Naglalakad sa Plaza. Tirik ang araw. Sobrang init. Naglalakad si Jiro. Labas ang dila. Kuba. Pawis na pawis habang nasasalubong at nakakasabay ang mga tao na nakapayong maliban sa kaniya. Lumapit siya sa isa sa mga nagtitinda. Isang matandang lalake.
"a, manong pwede ho bang makiinom? uhaw na ho kasi ako sa sobrang init"
"ayos lang naman! haha, mukha ka namang mabait na bata e'", biro at ngiting sagot ng matandang mabait.
Kumuha ang matanda ng kawayang baso. ipinahawak kay Jiro at muling kumuha ng isang galong tubig upang salinan ang basong kawayang hawak ni Jiro.
"Pasensiya na ho talaga ha!", sabay inom ni Jiro sa baso. Tumingin tingin siya sa paligid habang umiinom. At doon nasulyapan niya ang isang lalaking naglalagay ng mga panindang prutas sa bag.
"haha, a, e, saan ka ba galing niyan?", tanong ng matanda sa nakatalikod na bampira.
"Sandali lang ho manong ha, maraming salamat po muli", sabay liban ni Jiro papunta sa isa pang tindahan kung nasaan ang magnanakaw na bata.
Sumitsit si Jiro. Lumingon-lingon ang bata. Sumitsit muli. Nang makita si Jiro ay tumigil sa paglalagay ng mga prutas at dahan-dahang naghahanda paalis ng bayan. Lumapit si Jiro. at nang makalapit. Pabulong na sinabi,
"Pare!, pahingi naman kahit tatlo. Mukhang nakarami ka a. Kaunti lang."
"Pe. . . pe. . . pero. para sa pamilya ko ito na gutom. Tumakas lang po ako sa kagubatan.", takot na sagot ng bata.
"Bakit? Anong meron sa gubat? Kulungan? Paanong tumakas ka lang?", pagtatakang tanong ni Jiro.
"Hawak na kasi ng Shadow Society ang gubat."
"ha? Gubat?", tanong ni Jiro
"Oo, gubat. nasakop na nila ito nang matalo nila ang mga halimaw ng kagubatan. Kaya parang awa mo na ho, nagugutom na ang ama, ina at ang mga kapatid ko. At kapag nalaman ng mga ninja na may nakalabas sa mga kawal nila, papatayin niya lahat ng lahi nito. Buong lahi."
At biglang natanaw ng bata ang mga naglalakad at paparating na mga ninja. Kaya't nagmadali itong naghanap ng taguan kasunod si Jiro. Nagtago sila sa mga basurahan sa isang eskinitang napagigitnaan ng dalawang gusaling bahay pauupahan. At doon nila pinagmasdan ang mga dumadaang mga ninja. At pabulong na sinabi ng bata kay Jiro.
"mukhang kukuha na naman sila ng mga ama upang maging kasapi nilang ninja. At kapag hindi nila nakumbinsi ang mga taong iyon na sumapi sa kanila.", sabay tingin ni Jiro sa bata sa panapos nitong mga salita.
"PAPATAYIN NILA ANG PAMILYA NITO!", panapos ng bata.
At sumagi ang atensyon ng bata nang mapansin si Jiro na parang sumasakit ang ulo.
"Ayos ka lang ho ba?", tanong ng bata habang inaalalayan ang bampira.
"ah!, Oo. ayos lang ako", hindi sigurado sa sagot ni Jiro.
Nakarinig sila ng sigaw. Sigaw ng mga bata at ina. Nagmadaling tumayo ang dalawa at sinilip ito sa gilid ng paupahang dalawang palapag.
"Babalik ako mga anak. Babalik ako asawa ko!", nilisan ng ama ang pamilya kahit wala nang pag-asang makabalik.
At nagmadaling bumalik ang dalawa sa mga basurahan habang papalapit naman ang mga ninja na may mga bihag na anim na mga tatay. Sinundan ng dalawa ng tingin ang mga ninja hanggang makalayo ang mga ito. Kasabay nito ang pagrinig nila sa mga naulilang pamilya.
BINABASA MO ANG
El Fantasia (The Vampire and the Mask)
VampirThe book 1. Jiro is the protagonist of the story who is the vampire and the antagonist Devil Mask who is no one know!. who will be the winner? the devil or a vampire. Check it out.