It took me a long months bago ako mag update dito hahaha. Ito na ung last na magiging update ko dito XD thank you guys sa pagbabasa ng story ko. I love youuu 😍😘😘
KERK
This is it. She is the only woman who made me believe in fairytales and happy endings. She is my everything. I can't live without her at isang beses na siyang nawala sa akin at kahit pa kunin ulit siya sakin, i will still find a way to get her. Even death take us apart, i will still choose her and only her. Even we live in parallel Universe, I still choose her.
This is not the elegant wedding you can see in the movies. Nandito kami sa Japan at dito kami ikakasal.
I was in the side of altar at hinihintay nalang ang pagdating niya. Kinakabahan ako. Sa wakas talaga. Sobrang sarap sa pakiramdam na ang babaeng pinakamamahal mo ay mapapakasalan mo na. I deserve this day. I deserve to be happy today. Lahat ng ginawa ko para sa kanya ay nasuklian na rin.
Nasa tabi ko sina Razec, Prince Anhiro at Denstah habang si Maysel, Princess Mesaiyah at Princess Anthea ang naka alalay kay Terra. Bumukas na ang pintuan ng simbahan. Kitang-kita ko ang kagandahan niya sa suot niyang puting damit. Nasa tabi niya sina mama at papa. Naiiyak na ako. Shit. Eto na talaga ang sukli sa lahat ng paghihirap ko. Eto naaa. Mapapasakamay ko na siya.
Nakangiti siya sakin. Nakatitig lang ako sa kanya habang tumutulo ang luha ko. Lord, you've given me so much. Thank you sa araw na ito. Hinding-hindi ko na siya papakawalan. Hindi na talaga kahit ano pa ang humadlang sa amin.
"Bro, wag kang mahihimatay sa sobrang kasiyahan ha." wika ni Razec.
"Gago. Ikaw na ang susunod na ikakasal kaya umayos ka." sagot ko nalang at pinunasan ang luha ko.
"Wag niyong asarin ang groom natin. Araw niya ito ngayon." Pagtanggol sa akin ni Prince Anhiro.
As she get closer to me, nakikita ko na ang future namin. Magkakaroon kami ng tatlong anak kung saan ang bahay namin ay nasa tabi ng dagat. Malayo sa gulo, malayo sa gangsta at malayo sa kung ano mang miyembro ng patayan. Papalakihin namin sila ng maayos. Papalakihin ko silang kaya nilang ipaglaban ang kanilang sarili. Sabay kaming tatanda ni Terra at sabay ding mamamatay.
Nasa harap ko na siya. Nagbless ako kay mama at papa.
"Ingatan mo ang anak namin, Kerk." sabi ni papa at tinap ang balikat ko.
Lumapit na ako kay Terra at ngumiti sa kanya. Pinunasan niya ang luha ko.
"Sobrang ganda mo Terra. Ikaw ang pinakamaganda sa buong Universe." sabi ko at niyakap siya.
"Ikaw naman ang pinakagwapo sa buong Universe, Kerk." sagot niya at kinilig naman ako doon.
Humarap na kami sa pari.
"Ikaw, Kerk. Papayag ka bang makasama si Terra sa hirap at sarap, sa kahirapan at kaginhawan, sa kalungkutan at kasiyahan?" Tanong ni Father.
I was about to answer when someone took my attention. A man in black was in the center of church habang nakatutok ang baril kay Terra and just a seconds ago. Terra collapse on the floor.
"Kerk." Nabalik ako sa katauhan ko nang tuktukan ako ni Razec.
"Anong nangyari?" tanong ko.
"Kanina ka pa tinatanong ni Father." sabi ni Terra na nakatayo sa harap ko, buhay na buhay. Huminga ako ng malalim.at nirelax ang sarili ko. Naghahalucinate lang yata ako.
"Yes father. I really do father." sagot ko at si terra naman ang tinanong niya at ganoon din ang sagot niya sakin.
"You may now say your vow to your partner." sabi ni Father sakin.
Hinawakan ko ang kamay ni Terra.
"Terra, alam mo, alam nila kung gaano kita kamahal. Kaya kong iwan ang meron ako para sa'yo. Kaya kong iwan ang mga gago kong kaibigan para sa'yo. Kaya kong igive up ang lahat makasama ka lang. Our lovestory didn't start in love at first sight, pinilit lang kita na mahalin mo ako. I was the one who fell in love with you at first sight. I will never forget that day when I saw you hiding while listening to our conversation with your parents. I will never forget how you bully me, torture me in my own house at papayag akong ako ang saktan mo ng paulit-ulit kesa sa ikaw ang saktan ko. I will never make things na masasaktan ka. I promise. Being with you right now is an amazing feeling. Natatae ako sa sobrang kaba, sa sobrang saya, sa sobrang kilig. Matagal ko ng hinintay ang araw na to. We both deserve this wonderful day. Lahat ng paghihirap kong maibalik kalang sa akin ay nasuklian na. I am ready to become your slave. I am ready to be with you for the rest of my lives. I am ready to make hundreds of children with you. I love you with all my heart, Terra. I love you from the Universe and back." sabi ko at pinunasan ang luha niya. Niyakap ko siya ng sobrang higpit.
