Friend Forever

28 9 2
                                    

"Yhats ayun yung crush mo oh!!!" Sabi ng isa sa mga kaibigan ko nang makita nya yung crush ko.

Kaibigan- Sila yung mas kinikilig pa sayo pag-nandyan o nakita mo yung crush mo. Sila yung nandyan para kantsawan ka sa crush mo. Yung tipo na gagawa ng paraan para makalapit ka kay crush. Yung pag malapit sa 'yo si crush bigla ka nilang itutulak palapit sa kanya o kaya hihilahin ka nila mapalapit ka lang sa kanya.

"Yhats tulungan nyo naman ako oh....LIBRE KO kayo pagkatapos." Sabi ko sa mga kaibigan ko.

Sila yung tipo na hindi ka tutulungan 'pag wala yung magic word na "LIBRE KO".

"Yhats napano ka? Bakit ka umiiyak? Sabihin mo inaway ka na naman ba nya? Tara resbakan natin sumosobra na yan ha!!" Sabi nila kaya napatawa ako.

Sila rin yung tipong handang makipag-away sa nang-away sayo basta maipag-tanggol ka lang.

"YHATS TAKBOOOOO!!!" Sabi namin nang makita kami nung may-ari ng mangga na kinukuhanan namin.

Sila rin yung kasama mo sa mga kabaliwan na gagawin nyo, sa kalokohan, sa problema kasama mo rin sila. Sila ang mga kaibigan mo na handa kang damayan kapag malungkot ka, kapag may problema ka, kapag masaya andyan sila para sayo Hindi ka nila iiwan.

"Yhats may girlfriend na yung crush mo!!" Sabi nila na parang malungkot pa kesa sa akin.

Sila yung tipong mas malungkot pa sayo kapag nalaman nila na may gf na yung crush mo. Imbes na ikaw yung dapat malungkot ,sila pa yung mas malungkot.

"Yhats tara gala tayo." Aya sa amin ng isa naming kaibigan.

Sila yung kasama mo pag gumagala ka. Pag kasama mo sila walang lugar yung salitang lungkot kasi lahat kayo masasaya. Hindi ka rin mabo-boring kasi palagi silang may pakulo.

"Yhats tara hanap tayo ng raket para may pang-miryenda tayo para na rin hindi tayo palaging nakatambay. Para may gawin naman tayo." Aya nya sa amin para daw may pang-miryenda kami.

Sila yung tipong gagawa ng paraan para lang may pang-miryenda kayo. At yung tipong kahit anong trabaho makita nyo kukunin nyo may maipang-miryenda lang kayo. Hindi naman kami mahirap gusto lang talaga namin yun gawin para may pang-miryenda kami at para hindi rin kami palaging nanghi-hingi sa parents namin. Para may magawa na rin hindi yung puro tambay lang kami. Oh, diba may nagawa na nga kayo may pang-miryenda pa kayo.

"Yhats tara sumama kana kasi kami na magpa-paalam sa mga magulang mo." Pilit nila magsi-swimming daw sila eh kaya pinipilit ako.

Sila rin yung gagawa ng paraan mapayagan ka lang makasama sa gagawin nila. Pipilitin ka para lang sumama ka. Pagpa-paalam ka para lang payagan ka.

"Yhats what do you want?" Tanong ko sa kanila. Bibili kasi kami ng pagkain namin sa tindahan kaya ako na yung nag-presinta bumili.

"Yhats don't English me I'm nervous." Sabi nung isa kong kaibigan.

"Kaya nga Yhats don't English me too because I have a headache." Sabi rin nung isa kaya tawa kami ng tawa.

Sila yung kaibigan mo na palaging nagjo-joke. Yung palaging sila yung dahilan ng pagtawa mo. Yung mga lokohan at kulitan nyo na pag naalala mo bigla ka nalang matatawa.

"Hoy wag nga kayo dito mag-ingay. Doon kayo sa mga bahay nyo mag-ingay may natutulog na eh!!!" Sabi ng may-ari ng bahay kung saan kami naku-kwentuhan.

Kayo yung tipo na parang may nag-aaway pag nag-uusap. Yung tipo na pina-pagalitan ng may-ari ng bahay na kinatatayuan nyo kasi maiingay kayo.

"Hoy! Kayong mga bata kayo tumabi nga kayo sa daan baka masagasaan kayo!" Sabi sa amin nung matanda kasi nga nag-papatintero kami sa kalsada.

Yung tipo na ginagawa nyong playground ng mga kaibigan mo yung kalsada kasi sa gitna ng daan kayo naglalaro ng patintero.

Kami ng mga kaibigan ko ganyan kami. Kilala kami sa barangay namin kasi magugulo, makukulit, palaban, matapang, at mahilig makipag-away. Pero syempre hindi naman kami nakikipag-away ng walang dahilan. Pag may inaway ka sa isa sa aming magka-kaibigan humanda kana kapag nakita ka namin o nakasalubong. Halos lahat kasi kaming magka-kaibigan mahilig makipag-away. Kaya nga kilala kami sa barangay namin eh. Ang tawag sa amin ay "SMALL TONDO" yun kasi yung tawag sa compound namin. Ewan ko nga rin kung bakit ganun yung tawag sa compound namin eh. Siguro dahil mga mahilig makipag-away yung mga nakatira sa compound namin.

Ang pagka-kaibigan para sa akin ay...

Kayo na po ang magtuloy kung ano ang pagka-kaibigan para sa inyo.

Sinulat ko po itong short story na ito para mai-share ko po yung kahulugan ng pagka-kaibigan para sa akin. Yung sinulat ko po totoo po yan lahat. Yung nakikipag-away kami pag may inaway sa mga kaibigan namin. Yung napapagalitan po kami totoo rin po yun kasi nga po makulit talaga kami.

Yung "YHATS" po. Yun po yung tawagan namin. Ibig sabihin po nun ay malapit na magkaibigan o para na rin pong kapatid. Ang turingan po kasi namin ay magka-kapatid/best friend.

Yung video po na yun ay favorite naming magka-kaibigan kasi po tungkol po talaga yung kanta na yun sa magka-kaibigan. Kaya yun po. Sana magustuhan nyo po yung favorite song namin.

So, thank you po sana po nagustuhan nyo po yung story ng friendship namin.

Don't forget to vote and comment po.

THANK YOU PO!!!

Friends Forever (One Shot Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon