~Athyla~
Para akong tangang nakatingin sa kisame. Paikot-ikot ako sa kama ko at hindi maintindihan ang sarili. Batid kung nababaliw na talaga ako. Tiningnan ko ang phone ko para sana i-check kung may text or missed calls ba but heck wala!. Ang boring. Hindi ko alam ang gagawin ko. sila kuya may kanya-kanyang lakad. Si chesca naman ay na nonood ng BTS tapos si Laice...... I don't fuckin' know where he is.
Napa-upo ako at munting napa-isip. Next week na pala ang birthday ko pero parang wala lang saakin. Arggg! Ano ba ang nangyayari saakin?.
Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng biglang nagring ang phone ko. Agad ko itong kinuha at hindi ko alam kung bakit bumilis agad ang tibok ng puso ko ng makita kung sino ang tumatawag.
Epal is Calling........
Bago ko sagutin ang tawag ni Laice ay narinig ko na agad ang mga sasakyan ng mga kapatid ko. They're here. I sighed bago sinagot ang tawag.
"Hello?! " bungad ko agad sa kanya. I heard him laughed and I want to punch myself because his voice is like a music to my ears and it's driving me crazy! Damnit!
"Hey! " nagsalita ako ulit ng manatiling tahimik ang kabilang linya. Pero ilang sandali pa ay nakarinig agad ako ng mga sigawan. Tunog ng mga sasakyan. At iilan pang mga ingay na parang nagtatalo. Agad kumunot ang noo ko at biglang kinabahan.
"Where the hell are you, Laice? "
hindi maitatago sa boses ko ang pag-aalala. Walang naging sagot si Laice kaya halos tumalbog ang puso ko sa sobrang kaba . Nagpaikot-ikot ako sa kwarto ko habang kagat kagat ang daliri ko dahil hindi na ako mapakali at mas lalo pa akong kinabahan ng makarinig ako ng kalabog ng pinto mula sa labas.Mabilis akong kumaripas ng takbo. Binabaan ko ng tawag si Laice para puntahan kung anong nangyayari sa baba. Pagkadating ko ay naabutan ko si Kuya Jacob na nagpupunas ng dugo sa labi. Si kuya Justine ay nakasalampak sa sofa at may iilang pasa sa mukha. Samantalang si Kuya Max ay nakapamulsa bagamat natatakpan ng bangs ang mga mata niya ay kita ko parin ang iilan niya ring pasa sa pisngi at hindi nakatakas ang namumula niyang kamao.
Napaluhod ako malapit kay kuya Justine. Nanginginig ang mga kamay ko habang tinitingnan ang mukha ni kuya Justine.
"What happened, Kuya? " tanong ko sa kanila. Wala akong ibang narinig na sagot kundi ang sunod na sunod na mura ni Kuya Max.
"This is all your fault justine! Bakit ka pumayag! " paikot-ikot si kuya habang pinapadausdos yung mga daliri niya sa mahaba niyang buhok.
Umupo si kuya justine kaya halos magkalapit na yung mukha namin. Sinandal niya ang ulo niya sa balikat ko.
"Hindi ko kasalan! Nakisali sila Kuya! " sabi nito. Umupo si kuya Max sa tabi niya.
"Pero bakit mo pinatulan? " sabi ni kuya tapos sumandal sa sofa. nanatiling kalmado si kuya Max pero alam kung nagpipigil lang siya ng inis dahil andito ako.
"Tss.... Nadamay pa kaming tatlo sa kalokohan mo! " sumingit si kuya Jacob tapos biglang sinandal ang ulo niya sa likod ko. Lahat sila may pasa. Kung hindi ako nagkakamali napaaway sila. And again si Kuya Justine na naman ang dahilan. Lagi na lang siya dahil saaming Lima siya ang pinaka - maikli ang pasensya kaya takaw sa gulo.
"Kasalanan nila iyon! Wag niyo isisi saakin!! " tumaas ang boses ni kuya justine. Nanatiling kalmado sila kuya at binalewala ang inis ni kuya Justine. Sanay na sila sa ugali niya at nakakatuwa dahil sa ikli ng pasensya niya siya pa iyong mahilig mang-asar kung siya naman itong mabilis mapikon.
"Dude! Ang dami nila pero pinapairal mo pa rin ang kayabangan mo! " sagot ni kuya Jacob. Tumawa si kuya Justine. A fuckin' sarcastic laugh
"Sila ang nag-umpisa at hindi ako! "
BINABASA MO ANG
In the name of love
Novela JuvenilHis love belongs to a person whose heart belongs to another. It hurts when he risk his heart and it ends up of getting broken, but what hurts more is when he still holding on when he already know he's waiting for nothing. He's selfish. He wants to t...