Bianca's POV"Bianca minsan naguguluhan na din ako sayo!" sigaw ni Anya sakin. Napayuko na lang ako.
"Nahihirapan na din kasi ako Anya" sabi ko.
"Hindi lang ikaw Bianca hindi lang ikaw!" seryosong sabi ni Jacson sakin.
"Anong plano mo?" tanong ni Bernice. Ano nga bang plano ko?
"Aamin na ako kila Tita Amber pati kay Ivan" sabi ko. Napatawa si James sa sinabi ko at inakbayan si Anya.
"Hindi mo ba alam kung anong itsura ni Ivan kahapon? Mukhang naluging Koreano. Alam mo bang nahihirapan nadin si Ivan? At kung meron mang mas nahihirapan dito Bianca si Ivan. On his thought kapag nalaman niya ang totoo pinaglaruan mo lang sila" sabi niya. Napatingin ang lahat kay James at binalik sakin ang mga tingin nila.
"Hindi nagpaubaya si Lavine para lang sa wala" seryosong sabi ni Jacson. Napatingin ako kay Piper tahimik lang siya sa isang tabi.
"May sasabihin pa ba kayo? Para isang bagsakan na lang yun sakit" sabi ko.
"Your so stupid Bianca" lahat kami napatingin kay Piper ng sabihin niya yun.
"Your so stupid to make Ivan and his family like a fool out there. Hindi mo ba alam? Ha? Bianca? Sabi ni Ate Erine naiipit na si Ivan sa dalawa niyang Lolo. Napapagitnaan siya ng puro desisyon. I may not suprise kung one day mabaliw si Ivan diyan kaya kung ako sayo gawin mo na ang tama Bianca" sabi niya at lumabas na ng Condo ko.
Unti unti ng tumulo yung mga luha ko.
"Ang tanga ko" bulong ko pero alam kong narinig nila iyon.
"Matagal na Bianca. Matagal na simula ng magpanggap kang Leanne Santos" sabi ni Jacson at umalis na sila ni James. Napaiyak na lang ako pero naramdaman ko yung yakap sakin ni Anya hawak naman ni Bernice yung isa kong kamay.
"Tama si Piper, Bianca gawin mo na ang tama" sabi niya at ngumiti. Napangiti na lang din ako.
Agad kong kinuha yung phone ko. At hinanap sa mga contacts ko yung name ni Tita Amber.
To: Tita Amber
Hi Tita can we meet po ba sa may Coffe Shop po? Yung malapit po sa may Liberty Academy
Kinakabahan ako. Sana magreply si Tita.
From: Tita Amber
Oh sure sa may Dream Cafe ba?
To: Tita Amber
Opo Tita :)
From: Tita Amber
What time? It is okay kung 8:00 AM may flight pa kasi kami ng Tito Nathan mo ng 10:00 AM
To: Tita Amber
Opo okay lang po.
May flight pa pala sila Tita. Hayts.
"Ano sabi?" tanong ni Bernice.
"Okay daw" sabi ko.
"Mas mabuti kung si Tita Amber ang unang makaalam Bianca para mapaliwanag niya kila Ivan" sabi ni Anya.
"Pero hindi ba mas maganda kung si Ivan muna ang makaalam?" tanongni Bernice.
"Sa tingin mo? Makakausap ni Bianca si Ivan ngayon kitang tinarayan niya kahapon" irap na sabi ni Anya. Inirapan din siya ni Bernice.
BINABASA MO ANG
That Nerd [Under Editing]
Teen FictionHOWELLE SERIES 2 SHE GETS WHAT SHE WANTS NEW GENERATION Pano kung pinagtataguan ka ng fiance mo? What will you do? Will you find her with the help of your connections? Or you will find her with your own? But what if.. You met a girl at sa kany...