Hi. Kamusta ka naman? Grabe miss na miss na kita. Ilang araw ba simula nung nakita kita? Ahh 14 days. Ganyan kita ka gusto. Hmmm gusto kong mag flashback nung mga panahon na nagkakaroon na ako ng paghanga sayo.
Wala naman talaga akong balak magka gusto sayo. Sino bang magkakagusto sa isang mayabang antipatikong lalaki na may buhok ni Jose Rizal?!! May bestfriend pang ubod ng yabang!! Pero ewan ko ba kung bakit kita nagustuhan. Eh sadyang sobrang paasa ka eh! At eto naman si Ako umasa.
Ikaw naman kasi may pa "Hoy, crush kita! 100% " pa! May pa tabi-tabi pa.. May mga pagkakataon na pinapagalitan mo ako kasi ang iksi ng suot ko.Nakoo! Sinong hindi aasa nun?Sabi ko sa sarili ko, may gusto ba siya sakin? Hindi naman ako manhid. Illusion ko lang pala yun. Nakalimutan kong may gusto siyang iba.
Naka-dagdag payang pa-fall mong dimples!Kaya ayaw kong ngumingisi ka eh kasi lalo akong nahuhulog sayo! Pero ang hindi ko maiintindihan, bakit sayo pa ako sumusulat? May 1 naman year akong nagustuhan. Ang layo-layo niyo nga eh! Ang gwapo-gwapo nun, magaling sa volleyball at ang tangos ng ilong! Eh ikaw? Magka klase na tayo since Grade 4 tapos ngayon pa ako nagkagusto sayo?! Tapos ang sakit pa ng binagsakan ko! I fall hard. Harder than i expect. Eto na, Anong nasa sayo bakit sayo pa talaga ako sumulat? Ako na ang sasagot diyan. Ewan. Diba ganun talaga yan? Hindi mo alam kung bakit ka nagkagusto sa taong alam mong wala kang balak mahulog. You just fall unexpectedly.
Sana hindi nalang tayo magkaklase o magkatabi. Kung pwede sanang ibalik ang nakaraan kung saan sana hindi kita kinakausap, kung sana kuntento na ako sa mga kaibigan kong sobrang close ko na.. Sana hindi ko nalang dinagdagan.Sana ka gaya pa din nung dati na walang pansinan.
O sha! Tigil na ang drama. Tapos na ang flashback.
Good Luck sa high school life! Hanggang sa muli!
YOU ARE READING
Dear Crush
Short StoryMy second one-shot story😊 Based on my experience😢( kekeke) __________ __________ _________ __________ Secret lang po kung sino yung guy ✌✌