Present Time 2017

8 0 0
                                    

"Hindi ko alam kung paano nagsimula ang lahat, kung paano umabot sa ganto, at kung paano naging ganon ganon na lang.. basta ang alam ko lang.. gusto ko na talaga sya.. Una palang."


Sabrina's POV

Sa ngayon, parang "ewan" ang mga nangyayari. Dati halos hindi kumpleto ang buong araw ko kapag wala sya, malungkot ako, at walang nararamdamang saya kapag hindi ko sya nakikita bawat oras..

Bakit ngayon sya na mismo yung nandyan pero parang balewala na lang sakin?
Dahil ba pagod na ko?
O sadyang nadala lang ako at nagsisisi na sana hindi ko na lang sya nakilala.

Nandito na uli sya.. nakikita ko at nakakasama ko.. pero mababalik pa kaya ang lahat kung ngayon masyado nang kumplikado ang lahat?

May hindi talaga inaasahang bagay na una palang gusto mo nang sukuan, pero wala eh, may something na tumutulak sayo

at nagsasabing sige lang..

handa ka namang masaktan hindi ba?

Kaya kahit anong sakit at hirap pa yan handa mong isugal ang lahat sa pagiisip na kakayanin mo lahat.

Pero sa huli, darating yung oras na parang hindi mo na kaya, na ang hirap hirap na...

Yung something na nagsasabi sayo na sige lang?

Wala, sumuko na rin.
Hindi na rin ata kinaya...

Hayst...

Tama na, itigil mo na yan..
Sabi nga diba kung wala edi wala.
Hindi mo deserve ang masaktan, ni mahirapan.
Kaya yang mahabang panahon na pagdudusa mo eh putulin mo na.

Para saan ba at makakamove on ka din...

"Sabrina? Anak.."

"Mom..?"

Tumayo ako at binuksan ang pinto ng kwarto ko,

"Ano na naman bang sinusulat mo? Wala kayong pasok one week diba? Assignment pa rin ba?"

"Ay hindi po, may tinatapos lang po akong kwento, malapit na po yang matapos :D"

"O sya kunin mo na muna tong mga pagkain.. Aalis ako kaya kumain ka na baka gabihin ako e, basta tatawag na lang ako ha"

"Opo,"

Pagkakuha ko ng tray sinara ko na ang pinto..

"Ay teka 'nak.. Kahapon nga pala nakasakay ko yung kababata mo? Sino nga ba yun?"

Kababata?

"Yung palagi mong kalaro noong bata ka pa.. Ano ngang pangalan nun?"

Si Jerome..

"Ahh hindi ko na po matandaan eh? Bata pa kasi ako nun, yaan nyo po baka mamaya maalala ko.."kamot ulo kong sagot, habang nakangiti.

"Sige sige alis na ko.. Nga pala nasabi ko na kina Aling Kira na baka gabihin ako, magpaluto ka na lang sa kanila kung magutom ka ha, tapos yung mga aso pakainin mo mamaya-"

"Opo.. Lagi ko naman silang inaalala ma.. Sige na po lumakad na kayo.. "

"Pinapaalala ko lang naman baka kasi makatulog ka na naman dyan sa ginagawa mo."

Sinara ko na ang pinto pagkaalis ni mama, saka bumalik sa pagkakaupo ko.

Si Jerome? Nagkita sila ni mama.. Nagusap kaya sila?

Matapos nang ilang taon ngayon na lang uli nagkita sina mama.. Ang galing pero hindi na tulad ng dati ang mangyayari ngayon.

Tinuloy ko na ang pagsusulat,

Kung sino man nagpasimuno na walang forever.. I salute you po koya.. Tama naman kase, sa una parang ang sweet sweet nyo, inaantik na kayo sa sobrang sweet, yung lahat ng tao inggit sa kung anong meron kayo?

Tapos hanggang dun lang, yung tamis na nasa inyo? Wala na.. Ang pait pait na.. Sana nagpakagat ka na lang sa mga antik na yun kung alam mong matatapos lang din naman ang lahat...

Bakit ba ang bitter bitter ko..?

Bakit kapag may naririnig akong "promise" eh parang gusto kong pumatay?

At bakit.. sobrang sakit ng nararamdaman ko kapag naalala ko lahat ng nangyari?

Ang sakit..

Sobrang sakit...

Nagsimula ang lahat nang mangako kami sa isa't isa..












I Will Promise YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon