Samahan

387 12 10
                                    

Ahm.. Dedicated po ito sa lahat ng best friends a.k.a barkada ko

1st time ko gumawa ng poem kaya sana magustuhan nila

May video po sa gilid .. hindi po yun related sa poem pero yun po yung gusto

kong sabihin sa mga best friend ko

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

Samahan

nung kami'y magkita-kita,

sa dibdib may namumuong kaba

baka hindi nila nais ako'y makilala,

ako pa'y mapapahiya

akala ko'y masungit sila,

kaya makipagkaibiga'y di na nag-abala

pero nang lubusan silang makilala,

ang mga sinabi'y nakain ko ata,

di nagtagal naging magkakaibigan,

sa problema'y nagtutulungan

kailanma'y hindi nag-iwanan,

sa saya at kalungkutan

kasama sa kalokohan,

pati na sa gimikan

minsa'y nagkakapikunan,

pero masaya naman ang laging kinahihitnan

minsa'y may katopakan,

o kaya'y kaberatan

pero laging may tawanan,

sa tuwing may ginagawa silang kabaliwan

kapag isa'y nasaktan,

nanakit sa kanya'y reresbakan

pag di nadala'y mas lalo pang uupakan,

pero syempre biro lang naman

gagawin ang lahat para ika'y mapasaya,

nang makalimutan ang lahat ng inaalala

handa pa silang tulungan ka,

upang kalungkutan sa iyong mukha'y mabura

kaya okay lang sakin mawala ang taong minsan kong minahal,

huwag lang ang mga kaibigan kong abnormal

sila ang regalong bigay sakin ng maykapal,

na ni minsan di ako tinuring na sagabal

kaya laking pasalamat ko at kayo nakasama,

dahil minsa'y hindi nabigo na ako'y mapatawa

pano na lang kaya kung hindi kayo nakilala,

may ngiti pa ba sa aking mukha

Kaya sa pamamagitan ng isang simpleng tula,

kahit walang kwenta at hindi mahalaga

pasasalamat ko'y sana'y inyong madama,

at sabihing SAMAHAN natin KAILANMA'Y DI MAWAWALA

=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=.=

wahhh.!! Ang panget ..

guys.. tnx sa lahat (oa ko na masyado -______-)

SamahanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon