"Pero ma'am, malinis po ang mga ginagamit namin dito. Imposible po 'yang sinasabi niyo..."
'Yan ang agad na bumungad sa 'kin pagkapasok na pagkapasok ko palang sa shop. Namataan ko si Dina na may kausap na babae kaya dahan-dahan akong lumapit sa kanila para alamin ang nangyayari.
"Uhh, Ma'am Queenie," nag-aalalang tawag sa 'kin ni Dina nang mapansin ako.
"What's happening?"
"Ikaw ang owner?"
Sabat agad ng babae, mukha siya 'yung may reklamo. Tinignan ako nito nang nakataas pa ang isang kilay. I smiled at her.
"Yes ma'am? May I know your concern?" Magalang 'kong tanong.
"The coffee here is dirty! Look."
Tinaas niya ang tasa ng kape, sinilip ko 'yun at nakita kong may buhok na sa tingin ko ay dalawang piraso.
Kunot noo kong nilingon si Dina na hindi malaman ang gagawin.
"Anongg klaseng coffee shop 'to? Naturingan pang one of the best coffee shop here in Makati?" She smirked, "I doubt it."
Pabagsak niyang binaba ang tasa at sinabit ang bag sa kaniyang braso, "Ico-complain ko kayo. you and your dirty shop!"
"Excuse me, but we made sure that things here are all clean."
"Really? Then what's that?!"
Tumingin ako sa staff ko, "Dina?" Nag-aalala niya naman akong tinignan.
"Ma'am Queenie, I swear, bago ko i-serve ‘yan sinigurado kong malinis ‘to. Lagi naman naming sinisuguro na malinis ang lahat. Hindi ko alam kung saan nanggaling ‘yang buhok na ‘yan..." She explained.
"So sinasabi mo bang ako ang naglagay? Well, Hindi mo nga naman aamining madumi ang shop at employees niyo, eh, natural lang na ipagpilitang hindi niyo ‘yan ginawa."
I sighed. Ang aga-aga heto ang aabutan ko?
"Pero Ma'am, imposible talaga ‘yang---"
"Enough." Pagpigil ko, pilit kong nginitian ang babaeng nagrereklamo. "Well then, I have a solution."
"What is it?" Mataray niyang tanong.
"Please come to my office, including you, Dina." Mahinahon ko pang sabi.
I swear kagagaling lang ng sakit ng ulo ko kagabi and then suddenly may isang customer na for the first time ay magrereklamo?!
"Where are we going?"
Huminto ako sa paglakad at nakangiti siyang hinarap. "Again, to my office."
Dinala ko sila sa office ko as I've said. Nilapag ko ang handy bag sa table at binuksan ang computer.
"What are you going to do?"
"I'm going to review our CCTV, Ma'am." Sabi ko habang nasa monitor ang mga mata.
"Queenie, here’s your breakfast---" tinignan ko si Cassidy, napahinto siya nang makita ang mga tao sa office ko. Kinunutan ko naman siya ng noo at alam niya na 'yun.
Umupo siya sa sofa at doon nanuod sa 'min.
"Okay, Let's see.."
Pinanuod ko ang review ng CCTV. Sinerve ni Dina ang cup of coffee ng maayos, and then suddenly, itong customer ay nagsuklay matapos 'yun mai-serve. I stop the video and zoom the coffee only to find out the there were some strands of hairlines.
YOU ARE READING
CRIMINAL [Under Major Editing]
Misteri / ThrillerA legendary heartless devil who will appear in Queenie's hapless life. A love that can give him supcremacy and domination... but there's one way to gain this strength...