- Chapter 45 -

1.9K 144 165
                                    

A/N:
Sa mga humihingi po ng second chance kay Jake, eto na.. Pero sinasabi ko sainyo, mas masasaktan lang kayo.

Buo na ang loob ko na wag sanang paasahin si Jake, oo masakit pero mas masakit kung aasa pa siya. Pero yan ang gusto niyo, wala akong magagawa..

Sorry sa mga Team Uling, pagbigyan muna natin yung Team Jake. Enjoy reading!

Chapter 45: The Truth

Heaven Akira's POV

"Kasi mahal kita.." Tinignan ko siya sa mata. "Mahal...na mahal kita.."

Oh god. Parang nabunutan ako ng tinik pero may parte sakin na nagsisisi.

"Don't worry Cole, y-you don't need to love me back. Alam ko naman.. Na hanggang kaibigan lang." I smiled at pinunasan ang luha ko. "Stay strong sainyo.. Ngayong nasabi ko na sayo, alam kong maraming magbabago.. Don't worry mag momove on nako sayo."

Tumakbo na ako paalis habang umiiyak without hearing any word from him.

Ayokong makita ang reaksyon niya at ayokong marinig ang sasabihin niya. Atleast ngayon alam niya na may tangang babaeng nagmamahal sakaniya.

Pero putcha naman oh! Sinundan niyako!

Hinawakan niya ang braso ko at hinarap ako sakaniya.

Umiiyak rin siya pero nakangiti. "Y-you love me?"

"Ano? Tatawanan moko? Oo Cole tanga ako kasi nahulog ako sayo kahit ate ko ang mahal mo.. Hayaan mo, makakalimutan din kita."

Nagulat ako ng yakapin niya ko ng mahigpit na mahigpit. Kinagat ko ang labi ko para maiwasan ang paghagulgol.

"I... I.." He trailed off.

Napapikit ako. Ewan ko pero hindi ko kinakabahan ako. May parte sakin na sana ang sabihin niya ay mahal niya rin ako. May parte rin sa akin na sana wag niya ng ituloy ang sasabihin niya.

Mas niyakap niya ko ng mahigpit. "I lo--... I'm sorry."

~*~

Steven Cole's POV

Ang tanga tanga tanga tanga ko. Oo ang duwag ko, ang sama ko. Gusto kong patayin ang sarili ko.

Nasaktan ko nanaman ang babaeng mahal ko.

Halos hindi ako makapaniwala nang sabihin niyang mahal niyako. Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang halikan. Hindi niya alam kung gaano ako kasaya ng banggitin niya yun.

Hindi niya ako pinatapos sa kwento ko, hindi naman kami nagkabalikan ni Aiko na kahit kelan hindi ko naman minahal.

At sasabihin ko na sana.. Na mahal ko rin si Ven..pero..

...nakita ko si kuya na nakatingin samin habang yakap ko siya and pain is written all over his face.

At eto nanaman ako, magpaparaya sakaniya.

Oo, si kuya Cyrus ang dahilan. Mahal na mahal niya parin  si Ven at alam ko yun. Pinaalam niya.

Natakot ako, sila mama, sila papa, nung muntikan siyang magpakamatay dahil kay Ven.

Mahal niya talaga.

Pero nakakagago kasi mahal ko rin eh!

She's The Man Hater Since ThenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon