Phone Snap
Naestatwa ako sa kinatatayuan at nanlaki ang aking mga mata. Mukhang malalagutan pa ako ng hininga dahil sa kaba. Sobrang lapit na akong mabangga ng isang nagmamayabang na kotse.
Galit na galit ang isang babae na bumaba mula sa mamahalin niyang sasakyan. Sinugod niya ako.
"Ano ka ba! Lutang ka ba ha? Tawid ka ng tawid hindi mo ba nakikita dinaraanan mo!"
Napakunot ang dalawang kilay ko sa approach niya. Hindi pa ako nakakabawi sa pagkabigla ay nakuha ko pa rin sumagot ng pabalang. Ayokong nalalamangan ako."Kung tatanungin mo kung bingi ako sinasabi ko pa lang ngayon na hindi! Wag kang sumigaw!" sigaw ko rin sakanya.
Tumingin siya sakin na hindi makapaniwala. She laughs at me like I'm impossible. Inilapit niya ng sobra ang kanyang mukha sa akin then she crossed her arms while raising a brow at me.
"So, ikaw pa may ganang magsungit ngayon?" she stared at me and eyed me then from feet to head. Matalim na titig ang isinukli ko roon. This is pissing me off. I am reacting too much again and losing control.Humugot siya ng malalim na hininga at isinuot ang kanyang shades.
"Sumabay ka na sakin." ikinabigla ko ang alok niya. Yes, her whole cowboy outfit screams branded names, even her car justifies it. But I don't like her!
"Bakit naman ako sasama sayo?" inirapan ko nga.
"Well, I am just extending a hand here to help someone as if she needs a help." sabay tingin niya sa hawak kong bag na mabigat dahil sa laman nitong video camera, tripod, notebook at kung anu-ano pang hawak kong paraphernalias.
"H'wag ka nang mag-inarte. Hop in." nagdalawang isip pa ako ngunit napasya na rin na sumama. This is consuming my time too much."San ka ba pupunta? Ayokong makaabala." tanong ko nang makasakay ako sa loob ng kotse. Pinaandar na niya ito.
"Nice to meet you too ha? I'm Sabrina. Your name?" maangas na tanong niya. Umirap ako sa kawalan.
"Sasabihin ko lang kung susunugin mo 'tong kotse mo kasama ka." pakikipaglaro ko. Okay, I wanna try to make a smooth start here for the second time.
She chuckled in amusement. "You're impossible." mukhang mabait naman sige pagbigyan.
"Ganda nito a. Anong kotse pala 'to?"
"Chevrolet Camaro ZL1." tumango ako.
"My name is Elle Clarisse."
"Where are you heading ba?" tanong nito.
"Southgate University." sagot ko
"Great! That's my way too. Student ka rin ba dun?"
Wow there! Blessing in disguise.
"Nope. I'm from West State University. I have an org in Journalism class and we are required to get a coverage of the basketball event sa Southgate University. Student ka ba don?" Tanong ko.
"Yup. Malamang maraming manonood ngayon sa school. Southgate vs. West State University parehas malalakas." she has paused for few seconds and asked, "Teka ba't ang aga mo naman ata maya-maya pa naman ang game."
"Hindi kasi ako familiar sa daan, so I made sure to come early to allot a time for me to find the way."
Sa school pa lang dagdag justification na ang kayamanan nitong si Sabrina. Nagkuwentuhan pa kami at nalaman kong isang tanyag na Senador ang kanyang ama at kilala sa larangan ng business naman ang kanyang ina bilang isang CEO lang naman. Second year college na rin siya na katulad ko at Political Science ang kanyang kurso.
Matapos ang ilang minutong byahe, "Malapit na tayo." Iniliko niya ang kotse sa malaking puting entrance gate na nagsusumigaw ng kaelegantehan sa harapan ko. Namamangha ako. Panigurado na puro may sinasabi ang estado ng mga mag-aaral dito at mayayaman talaga ang angkan ng pamilya.
Lumabas na kami pagkaparada ng kanyang kotse sa car park. Entrance gate pa lang ng parking area yun a.
Talaga namang namangha ulit ako sa ganda ng unibersidad na 'to. This is like more of a mansion than that of a school.
Napakaganda ng Receiving Visitor's room sa loob pagkapasok namin. "Maglabas ka ng ID mo for visitor's registration." sabi niya habang nasa bungad ng pintuan. Inilabas ko ang school ID at pati na ang letter of intent ko.
YOU ARE READING
When Love and Hate Collide
RomanceI am hurting. All because my love and hate for him collide.