Zein's POV"Ano ba? Alas cinco pa lang, binubulabog n'yo ang pagtulog ko!" Inis na sambit ko kayna Mia dahil natutulog ako. Kanina pa kase nila ako hinahatak at pinag bibihis ng dala-dala nilang pulang dress! Infairness, Ang bongga nung dress. Hihi
Hinding hindi ko makakalimutan ang ginawa ko last week noong birthday ko. Biruin mo? Tumakbo ako palabas ng Bar ng naka paa! Sayang, ganda nung cutics! Tapos mga bwisit na gwardya yon! Mukha ba naman akong Pulubi?! Ang cute cute ko tapos ganon ang tingin nila sakin?
"Kaloka ka! Sige ka, bubuhusan kita ng mainit na tubig kapag di ka nag-ayos!" syempre, agad akong tumayo sa kama dahil may bitbit si Vanessa na Painitan ng tubig! May hawak pa s'ya basahan dahil mainit nga.
Mabilis akong naligo kasi kakaligo ko lang kaninang tanghali! Hays, kaloka ang mga abnormal na ito!
Sinuot ko yung dala-dala nilang dress na red. OMG! Bagay sakin. Hehe"Ako na nga kasi yung maglalagay ng liquid foundation!" sabi ni Mia dahil hindi nila alam kung anong ilalagay nila ni Van.
"Yung simpleng foundation na lang, gaga! Allergy kaya yan sa liquid" sabi ni Vanessa. Hays! kastress na to'! Di naman talaga ako allergy don no!
Agad namang napapayag ni Van si Mia na simpleng foundation na lang! Tumpak! nung natapos sila, ang ganda ko lalo! hehe
"Oh, Gosh! 6:30PM na!" pag-mamadali sa'kin ni Vanessa. Hanggang ngayon wala pa din akong ideya kung anong nangyayare! Walang tao sa bahay! kaloka umalis silang lahat! Kasama ang pinaka-cute kong pamangking si Shark 'da pating!
Kasabay ko silang bumaba sa hagdan. Aba, bongga! May nag-iintay na kotse sa'kin. Pinapasok ako nina Mia at Van dun sa kotse na may driver. Duh, baka ako yung magdrive no? di ko nga alam kung anong nangyayare e! Sumakay naman si Mia at Van sa kotse ni Mia. Tense na!
Kinakalikot ko ang phone ko ng mag salita yung driver. "Ma'am, andito na po tayo." sabi n'ya at nakangiti.
Oh! Isang garden to. Bongga naman! May pa-red carpet si Mayor, oh! With candles pa hehe!
Pagkarating ko doon sa may Fountain ay madalim. Ano ba 'to?
Naramdaman kong may papalapit sa'kin.... Oh.. no way.......
Lumuhod siya sa aking harapan. Kita kong may hawak s'yang maliit na box na color red. Cartier!
Naka tuxedo s'ya at naka red na tie... Ace Craige"Zein.. Darling... Alam kong napakarami nating napagdaanan.. Lahat ay ating nalagpasan.. But, now.... It's time..."
"Zein Asola Shion.... Will you be my MRS. CRAIGE?"
Hindi ko alam at ako'y biglang naluha.. Hinawakan n'ya ang kamay ako at binuksan ang dala dala niyang box... Dahil sa sobra saya kong naramdaman.....
"Yes... I will.." at nagbukas ang mga ilaw at nakita ko ang Pamilya at mga kaibigan kong naghihiyawan at nagpapalakpakan.
Isinuot n'ya sa aking ring finger ang singsing na palatandaan na sa kanya na ako..
"Whoohooooo!! Kaibigan namin yan! Muntikan ko pa yan buhusan ng Mainit na tubig mapapunta lang dito!!! WHOOOHOOOOO! YESSSSS!!!" sigaw ni Vanessa at nagtawanan lahat ng nasa paligid....
BINABASA MO ANG
Chasing Hell (ONE SHOT)
RandomOne Shot (Also Ending) ng chasing hell. Hope you like it! ❤️ Ako po mismo ang gumawa ng cover n'yan! ? Yun pong Picture is ako po mismo ang kumuha ng litrato sa school namin at in-edit ko na lang. ?