Last Chapter

643 8 4
                                    


TERRENCE's POV

Nang pumayag ako sa gusto ni Samantha sinabi nya sakin kung nasaan si liah

Pero nang makarating ako doon laking gulat ko ng makita kong sumakay ng kotse ni Marco si liah?


Anong ibig sabihin non?

Hindi nakidnap si liah?

O iniligtas lang sya ni marco?

Nang nakita kong malapit na ito sakin kumaway ako dito para makita nila ako pero hindi ito huminto at patuloy ito na pag andar kaya hinarang ko ito at at kinalampag ang bintana kung saan ko nakitang sumakay si liah




"Baby ako to buksan mo tong pinto" sigaw ko dito habang kinakalampag ang bintana nito




"BABY BUKSAN MO TO" mas nilakasan ko pang sigaw at kalampag sa bintana pero walang gusto mag bukas at nag patuloy lang ito sa pag andar hanggang sa bumilis na ng tuluyan ang tak bo nito at hindi ko na mahabol





"Liiiiiiiaaaaaaaaaaahhhhh" huling sigaw ko hanggang sa tuluyan na silang makalayo at mawala sa paningin ko






Si Liah ba talaga yung nakita ko?

Pero kung sya yon bakit hindi sya bumaba?

At bakit hindi nya manlang ba ko nakilala?




Napaka daming tanong sa isip ko kung bakit hindi ako pinansin ni liah pero alam kong makikita nya ko



Si marco?

Tama baka sya ang dahilan kaya ganon si liah baka tinatakot nya ito





Mabilis akong sumakay ng sasakyan at tinungo ang aming bahay baka sakaling naihatid na nito si liah sa bahay at nang makarating ako dito nakita kong kakaalis lang din ng isang kotse at hindi ako pwedeng magkamali sasakyan ni marco yun


Pero nasan na kaya ang asawa ko?


Mabilis akong tumakbo papasok ng bahay dahil nag babakasakali akong nag pahatid na dito si liah



Hinanap ko ito sa buong salas pero wala ito maging sa kusina kaya agad akong umakyat ng hagdan papunta sa kwarto at laking buntong hininga ko ng makita ko itong nakaupo sa gilid ng kama kaya mabilis akong tumakbo dito at niyakap ito





"Baby are you okey may masakit ba sayo?" Tanong ko dito pero hindi manlang to sumagot sa halip nakatingin lang ito ng walang reaction


"Baby mag salita ka sinaktan kaba ng gagong yon? -tinakot kaba nya Tell me" sabi ko pa dito

Hindi ito sumagot ng bigla itong humarap sakin ng diretso at tumingin sa mata ko at nakita ko ang lungkot sa mata nya Ano ba talagang nangyare?




"MAG HIWALAY NA TAYO"




O_O   nanlaki ang mata ko at bahagyang napa atras sa narinig ko


Totoo ba yung narinig ko o guni-guni ko lang yon?



"Baby Ano bang sinasabi mo?" Nag tatakang tanong ko "alam mo baby kung tinatakot ka nila pwed-" sabi ko pa pero hindi ito natuloy ng bigla itong tumayo





"Kelan mo pa ko niloloko?" Madiing tanong nito na ikina gulat ko




"What? Ano bang pinag sasasabi mo?" Tanong ko ulit dito



The more you HATE^The more you LOVE (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon