Guys let me give you some clues kung ano flow ng story.
Merong isang girl na gagawin lahat para mapansin siya ng dream guy niya.Maging sila kaya ?or makahanap ng iba?. may mga mahabang part lang talaga na paragraph pero don't be lazy to read=))MAY MGA TWIST TONG STORY NA TO!
Comments are highly appreciated! first story ko to kaya. sisiguraduhin ko na may mga twist at di boring. sana nga magawa ko yun -__________________-Thank you
Characters:
-----------------------------------------------------------------------------------------
This day is the day of being JUNIOR! GOSH! 3rd year high School na ko -____- . ako nga pala si Jen. Hindi ako maganda. IN SHORT PANGET AKO! idedescribe ko muna ang sarili ko. maitim, madaming pimples,makapal ang labi at basta panget..(pero mag eevolve ako syempre =) !)
sa ugali naman (kahit ako hindi ko maintindihan minsan ugali ko.) minsan pa cute (yes, may gana pa kong mag pa cute), minsan mabait, tahimik, pero minsan sobrang gulo, soundtrip sa gilid ng classroom tapos di nag aaral,party people minsan,minsan emo,kung anu anu pa.. ayan ang buhay ko nung hindi ko pa nakikilala ang dream guy ko =)). (di ko muna siya i rereveal =))
Sa unang day ng pasukan namin, na feel ko yung super excite ako makilala yung mga bago kong kaklase. Feeling ko naman magiging close ko sila eh. Kaklase ko nga pla si Kelvin. yun yung crush ko since 2nd yr. Shit transferee kasi siya nun. syempre natural lang samin (at sakin) na magkagusto ako sa kanya kasi siyempre bago lang sa school. hearthtrob pa. Maputi,varsity,matalino,matangkad.PERFECT!
nagsimula na kami magpakilala. (syempre ganyan naman lagi pag first day)
"hi my name is "Jennifer Lee, I'm 15 yrs. old.Just call me Jen if you want" nanginginig pa ko nung sinabi ko yan.hahahah. well , syempre dapat may poise.
Unang naging katabi ko si Christine. Simple, mabait, maganda at down to earth. naging magkaibigan kami, pati pangongopya magkapartner kami =)).
(di ko na pahahabain kasi kung ikukwento ko pa nangyari sa 1st quarter sa school eh Boring na.at pampahaba lang)
Ngayong 2nd Quarter na madami na ko naging ka close. may mga grupo na ko ng kaibigan.
"ok class we have field trip next week, I will give each of you a letter, just fill it and choose one destination that you want to go"sabi ng teacher namin. Ang school kasi namin High Class. International School siya.
ang mga nasa pagpipilian
a. Korea
b. Japan
c. U.S.A.
"oh my gosh Jen, pipiliin ko yung U.S.A., pangarap ko talaga pumunta diyan. We will have so much fun there"
"ayaw niyo sa Korea?"
"anu ba Jen, Di naman ako Kpop eh" sabi ni Christine
"Joke lang. U.S.A. din pipiliin ko for sure naman halos lahat ayan pipiliin eh"
Next Day.
Pasahan na ng slip at U.S.A. nga ang pupuntahan namin. Di ko rin naman matatangi na sobrang excited ako. kaya ngayon pa lang naglilista na ko ng dapat kong bilhin.
2nd Quarter na pala kaya oras na din para maglipatan ng upuan.
"Ok guys, eto ang 2nd and last na magpapalitan tayo ng upuan" sabi ng teacher namin
"but why sir?,"
"kasi masyado kayong magugulo kapag kayo ang pipili ng katabi. This time ako ang pipili at boy- girl ang arrangement. Ang lumipat sa ibang upuan will be punished"