Kita ko sa mga mata mo ang takot habang nakatingin sa hawak ko, napangisi na lamang ako dahil dapat lang na matakot ka.
Matapos ang ginawa mong panloloko sakin, ay wala na itong kapatawaran.
Dapat ka lang na mamatay, dahil di ako papayag na di mo pagbabayaran ang lahat ng yun.
Unti unti akong lumalapit sayo habang pinaglalaruan sa kamay ang kutsilyong hawak ko.
Nanginginig sa takot na lumayo ka, pero dahil sa nakatali ka ay tila ba walang nangyayari.
Napangisi muli ako "Ano Y/N masaya ba yung ginawa mong panloloko sakin?"
Tanong ko at napayuko ka lang, kinuyom ko ang mga palad ko at hinigpitan ang hawak sa kutsilyo.
"Matuto kang sumagot kapag tinatanong kita" lapit ko sayo tsaka hinawakan ka sa buhok.
Narinig ko ang pagdaing mo, at makikita ang nagbabadyang luha sa mga mata mo.
Umiling ka, at muling yumuko. Ngumisi lang ako at mas hinigpitan ang hawak sa buhok mo.
At dahil sa masyado akong natutuwa sa buhok mo ay pinutol ko ito gamit ang kutsilyong hawak ko.
Dapat kang mamatay, pero ang kamatayan mo ay di pa din sapat.
Kaya kailangan kitang pahirapan muna, upang maranasan mo ang paghihirap ko sa panloloko mo.
Tinapunan kita ng nakakadiring tingin, di pa ako nakuntento at sinagad ko sa anit mo ang pagputol sa iyong buhok, kasabay ng pagbagsak ng naputol mong buhok ay ang pagbagsak din ng mga luha mo.
Sa tingin mo maaawa ako kapag umiyak ka sa harap ko? Hahaha hindi. Kahit umiyak ka pa ng dugo ay di ako maaawa.
Hinawakan ko ang mukha mo gamit ang isa kong kamay at hinarap kita sa'kin.
"Nagustuhan mo ba ang gupit ko sayo? Wag kang mag-alala di pa diyan yan nagtatapos" sabi ko sayo.
Itinaas ko ang kamay kong may hawak ng kutsilyo, at ipinakita ito sayo. Pinunit ko ang suot mong damit gamit ito.
Napangisi akong muli habang nakikita ka na walang kalaban laban.
Nakita ko ang makinis mong balat sa bandang tiyan, ano kaya itsura nito kapag may drawing? Tanong ko sa sarili ko.
Hiniwa ko ang tiyan mo at nagdrawing ng letter X.
Nice, nakakatuwa ang dugo na nakikita ko. Ang sariwang dugo mula sa hiniwa ko sa tiyan mo.
Di pa ako nakuntento at mas linaliman ang paghiwa dito.
Napangisi ako dahil nakita ko ang pag-agos ng dugo sa tiyan mo.
"T-Tama na B-Blythe huhu, nagsisisi n-na a-ako" umiiyak na pagmamakaawa mo.
Pero huli na ang lahat. Kahit anong pagsisisi mo ay di na ako naaawa.
Mas linaliman ko pa ang hiwa hanggang sa makita ko ang ilan sa lamang loob mo.
Ano kaya ang pakiramdam kapag hawak ko ang mga iyan? Tanong kong muli sa isip ko.
Dala ng kyuryosidad ay ipinasok ko ang kamay ko sa hiwang ginawa ko sa tiyan mo. Mainit init pa..
Napangisi ako, ng makita ko ang tila walang hanggang pagluha mo, at ang impit na ungol dala ng sakit ng ginagawa ko.
Pero kulang pa din. Nilabas ko ang kamay kong balot ng dugo, dugo mula sayo.
Napatingin ka sa akin at hinihintay ang susunod kong gagawin. Ano nga ba? Alam ko na.
Hiniwa ko ang kaliwang pisnge mo gamit ang kutsilyong hawak ko.
Nagdrawing akong muli ng X at nakita ko ang pag-agos ng dugo mula dito.
Pero kulang pa din.
Lumayo ako sayo at tinignan ang tila isang obra maestra na katawan mo.
Ang dugo na dumadaloy dito. Di pa din sapat. Kinuha ko ang baril sa gilid ko, at tsaka kinasa
"Bly-Blythe hu-huwag p-please" nanginginig mong pagmamakaawa.
Matibay ka rin ano? Pero di ako nagpakita ng awa at tsaka itinutok ang baril sa ulo mo.
Kita ang labis na takot sa iyong mga mata. Pero sa mga oras na to, wala akong ibang gustong gawin kundi ang wakasan ang buhay mo.
Ang buhay ng aking kaibigan na taksil.
Bumalik sa aking isipan kung paano ko kayo nakita ng boyfriend ko na nagtatalik sa mismong condo naming dalawa.
Sa galit ay napatay ko siya, at ngayon ay ikaw naman ang papatayin ko.
Ipinutok ko ang baril at nakita na tumama ang bala nito sa iyong ulo.
Sa mismong noo mo
Nawalan ka ng buhay habang dilat ang mga mata, at may luha ang mga ito.
Hinagis ko ang kutsilyo sayo, at tumama ito sa iyong dibdib.
Ngayon, wala ka na..
Pero di pa din ako kuntento.
Nawalan ako ng boyfriend, ang nag-iisang minahal ko.
At ng kaibigan na itinuring kong kapatid pero niloko lang din ako.
Wala ng saysay ang buhay ko kung mananatili pa ako dito.
Kinuha ko ang kaparehong baril na ginamit ko sayo at saka itinutok sa ulo ko.
Sa isang putok nito ay..
Nagising ako sa isang malakas na tunog ng alarm clock at malakas na pagkalampag sa pinto.
Isang bangungot pero parang totoo.
Bumangon ako at saka binuksan ang pinto kung saan nakita kita na may ngiti sa mga labi at buhay, di tulad sa aking panaginip.
YOU ARE READING
Fanservice (RPW)
Short StoryCollection of all my fanservice, hope you like it humans. #225 IN SHORT STORY (05-27-17)