Chapter 11: Moment

217 8 0
                                    

"Bakit ba ang sungit mo? " I asked Laice pero hindi niya ako sinagot. seryoso lang siyang nagdadrive. ilang araw na ang lumipas simula no'ng nangyari sa first date namin ni Jaice at simula sa araw na 'yon ay naging masungit na at cold si Laice.

Kinalabit ko siya para mapansin niya ako ngunit hindi niya parin ako pinapansin. hindi man lang ako mabalingan ng tingin. naiinis ako kasi hindi ko alam ang dahilan kung bakit siya nagkakaganito.

"Hoy! Laice! " patuloy ko siyang kinulit pero para lang siyang walang narinig. sandali niyang hininto ang sasakyan at walang emosyon akong tinitigan.

Anong problema niya?.

Bumaba siya ng sasakyan tapos walang lingon-lingong naglakad. tumingin ako sa paligid at tyaka ko lang napagtanto na nasa Anderson University na pala kami. Dali-dali akong lumabas ng sasakyan para habulin siya.

"LAICE! WHAT THE HELL! " Hindi ko na napigilang sumigaw dahil hindi man lang siyang nag-abalang tingnan ako, o kahit na hintayin man lang. I have no choice . tumakbo na ako para maabutan siya. naabutan ko siya sa gate dahil bigla siyang huminto sa paglalakad.

"Babe! " rinig kung sigaw ng isang babae. Kung hindi ako nagkakamali isa siya sa sikat na cheerleader dito sa university. Candice? I think. lumapit ako kay Laice. walang ganang tinitigan niya si Candice na ngayon ay naka pulupot na sa braso niya.

"Babe, I miss you " saad niya pa. tinitigan ko lang sila. bahagyang ngumiti si Laice. nakakunot pa ang noo niya. siguro iniisip niya kung ano ang pangalan nito .

"Hey babe! say something " nakanguso pa si Candice habang sinasabi niya 'yon .Teka? Why I'm still here? dapat pumunta na ako sa class ko. tsk.

"I'm sorry Cynthia, " ani Laice. palihim akong tumawa sa sinabi niya. Sa dami ng babae niya ay hindi na niya natandaan kung anong pangalan ng mga nilalandi niya. and as expected nasampal siya ni Candice.

"What?!. Who the hell is Cynthia, Laice?! " hindi makapaniwala si Candice. napasabunot ako sa buhok ko. what a scene!. lalapitan sana siya ni Laice ng may bigla na namang umagaw sa atensyon namin.

"Laice, babe! " isa na namang babae ang dumating. kilala ko siya kasi isa siya sa mga ka block ko sa isang subject. Drew young?
Lumapit siya kay Laice tapos mahinang hinampas yung dibdib niya. binalingan ako ni Laice ng tingin at hindi ko alam kung matutuwa ako o maaawa dahil parang siyang matatae.

"Bakit hindi mo sinasagot yung tawag ko.? Hindi ka rin nagrereply. Babe naman! " may paawa effect pa sa boses niya. I just rolled my eyes. Ano bang nagustuhan nila kay Laice at Patay na Patay sila?. tell me!.

Biglang nainis si Candice.
"Excuse me ? Who the hell are you?. Why are you touching him? " mataray na sabi ni Candice sabay tulak kay Drew. tumawa si Drew. A sarcastic laugh.

"Excuse me? who the damn are you?. stay away from my boyfriend! " tinulak pabalik ni Drew si candice. lumayo ng bahagya si Laice. Walang bakas ng kung anong emosyon sa mukha niya. Nakapamulsa pa siya at poker face na tinitigan ang mga babaeng nagtatalo dahil sa kanya.

"What?! I'm his girlfriend and you are just nothing! " ani Candice. pinagtitinginan na sila ng mga estudyante but they don't care. they're still fighting about who the fudge is the real girlfriend of my best friend. tsk. You're wasting your time, talking about nonsense things.

"Oh really? how? " hindi ko na pinansin ang pagtatalo ng dalawa. wala naman din kasing patutunguhan. alam ko naman na hindi lang silang dalawa ang 'mga' girlfriend ni Laice na kahit siya mismo ay hindi na matandaan kung sinu-sino dahil sa sobrang dami.

Tahimik akong pumasok sa first subject ko. Iniwan ko na si Laice.
mamaya ko na lang siya kakausapin tungkol sa kung anong ikinapuputok ng butchi niya at napaka cold niya saakin. hindi kasi ako makasabay kay kuya Max dahil busy siya kasi graduating kaya no choice ako kundi pagtiisan ang ugali ni Laice.

In the name of loveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon