Cass' POV
"Yes, I'm on my way" sagot ko sa tawag ni Skye "Basta hintayin mo muna ako sa parking lot bago ka pumasok sa loob ha, sabay na tayo".
"Oo malapit na ako" sagot naman ni Skye.
"Okay, thank you Skye"
Ako nga pala si Cass Pineda, 18 years old, kagagraduate ko lang ng Grade 12 and I'm on my way to my new school, Carson University. So papunta ako sa bago kong school kase magtetake ako ng entrance exam. Sabi nila di daw pangkaraniwan yung exam dun, kase bukod daw sa intelligence, susukatin din yung personality namin para masort kami ng ayos.
She's my bestfriend, Skye. Classmate ko na sya since Grade 1, sya yung kasama ko sa mga kalokohan ko, lagi nyang sinasakyan yung mga trip ko, syempre sinasakyan ko rin sya, she is my partner in crime. We decided to go to the same school kase feeling namin cool 'tong University na 'to.
Kakarating ko lang sa parking lot ng school, sobrang laki. Asan kaya si Skye? Asan na kaya yung Impakta na yun, haha joke.
*beeeep *beeeep
Ayun buti na lang nagbusina sya.
"Cass, tagal mo naman, san ka pa ba galing?" tanong agad ni Skye
"Traffic kase eh, pasensya na" agad ko namang sagot sa tanong nya, baka kase tanungin pa ako eh "tara na sa loob bilis!, baka malate pa tayo"
This school is very impressive. Sobrang linis at organized tapos mukhang kumpleto pa sa facilities. Hopefully magkaroon ako ng magandang experience sa school na ito.
Pumunta kami ni Skye sa lounge ng admission office to check our schedule and unfortunately mas maagang mag eexam si skye so hinatid ko na lang sya sa room nya. Grabe ha, ang hirap hanapin ng room nya.
"Good Luck sa Exam mo bruha!" pangaasar ko kay skye. Then umalis na ako.
Hinanap ko yung main cafeteria nila para tumambay at kumain.
Puno yung cafeteria halos wala ng maupuan. After kong bumili, naghanap na ako ng pwedeng upuan. Ayun! finally nakakita rin ako ng vacant na upuan. Paupo na sana ako then suddenly may tatlong lalaki na inunahan ako sa pag upo.
"Pano na? Nauna kami?" pangaasar na sinabi nung isang lalaki.
"Oo nga eh no? galing nyo naman" pang aasar ko rin na sagot. Kung mapangasar sila mas mapang asar ako no. " Napaka gentleman nyo naman" pahabol ko.
"Hahaha, sadya." sagot nung isa pang lalaki. " Ah miss may available pa dun oh, lipat ka na dun!"
Galing naman talaga. "Ah excuse me? But whether you like it or not, kayo yung lilipat doon" mataray kong sagot.
"That's the spirit!" sabi nung isa pang lalaki " Tapang mo naman, pero ikaw pa rin ang lilipat"
"Pag sinabi kong dito ako, dito ako!" then I pushed their foods. Di ko na natiis eh naasar na ako. Dapat kase sa mga ganitong klaseng lalaki tinatarayan.
Kitang kita sa mga mukha nila yung pagkagulat at pagkainis even ako nagulat din sa nagawa ko, hahaha.
"Oh sorry boys" sarcastic kong sabi. At dahil gusto ko rin silang asarin "Sige na sa inyo na yung table, I decided to eat there" sabay turo dun sa vacant na table. Tapos tumalikod na ako.
I can barely hear their whispers. Dinig ko na naasar at naiinis sila, tama lang yung ginawa ko sa kanila.
So umupo na ako sa upuan and i started eating my food.
"Uhm, ah excuse me? Can I sit here" may lumapit na babae na medyo nerd. " Ah wala na kaseng available na table eh, pwede?"
"Oh okay, sure" nakasmile kong sagot, mukha naman syang mabait eh.
"Ah thanks" sabay smile.
"By the way, Cassandra Pineda, Cass na lang" sabay abot ng kamay ko.
"Uhm Famela Kingsley, you can call me Fam" sabay nagshake hands kami. I like her attitude at mukhang matalino pa.
After few minutes...
*Kriinng *Kriinng
"Hello?, Yes Skye?"Ako
"Cass, kakalabas ko lang ng room tapos na akong magexam. Punta ka dito tapos sasamahan na kita pumunta sa room mo" sagot ni Skye.
"Oh okay, papunta na ako" sagot ko naman.
"Fam, nakapagexam ka na?" tanong ko.
"Ah hindi pa eh, ikaw ba?" tanong nya naman.
"Hindi pa rin eh, anong room mo?" tanong ko.
"D-514, ikaw?"
"Parehas pala tayo ng room eh, sabay na tayo kung gusto mo?" tanong ko sa kanya.
"Okay sige, tara na? magsisimula na ata eh?" Tumayo na sya at tumayo na rin ako.
"Pakikilala muna kita sa bestfriend ko, kakatapos nya lang magexam sasamahan nya tayo pumunta sa room" tumango sya then umalis na kami sa cafeteria.
Naglalakad na kami papunta kay Skye. Pag pasok namin sa isang building puro mga incoming first year college rin, parang mga tapos ng magexam. Halos lahat tumitingin sa akin from head to toe. Nakakahiya pero Wala naman dapat akong ikahiya so naglakad lang ako.
"Skye! Kamusta exam?" tanong ko agad.
"Okay lang di sya boring, hahaha" Pabirong sabi ni Skye.
"By the way, Skye, this is my new friend Fam Kingsley" sabay smile.
Nagshake hands sila "Skye Rosales" sabi ni Skye.
Naglakad na kami palunta sa building kung saan ako mag eexam. While walking ikinuwento ko sa kanilang dalawa yung nangyari kanina sa Cafeteria.
"Oh really?"
"Seriously?"
"Oo, ginawa ko yun, tinulak ko yung food nila" sagot ko.
"I can't believe na magagawa mo yun, hahaha tapang mo girl!" sabi ni Skye.
"Oh ayan na yung room namin, bye na see you later!"
Sa room...
"Okay so, My name is Ms. Cuevas and I'll be your proctor in your Cluster Assesment Examination. Reminders lang, hindi ito ang magiging basehan ng class at section nyo, meaning sa isang klase magkakahalo ang Cluster, Naintindihan?" Mataray na tanong ni Ma'am.
"Yes Ma'am"
Nadistribute na yung Test Papers at yung Answer Sheet.
Wwoooohh this is it. Sana masagot ko ng tama yung mga questions.
[A/N: Please support me. Thanks for reading the first chapter. I'll update soon. Please vote and comment 😁]
BINABASA MO ANG
University Rivals
Teen FictionIsang school na nahahati sa apat na clusters ang Geeks, Sassy Girls, Hot dudes at Isolated. Paano kung nagkasamasama lahat? Maging compatible kaya? o puro kaguluhan na lang?