Dash and Isadora's POV
"Dalhin mo ako sa panahon at lugar na walang kasunduan ang pagmamahalan. Kailangan kong matakasan ang pag-ibig na hindi naman nakatadhana para sa akin."
Sa pagbukas ng mga mata ko ay kakaibang liwanag ang sumalubong sa akin, ngunit kumpara sa iba ito ay hindi nakakasilaw. Nang tuluyang sumabog ang liwanag ay namangha ako sa mga nakita ko sa aking paligid. Mga numerong mabilis na umiikot at nagpapalit ng mga taon. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko sa mga oras na iyon kung matatakot ba ako o matutuwa.
Unti-unting bumagal ang pag-ikot ng mga numero hanggang sa huminto ito sa taong 2021.
BINABASA MO ANG
If You're Not The One
RomanceNanggaling kapwa sa magkaibang panahon, ngunit pinagtagpo ng kasalukuyan. Si Isadora na nagmula sa nakaraan at si Dash sa hinaharap. Magkasalungat man ang kanilang mga paniniwala, ngunit hindi maitatagong may nabuong pag-ibig sa kanilang mga puso.