Chapter 2

10 0 0
                                    

Nagkatinginan

Kaya naman pala sinadya ng tadhana na makarating ako dito ng maaga dahil may ganito naman pala na mangyayari!

Nabigla ako sa bilis ng pangyayari. Ngayon lang ako nakakabawi sa lahat at nagiinit talaga ang ulo ko! Ang kapal ng mukha niya!

"Pinuri-puri ko pa yung bakulaw na yun magnanakaw naman pala!" kausap ko sa sarili ko dahil sa frustration.

Pagkatingin ko sa aking relos, 9:20 pa lang. Alas diyes magsisimula ang game at buti na lang may konti pang oras na natitira para maghanap tapos kailangan ko pa mag-ayos ng gamit. Hays. Ang laki laki pa naman ng school na ito pano ko hahanapin yun.

Salubong ang kilay ko habang naglalakad. Ngayon pa talaga ang napiling oras para paghanapin ako ha? Napapapikit ako sa isipin na kinakalkal na niya ang laman ng phone ko! I have some files there that are only exclusive for me! 'Wag niya sabihing pakilamero rin siya ng gamit ng iba?

Kanina pa ako palakad lakad dito pero di ko talaga siya matagpuan kahit bakas ng paa man lang. Mukhang maliligaw pa ata ako nito. Pati tuloy map nakalimutan ko nang gamitin.

Sa pagpapatuloy ko, may madadaanan akong apat na lalaki na naka basketball varsity outfit sa hindi kalayuan malapit sa isang school gym. Ito na siguro ang gym at buti dito ako dinala ng mga paa ko.

Nagpakawala ako ng isang malalim na hininga at napagpasyahan kong umupo muna sa mga benches dito sa garden na malapit lang din sa pwesto nila. Pumwesto ako sa bandang likod nila at may mga harang na halaman naman sa harapan ko kaya hindi ako makikita mula rito kung hindi sasadyain.

"Saan na ba si Sullivan tol? Magsisimula na yung game oh." mahinahon na tanong nung tisoy. Napatingin siya sa relos niya at automatiko naman akong napatingin nang sa akin 9:40 na. Makapag-ayos na nga.

"Baka naharang na naman ng mga fan girls at bading!" sabi nung chinito na parang usual na ito na nangyayari sa araw-araw. Inilabas ko naman ang aking papel at ballpen.

"Balita kanina may nakakita sakanya sa harap ng fountain may kinakausap raw na babae pre tas may hawak daw si Sullivan na cellphone."

Napaangat ako ng ulo at nakinig ng mabuti sakanila habang inaayos ang mga gamit ko. Hindi kaya kami yung nakita? May hawak daw na phone sa fountain?

"Woah! Don't tell me kumukuha ng number." he wiggled his brows.

"Malay naman natin this is the right time for him to make up for the years na nasayang sakanya dahil mismong sarili niya pinagkaitan niya...you know." Nagkibit balikat yung isa.

"Oh ayan na pala oh!"

Tumalbog bigla ang puso ko. I don't know why would I anticipate to see him once again.

Lalong bumilis ang talbog ng puso ko nang makita ang dumating na pigura ng isang lalaki na hindi ko inaasahan ngayon ngunit kanina ko pa naman hinahanap. Pigil hininga ko siyang pinagmamasdan. Mas lalo kong ginalingan magtago rito.

"Saan ka ba galing tol? Hindi na tayo nakapag praktis."

"We already practiced yesterday and worked-out earlier, right? Basta dating gawi lang tayo. Diskarte at liksi lang." tss, yabang. Matalo sana kayo. Mukhang matagal nang magkakaibugan 'tong mga ito base sa mga nalalaman nito sakanya.

Pinatalbog nito ang hawak niyang bola habang mukhang may malalim na iniisip. Sana naman iniisip niya na isauli na yung phone ko diba. Tss.

Iba talaga ang dating niya. Sullivan pala ang kanyang pangalan.

Isumbong ko kaya sa Gudance 'to? Hinayaan mo matangay phone mo tapos ngayon magsusumbong ka?

"Mukhang in good mood pre a!" Nagsalita yung isang lalaki na tisoy ang mukha at kutis artista. Pogi rin ito a.

"I am just in a good condition."

"Sus. Mukhang dapat masaya ka eh. May nakakita daw sayo kanina pre ah kumukuha ka ng number ng babae sa fountain?" anong kumuha ng number? Phone ko ang kinuha niyan hindi number!

Napakunot ang noo niya sa tanong. "Wala. Tara na sa loob." sabay tapik sa mga ka-team niya at pumasok na sila sa loob.

Sinundan ko sila ng tingin at hinayaan muna sila makapasok. Walang tulak kabigin sa mga kasama niya ngunit hindi maipagkakaila na ang tindig niya ang pinaka nangingibabaw sa grupo at siya ang may pinakamalakas ang dating sa kanilang lahat. At bakit ba kanina pa ako sakanya puri ng puri. Naiinis ne eke ene be. Tse lande!

Sumunod na rin ako tangay ang aking mga gamit para sa coverage ng game.

***

Iniabot ko na sa nagbabantay sa main door ng gym/court ang ticket ko. Nang makahanap ako ng puwesto sa right wing, ipinorma ko kaagad ang videocamera sa tripod ko. Swerte ko dahil ang lapit ko sa court. Dito muna ako mag-fofocus. Mamaya ko na siya aabalahin.

Busy ang court sa pag wawarm-up ng dalawang team. Ang Southgate University is in red jersey habang mga naka blue naman ang taga West State University. Five minutes to go before the game starts.

Habang nakatayo ako sa harapan ng mga bleachers, nahagip ng mga mata ko ang mga mata niya na nakatingin sa akin. Shit! At masasabi kong mukhang sa akin talaga siya tumingin.

Tilian ng mga malalanders ang inani ng tingin na ito sa direksyon ko.

Is he looking for me? Assumera ka rin e. Malay mo naman napatingin lang dito at saktong dito ka nakapwesto, Clarisse?

Parang anlaki ng laway ko dahil nahirapan ako biglang lumunok. Inilipat ko ang aking atensyon sa papel para makapag sulat ako ng maayos na news for this event. Focus 'te!

Maya-maya pa, narinig kong pumito na ang referee hudyat ng panimula ng laro.

Nakuha ng West State ang unang bola. Dapat manalo ang school ko dito! Aba dapat lang nakakahiya naman sa home court nila oy!

West State got the first 3-point shoot by Lauchico. Sinimulan ng West State ang laro with a 5-point lead. Pero naungusan sila ng Southgate sa kalagitnaan ng first quarter.

Ngunit nabawi agad ito nang West State University gamit ang kombinasyon ng mahigpit na depensa at apat na 3-point shoot and another two 2-point shoot from the team. Galing!

The first quarter was led by West State na ikinatuwa ko naman talaga.

On second quarter, Southgate team raced their score to a 15-point lead and responding seriously everytime the West team comes close to their scores.

Sullivan made an impressive fastbreak lay-up at paglapat ng kanyang paa sa court, muli niya akong nilingon.

I froze. Fuck! Was that an accident again? Why is he doing that?! Napagisipan na ba niyang ibalik yung phone ko?! Gosh! Pinagpapawisan ako kahit malamig. Napainom ako sa juice na aking dala.

Muli akong tumingin sa gawi niya at sa muling pagkakataon, nagkatinginan kami. Sa hindi mawaring dahilan, kumalabog muli ang traydor kong puso.

The Southgate called for time-out.

When Love and Hate CollideWhere stories live. Discover now