Chapter 52 - Unveiling Mask with the Vengeance

196 24 3
                                    


(MY POV)



"She already expected it kaya agad nya kayong pinauwi dito sa Pilipinas. Hindi ko gustong umalis at iwan sya but I have no choice. I have to follow her order. Kailangan kong ihatid iyang phone na tanging kayo lang ang makakarinig. Importante ang mga sinabi ng granny mo Xania na maaaring may ibang makarinig kapag hindi ganitong paraan ang gagawin nya. Isa pa, nangako akong po-protektahan ko kayo."

Paliwanag ni Dylan sa nakayuko at nakasalampak sa sahig na Xania. Ang iba ay tumahimik kahit walang maintindihan sa nangyayari.

Sa mga katanungang meron sa utak nila ay mas pinili nilang manahimik sa isang tabi kung saan kitang-kita nila ang wasak na Xania na ngayon ay tahimik na umiiyak. Ang babaeng binansagan nilang Dragon sa pagiging maldita at sungit nito ay umiiyak sa harap nila.

Parehong nilamukos ang mga puso nila sa nasasaktang Xania. Ang tindi makahawa sa nararamdamang hinagpis.

"Alam nyang ikaw ang pakay ng taong nasa likod nito Xania at ala nyang gagamitin sya nito laban sa iyo. Pinauwi ka nya para may malaman ka at makilala ang taong ito. Hindi man nya ito ginusto pero tinanggap nya para hindi mabaling sa inyong tatlo ang atensyon ng kalaban. This person killed your grandmother to see you in pain and to let your guards down Xania kaya wag kang umastang bata riyan na inagawan ng candy! H'wag mong sayangin ang sakripisyo ng granny mo para mabigyan ka ng oras!"

Bakas ang pagka-asar ni Dylan kay Xania habang ang huli ay hindi natinag.

"Umiiyak ako ngayon dahil nasasaktan ako sa ginawa nya! Bakit sinarili nya ito?! Umiiyak ako dahil di ko matanggap ang pagkawala nya! She promised me!!! She promised that she won't leave me just like those people who stays and left. Umiiyak ako dahil di ko masakit."

Litanya ni Xania na patuloy pa rin sa pag-iyak habang nakatitig sa sahig. Dalawa lang ang nararamdaman nya. Sakit at Galit. Nangingi nig ang mga kamao nyang nakakuyom saka dahan-dahang tumayo.

"Pero hindi ibig sabihin nun ay kahinaan na ito. Dahil ngayon mismo..."

Pilit na sambit ni Xania sa nanginginig na boses dahil sa dalawang magkahalo nyang nararamdaman at walang tigil sa pag-agos ang mga luha. At napaatras ang lahat sa nasaksihang galit sa mata ni Xania ng iangat nito ang mukha. 'Yung mga mata nyang nag-aapoy sa galit na animo'y masusunog ka pag ito'y titingin sa iyo.

"...GUSTO KONG MARAMDAMAN NYA ANG GALIT KO!!!"

Malakas na sigaw ni Xania at binasag ang salamin na muling nagpaatras sa mga kalalakihan.

"PAPATAYIN KO SYA!!!"

Sinuntok naman nito nag upuan saka tinapon ng may pang-gi-gigil.

"AAARRRGGGHHHH!!! MAGBABAYAD SYA!!!"

Patuloy sa pagsigaw, pagwasak ng mga gamit at pag-iyak si Xania habang nasa kamay pa rin ang phone na galing sa granny nya.

Walang nagawa ang ibang nasa kwartong iyon kundi ang umiwas at hayaan lang si Xania. Hayaan sa bagay na magpapagaan ng loob nito kahit kaunti.

Ilang minuto nag lumipas ng kusa na ring tumigil si Xania.

Tahimik lang na pinunasan ang mga luha at naglakad palabas. Pagkabukas nya ng pinto ay naroon ang maraming naki-ususyo at naroon ang ama nyang kakatok pa lang sa pinto. Kasama nito ang dalawang pang anak na sina Xandra at Xynder.

"Anong nangyayari sa loob, Xania?"

Ma-awtoridad na tanong ni Mr. Fortalejo. Ngunit malamig lang itong tinapunan ng tingin ni Xania saka nilagpasan. Ang lahat ay nagsitabihan at hinayaang makadaan si Xania dahil sa aura nitong madilim at katakot-takot.

YuXa: The X Leader [ON HOLD]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon