Gumawa ako ng paraan na makausap si Sarhento. Pinuntahan ko sya sa kanilang kampo sa San Miguel dala ang pick-up na aming sasakyang toyota. Nagpaalam ako sa aking ina na may bibilhin lang ako sa bayan. Nasa loob ng kampo ang kanilang barracks kaya tinawag pa sya ng isang MP (military police) para magkita kami sa labas. Malayo pa tanaw ko na syang nakangiti habang papalapit sa akin. Lumabas sya ng gate na nakadamit sibilyan. T-shirt na puti at pantalong maong ang kanyang suot. Napakagwapo ni kuya Carlos kahit kaylan di talaga ako nagsasawang humanga sa kanya. Nagkamayan kami kahit gusto ko sana syang mayakap at hagkan. Pumasok sya sa loob ng pick-up nagkamustahan kami. Sinabi kong magsnack lang kami kaya naghanap ako ng makakainang restaurant.
"Miss you kuya halos isang buwan din tayong di nagkita. Nagkasalisi nga pala tayo... nagpa-Maynila ako ikaw naman pumunta sa amin. Salamat pala sa mga prutas na pasalubong mo." Medyo matamlay kong pakikipag-usap sa kanya. Sa huli may nakita din kaming maliit na restaurant. Pumasok kami at umorder ng pagkain.
"Nabanggit ba sa'yo ng kuya mo tungkol dun sa plano natin na hindi na matutuloy... ang negosyo natin?"panimula nya.
"Nabanggit sa akin ni kuya Andoy... nagalit nga sya eh... akala nililihim ko ang plano natin sa Quezon. Ang totoo nun magpapaalam din naman talaga ako sa kanila."
"Wala akong balak sabihin tungkol sa plano natin pero nangulit ang kuya mo... nagtanong sya kung ano raw ang gagawin mo doon sa Quezon... sinabi kong balak nating magnegosyo... duda ko lang ha... parang alam nya na may relasyon tayo. Mukhang galit nga eh... nagkalma na lang sya nang sabihin kong hindi na matutuloy dahil may problema kami ng asawa ko." Paliwanag ni Sarhento.
"Naka-usap ko nga pala si Boboy noong magkita kami sa Maynila... Alam na ni ate Rizza tungkol sa atin kuya.. nabasa pala nya ang sulat ko... dapat kasi sinunog mo na lang iyon."
"Hindi ko nga inaasahan na pupunta sya ng Taguig sa bahay namin... wala ako doon... nakalimutan kung alisin sa bulsa ng pantalon ko yung sulat mo. Naglaba sya nakita nya ang sulat mo doon sa bulsa..."
"Ano nangyari? Inaway ka ba ni ate Rizza?"
"Galit na galit sya... bakla raw ako... itinatago ko lang daw ang totoo kong pagkatao sa pagpapanggap na maangas pati sa pagpapalaki ng aking katawan... niloloko ko raw sya... tinatanong nya kong matagal na raw ba ang relasyon natin. Nagbanta pa sya na kapag hindi natin tigilan ang mga ginagawa natin mapipilitan daw syang magreklamo sa superior ko sigurado mawawala ako sa serbisyo bukod pa sa eskandalong mangyayari."
"Bawal ba kuya ang homosexual relationship sa AFP?"
"Merong code of ethics ang AFP kasama ang homosexuality na ipinagbabawal... katumbas noon dismissal sa serbisyo."
(Article 5 "Military Professionalism" Section 4.3 (Unethical Acts) of the AFP Code of Ethics, which states:"Military personnel shall likewise be recommended for discharge/separation for reason of unsuitability due to all acts or omissions which deviate from established and accepted ethical and moral standards of behavior and performance as set forth in the AFP Code of Ethics. The following are examples: Fornication, Adultery, Concubinage, Homosexuality, Lesbianism, and Pedophilia.)
"Sorry kuya nang dahil sa akin nae-eskandalo ka tuloy". Uminom ako ng tubig. "Huwag mong intindihin yon... akong bahala sa asawa ko... makukuha ko yon sa lambing... " wika nya. Ipinagtapat ko na rin kay Sarhento ang na may nalalaman na rin si Boboy tungkol sa aming dalawa.
"Alam na rin ni Boboy ang totoo kuya... inamin ko sa harap nya na ako ang bakla at hindi ikaw... akala ni Boboy bakla ka rin." Paliwanag ko sa kanya. Wala siyang kibo.
"Kakausapin natin ang asawa ko sasabihin natin ang totoo kung paano tayo nagkalapit. Pati 'yong ginawa mong pagtulong sa akin na gumaling ako sa aking ED. Doon mare-realize nya na may utang na loob ako sa'yo. Sasabihin ko rin na kapatid lang ang pagtanggap ko sayo. Hanggang sa natukso tayo sa isa't isa at na-inlove ka naman sa akin..."

BINABASA MO ANG
Ang Kaibigan Kong Sarhento
RomanceIto ay kwentong pag-ibig ng isang gwapong sundalong may asawa na. Nagmahal sa kapwa nya lalaki na itinuturing pa niyang kapatid. Dumating sa punto na dapat syang pumili. Sino ang pipiliin nya? Ano ang kahihinatnan sa magiging takbo ng mga pangyayar...