Naaalala mo pa ba ako? Ako nga pala yung sinayang mo. De joke, di naman kase ako kasayang-sayang.
Sobrang tagal na kitang gusto. 6 years na ngayong araw. Oo binilang ko talaga, ganyan ka kase ka-importante sakin.
Grade 7 pa lang gusto na kita. Kahit na palagi mo akong inaasar, pero kinikilig naman ako. Lalo na pag naghahabulan tayo sa classroom dahil nag-aasaran.
Alam mo ba kung paano ko kinuha ang number mo? Nakitext ako sa phone mo tapos nisend ko sa number ko. Ganyan ako kabaliw sayo.
Grade 8 nang nalaman ko na di na tayo classmate. Syempre naman, sa dami ng section sa school ay imposibleng magkaklase pa tayo. Pero nung pumasok na ako sa classroom namin, nakita kita na nakaupo sa likod at nakangisi sa akin. Akala ko namamalikmata lang ako, totoo pala, classmate talaga tayo. Family friend niyo pala ang teacher namin kaya nalipat ka. Iniisip ko destiny na ata 'to. Itong year na to ang gusto kong balik-balikan. Kasi naman ang dami nating moment dito. Nahawakan ko ang kamay mo ng matagal, naging partner tayo sa isang play, tinulungan mo ako sa pag-aayos ng buhok ko, mas naging mapang-asar ka pa sa akin at madami pang iba.
Nung isang araw nga na sabay tayong umuwi kasama yung bestfriend mo, yun yung best day. Naka-chansing ako sa mabango mong likod kasi ang alikabok ng daan. Yung likod mo kase ang ginawa kong pantabon sa ilong ko then di ka naman nag-react. Galawan ko talaga! Tapos nung time na malapit akong masagasaan ng papa mo then todo sorry siya saken at tinanong niya pa kung ayos lang ako, pero ikaw at yung bestfriend mo, tawa lang ng tawa sa likod.
Grade 9 nang magkatabi tayo ng classroom. Tapos yung classroom lang talaga natin ang naiiba sa lahat ng Grade 9 kase malayo ito sa kanila. Parang destiny ulit! Pinaglalapit ba talaga tayo ng tadhana? Umaasa na naman ako. Matagal na naman akong umasa sayo eh.
May kaibigan ako na kaklase mo. Siya ang naghahatid ng balita sakin sa mga nangyayari sayo na di ko alam. Prince Charming ka raw ulit sa classroom niyo? Lagi naman. Tsaka marami daw nagkakagusto sayo. Sana suplado ka sa kanila gaya ng pinapakita mo sa mga kaklase natin dati. Sana ako lang yung inaasar mo gaya ng dati. Kaso, dati na yun eh.
Minsan na lang tayo nagtetext. Minsan nalng tayo nagpapansinan. Minsan mo na lng din ako inaasar, hanggang sa Grade 10 na tayo. Anlayo ng classroom natin. Di gaya ng dati na magkalapit lang, ngayon magkabilang dulo.
Bihira na tayo kung magkita. May nagbago na talaga. Di na tayo masyadong nagpapansinan. Hanggang sa nalaman ko na may girlfriend ka na pala. Sobrang sakit nun sa akin. Pero di ako naniniwala kasi alam kong loyal ka sa pag-aaral mo.
But then I saw you with a girl palabas ng Gym, magkaholding hands kayo. Nag-assume na naman ako na ako yung dahilan kung bakit binitiwan mo yung kamay niya kasi nakita ko kayo. Nag-iwas ako ng tingin nun. Buong araw walang ganang kumain at umiyak nung gabi.
Palagi kong nakikita yung girlfriend mo at di ko maiwasan na ikompara ang sarili ko sa kanya. Mas maganda at matangkad siya kesa sa akin. Pero nakakalamang naman ako sa kulay ng balat at katalinuhan, pati sa kabaitan. Insecure na nga talaga ako.
Nung araw ng practice sa graduation ay nagtext ka sakin at nagpakilala sa bagong number mo. Wala akong load para magreply kaya pinalitan ko nalang ng bago yung number mo. Sobrang kilig ko nun kase naalala mo pa akong itext.
Pinakita ko kaagad sa mga friends ko yung text mo habang kilig na kilig. Pero biglang tumawa yung isa kong kaibigan at sinabi niya na prank yun at siya yung nagtext. Sa sobrang inis ko sa ginawa niya ay di na ako nakapagreact at naiyak nalang bigla. Nabura ko na kasi yung number mo at di ko alam kung paano maibabalik yun. Di ka pa naman nagtetext na. Tapos di na kita mababati sa birthday mo. Never pa naman akong nakalimot dun!
Galit na galit talaga ako sa kaibigan ko! Ang insensitive niya! Di ko siya pinansin after nun. Sorry siya nang sorry pero sobrang sakit lang talaga. But eventually, napatawad ko naman siya. I love my friends more than anybody.
Pero kung galit ako sa friend ko nun, mas galit naman ako sa sarili ko. Sobrang umasa kase ako sayo. Nagpakatanga ako sa isang tao na hangin lang ang presensiya ko. Parang fangirl at idol ang relationship natin. Ang hirap mong abutin. Pero ngayon, gigising na ako sa katotohanan. Katotohanang di talaga kita maabot kahit anong mangyari. Na ikaw ang patunay ng "So close yet so far" na statement para sa akin. Pero thankyou sa memories, sir. Ang corny ng call sign natin pero di ko yan nakalimutan. Salamat kasi pinatikim mo sa akin ang totoong kilig ng isang teenager. At sa 6 years na pagkagusto ko sayo, tumayo ka bilang isa sa mga ispirasyon ko. Salamat.
Love,
Ma'am