SEPTEMBER 1, 2013. Normal na araw lang ito para kay Nathalie, Limang araw na ang nakakalipas noong magdiwang siya ng 16th birthday niya. She’s walking at the corridor with her big purple bag pack pero hindi niya maiwasang isipin, “May nakalimutan ba ako?”
Pagpasok niya ng room, isang napakalakas na bunganga ng babae ang isinigaw ng pangalan niya. It was pinky, ang pagsigaw ng pangalan niya sa tuwing magkikita sila ang hobby nito. hindi pa yata siya pumasok ng hindi ito sumisigaw pagdating niya, unless absent ito.
At dahil mukhang iyon naman ang kasiyahan ng bestfriend niya, hinahayaan na lamang niya ito.
“Its BER month!” malakas na sabi ni pinky sa kanya pagkaupo niya sa armchair.
“Hinaan mo nga ‘yang boses mo, Pinky! Hindi lang po tayo ang dito! Tsaka, what’s with BER month? Di mo naman ako na-inform na inaabangan mo pala ‘tong month na ‘to.” Ani Nathalie.
Nangunot ang noo ni Pinky sa sinabing iyon ng kaibigan. Hindi niya akalaing makakalimutan nito ang araw na iyon, “Don’t tell me, nakalimutan mo? Oh c’mon Nathalie!” paninigurado nito.
Noo naman ni Nathalie ang nangunot sa sinabi ng kaibigan,“Nakalimutan ang alin?”
“Nah! This day is your anniversary! Baliw ka talaga Nath!” binatukan nitong bigla ang kaibigan. Minsan hindi niya alam kung tanga ba ito, o tanga?
Halos mapanganga naman si Nathalie sa sinambit ng kaibigan. Napabalikwas ito ng tayo, “Oh my god! September 1 nga pala ngayon!” pasigaw na sabi nito habang nakahampas ang isang kamay sa mukha, “Paano ko nakalimutan ang espesyal na araw na ‘to?!”
Hindi makapaniwala si Nathalie. Halos ilang buwan niyang pinaghandaan ang araw na ‘to. Pero sa mismong araw pa niya ito nakalimutan?
“Wala manlang akong regalo para kay Victor! Anong gagawin ko?” Nathalie started to panic.
Si Victor ay ang boyfriend niya at ngayong araw ang 1st anniversary nila bilang isang couple. Hindi niya lubusang maisip kung bakit niya yun nakalimutan. She can’t help but to think if what would be the reaction of victor if he knew about it.
“Wag ka ngang magpanic diyan, makakagawa pa naman tayo ng regalo para sa kanya! Tsaka, ipapaalala ko lang sayo Nathalie, ikaw ang babae! Kung tutuusin nga, dapat nakaupo ka lang diyan at naghihintay sa regalo niya!” pagalit ni Pinky sa kaibigan.
“Hindi mo kasi naiintindihan pinky,” sabi naman ni Nathalie, trying to convince her bestfriend.
“Pwede ba kitang sampalin? Tingin ko magigising ka pag ginawa ko ‘yun.” sarkastikong sabi ni Pinky sa kaibigan habang naka-kunot na ang mga noo nito.
Her bestfriend must understand why on earth she’s obsessed with Victor. Victor is such a nice guy, He is the sweetest thing Nathalie ever had. Ayaw na niyang mawala pa si Victor sa kanya, kaya nga ginagawa niya ang lahat para maging perpektong babae para dito. Kahit na ilang beses pang sabihin ng bestfriend niya na hindi maganda ang ginagawa niya, tinutuloy parin niya iyon.
“Good morning class,” sigaw ng isang pamilyar na boses. Nilingon nilang lahat iyon at Tama nga siya,
iyon ang terror niyang teacher, which Is their adviser. Pero hindi ba’t masyado pang maaga para pumasok iyon sa klase nila? Marahil ay may announcement ito.
“Good Morning, ma’am yuzon.” Sigaw rin ng buong klase bilang sagot.
Si Ma’am Yuzon ay kilalang istriktong guro sa paaralan nila, tila ba hindi mabubuo ang araw nito na walang pinapahiyang estudyante. Pero, napuna ni Nathalie ang kakaibang kinikilos nito ngayon. she’s acting weird.
BINABASA MO ANG
Hypnotized (The man of Revenge)
Romance“Beware of some good looking guys around. Some of them might have the ability to hypnotize you."