😊...HOPE YOU'LL APPR...