(MIGUEL'S POV)
*June 10, 2013
Naku. Too much effort will kill you talaga. Totoo pala yon. Lahat na lang sinubukan ko na pero wala pa rin. Wa epek. Manhid talaga. </3
May pasok na siya ngayon. Bumangon ako ng maaga para ipagluto siya ng breakfast pero lumipas na yung lunch time hindi pa rin siya lumalabas ng kwarto niya. Hindi ko alam don kung bakit. Sayang naman yung hinanda ko. Napaka advance para sa almusal kinabukasan.
Naisip ko kung kakatok na ba ako sa pinto niya o kung hindi na ako kakatok at papasok na lang ako bigla para gisingin siya. Pero alam kong magagalit lang siya sakin. Ayaw nga pala niya ng pumapasok ako sa kwarto niya kahit na ilang beses ko ng ginawa yon. Hehe. Pero ewan ko ba kung pano ko napipigilan yung sarili ko. Bakit nga ba pinipigilan ko yung sarili ko na makita siya? Bawal ba? Sa sobrang inis nga niya, after nung gabing umuwi siya na basang basa sa ulan e nilagyan niya yung pinto niya ng maliit na green board na parang pre-school lang ang dating. "DO NOT DISTURB" yung nakasulat. -_________-
Pffffffft! Kaya nung gabing nalaglag kami sa hagdan, kahit gusto ko siyang gamutin hindi ako makapasok sa kwarto niya hanggang sa nakatulog na ako sa tapat ng pinto kakahintay sa paglabas niya.
Nandito ako ngayon sa sala. Nanonood ng movie. May nakita akong flash drive dito na may movie.
*21 jump Street
Hmm.. Ang tagal ni Ysabel kaya pinanood ko na.
HAHAHA! Laughtrip! xD
Natapos ko yung movie.
*9:45pm
Sakto narinig kong bumukas yung gate. Binuksan ko yung pinto sa sala tapos tumakbo ako palabas. Whoooooooooh! Sa wakas! Nandito na rin si Bel. Nag bo-boxing na yung mga alaga ko sa tiyan, kanina pa ko nagugutom.
O_____________________O
Whaaaaaaaaaaaat theeeeeeeeeeeeeeeeee?
"Teka, sino ka?!"
(RR'S POV)
Hindi ko alam kung sino tong parang batang nagtatatakbo para salubungin ako. Pero ang mas hindi ko alam e bakit may lalaking naka boxer shorts lang na nandito sa bahay ni Ysabel na nung tinanong ko siya ng "Teka, sino ka?!" e tanong din yung sinagot niya sa akin. O_____O
"Ikaw, sino ka ba?"
AKO: Ako? Ako si....
"Hoy Rocky Road Rituallo! Gago ka ah?! Bat ka nandito sa bahay ko ha!!!? Naka school uniform ka pa. Naka bag ka pa. Halatang di ka pa umuuwi ng bahay niyo. Diretcho agad dito? Jejemon ka!"
Hindi ko pa man din naipapakilala yung sarili ko sumingit na agad tong bungangerang Pandang to. -_________________-
"Bakit ikaw? Naka school uniform at may bag ka rin! Sinong jejemon? Kailangan talagang isigaw yung pangalan ko? Bakit hindi mo pa sinama yung middle name para kumpleto na talaga? Tsaka.... Ano naman kung naka school uniform pa ako at may dalang bag? Problema mo?"
"Wala lang, basta jejemon ka! Tara sa loob!"
Edi ayun na nga. Poooooootek! Pahiya ako don. Ayos lang sana kung kaming dalawa lang e ang kaso may ibang taong nandon. Nalaman pa niya yung buong pangalan ko at narinig niyang sinabihan ako ni Ysabel ng "gago" at "jejemon." Linteeeeeeeeeek.
Pumasok kami sa sala. Ewan ko dun kay Bel. Parang invisible lang sa kanya yung lalaking naka boxers. Dinaanan lang niya. Hindi niya pinansin. Sino kaya yun? Mas pogi sakin ng onti e. Medyo na insecure ako. =_____=