"Terra, you may now say your vow to your partner." sabi ni Father
"Kerk, I don't exactly know what to say to you. Kahapon ka lang nagpropose sakin, hindi ako ready sa mga sasabihin ko sa'yo but I will say to you right now what my heart is saying to me. First of all, thank you for not giving up on me. Salamat kahit nasaktan kita ng sobra-sobra ay ginawa mo pa rin ang lahat bumalik lang ako sa'yo. This is not the end of our lovestory. This is just the beginning. Even if I didn't see you for a hundred years, my heart and mind will still recognize your love for me. Even accidents erase your memories in me, i will still recognize your love for me. Kerk, hindi ako nagsisising ikaw ang minahal ko. Hindi ako nagsisising pinilit mo akong mahalin ka. Mabuti nalang nagsinungaling ka sakin na may utang sa'yo ang mga magulang ko. It's true that everything happens for a reason at ngayon naiintindihan ko na ang dahilan. Kerk, alam mo my life would not be complete without you. I can't stand to pass a day not to hear your voice, kiss you, touch you, hug you. Magkasama na tayong haharapin ang lahat ng problemang darating sa atin. Sa hirap at ginhawa, kalungkutan at kasiyahan. From now on, we are one. Ang hirap na pinagdadaanan mo ay paghihirap ko din at ang kasiyahan mo ay kasiyahan ko din. Kaya natin to kerk. Kaya natin itong harapin. I am ready to make family with you. Let's make a hundred child. Hahaha I love you, Kerk. No one can replace you in my heart. Only you and I will choose you over and over. " sabi ni Terra at pinunasan niya ang luha sa mata ko. Sobra akong naiyak sa sinabi niya. Hearing that vow makes my heart melt.
"And you may now kiss the bride." at kiniss ko na siya.
"Kerk, tama na. Meron pang mamaya." sabi ni Terra at tumigil na ako sa pagkiss sa kanya. Natawa lang ako. Nagpalakpakan ang lahat. Pagkatapos ay nagpicture taking na kami kasama ang mga kaibigan ko at kokonting guest na nagmula pa sa ibang bansa. At pagkatapos ay nagpunta na kaming reception para kumain.
"Sino naman ang susunod na ikakasal sa atin?" tanong ko sa kanila na busy na busy sa pag-inom ng alak.
"Si Razec." sagot ni Prince Anhiro at tumingin ako kay Razec.
"Cheers para sa sunod na ikakasal!" sabi ni Razec at nagcheers kaming lahat. Lumapit ako kay Terra na kasalukuyang katabi ni Princess Mesaiyah.
"Halika dito." sabi ko at dinala siya sa gitna.
"Music please!" sabi ko at nagplay ang romantic music. Habang sinasayaw ko siya ay hinahalikan ko siya.
"Pumunta na tayo sa bahay natin. Hindi na ako makapaghintay na matikman ka ulit." bulong niya sa akin at natawa lang ako. Kinuha niya ang bulaklak at ibinigay kay Maysel. Tutal siya naman na daw ang susunod na ikakasal kaya hindi na niya inihagis. Hinigit niya ako palabas ng reception at bumaba siya sakin.
"Mahal na mahal kita, Kerk!"
"Mahal na mahal din kita, Terra!" sigaw namin sa isa't-isa.
So, paano ba yan. I will end our story here. Before, we end this I will leave you a golden word that defines love for me.
"Kapag mahal mo, ipaglaban mo."
"Hindi sumusuko ang nagmamahal."
"Hindi napapagod ang nagmamahal."
"Hindi pinapalaya ang minamahal, ipinaglalaban ito."
"Marunong maghintay ang nagmamahal."
Wag kang matakot magmahal. Wag kang matakot masaktan ang mahalaga, alam mo ang pakiramdam ng nagmamahal. and that, you will understand what love truly means.
//////
Guys, Merry Christmas and Happy New Year! 12/23/17
BINABASA MO ANG
The Last Day of Summer [SMTS Book2]
RomanceSiya ang unang makikita sa paggising niya sa huling araw ng tag-init subalit siya ba ang hahanapin? ------------------ Terra left her memories in present and she remembered the past of his ex-boyfriend. ~Credits sa book cover