Chapter Three

23 1 0
                                    

Rhina's POV

"Guys tulong!" Agad kaming napalingon.

"Yumi!/Yumi!" Sabay na sabi namin ni Yuan. "Oh my God!" Sabi ni Ate sarah tapos tinulungan alalayan si Yumi. "Anong nangyare bro?!" Sabi naman ni kuya Miko. "Hindi ko rin alam. Bigla nalang siyang nahilo at nawalan ng malay." Sabi ni kuya Jhasper.

Hanggang nakaisip ako ng paraan, tinuruan ako kaunti ng tita kong Nurse. Kinuha ko yung maliit na first aid kit na nakita ko kanina sa tabi ng kama ko.

Bumalik na ako dala dala ang first aid kit. "Guys baka makatulong ako." Lumapit na ako kay Yumi para gumaling na siya.

Jhasper's POV

Lumapit na si Rhina kay Yumi tapos kung ano ano ang ginawa. "Guys ok na." Sabi ni Rhina, kaya nalagay na ang loob namin, at agad lumapit kay Yumi.

Pagkalapit ko. "D-dugoo." Tanging sabi ni Yumi. May phobia nga pala siya sa dugo.

"Saan dugo? Yumi saan?!" Sabi ni kuya Marco. Halata ang pag-aalala sa aming mga mata. Lalo na't aaminin ko, nakakatakot ang lugar na ito. Dahil kami lang ang nandito. Pero kailangan naming maging matapang. 3 days lang naman eh.

"Wala." Tipid na sagot ni Yumi. "Yumii..."

"Ok, ok. Sa dagat. Dun." Sabi niya. "Pero wala naman akong nakita Yumi eh, baka namamalikmata ka lang, ako lang ang kasama mo, ni wala akong nakita." Sabi ko. Wala naman talaga eh. "Ahh, baka nahilo lang talaga ko." Sabi ni Yumi.

"Oh pahinga ka nalang muna Yumi." Sabi ni Tina. Tinapik ko si Rhina, "Salamat Taba." Sabi ko tapos natawa nalang ako. Tapos inirapan niya ako. "Wala yun, for Yumi." Sabi ni Rhina.

"Ano nang gagawin naten?" Pambasag katahimikan ni Tina. "Mukhang napalalim ang isip natin dahil sa nangyari kay Yumi." Sabi naman ni Anna.

"Guys sa tingin niyo, what really happened sakanya?" Tanong naman ni Sarah. "Baka nahilo lang talaga yun." Sabi ni Yuan. "Tulad naman ng sabi ni Jhas, wala namang dugo yung dagat nung oras na magkasama sila ni Yumi." Dugtong ni Yuan. Tumango nalang ako bilang sagot. "Siguro nga, nahilo lang." Sabi ni Sarah.

"Gutom kayo guys? Gusto niyo magluto ako?" Tanong ni Tina. "Oh sige, para naman malibang tayo." Sabi ko.

"What?!" Sigaw ni Rhina habang nakatingin sa phone.

"Bakit?" Sabi ni Anna. "12:45am na pala?" Sabi ni Rhina. "Huh? Pano nangyare yun? Kani-kanina lang hapon pa ah, ang bilis naman." Sabi ni Yuan. Nakakapagtataka. Akala ko 3pm palang, grabi naman. "Baka di lang natin napansin dahil sa bilis ng mga pangyayare kanina." Sabi ni Miko.

Tumango nalang ako, at ganun din sila. Ngunit halata sa mga itsura namin na hindi kami naniniwala. Para kasing imposible iyon. Hindi lang talaga ako sanay.

"Don't panic guys, tomorrow makakaalis na tayo dito.'' Sabi ni kuya Marco. Hindi kami sanay na nagsasalita siya. At may english pa. Haha. Nays bro.  "Aminin niyo guys, may iba talagang meron dito." Sabi ni Anna.

"What do you mean?" Sabi ni Marco. "I mean, may something sa lugar na toh."

"Iba? Anong klasing iba? Maganda naman dito." Sabi ni Yuan. Tss. Wala kasing paki sa mundo. "Ewan! Baka natatakot lang ako." Sabi ni anna.

Nakakatakot naman talaga dito.

"Guys etoh naa!! Lasagna with a twist!" Sabi ni Tina. Nang biglang may nagdoorbell.

*dingdong*

Natigilan kami. Naguusap ang mga mata namin kung sino ang bubukas ng pinto. "Ako na." Sabi ni Miko. Kahit halatang kahit siya nilalabanan lng ang takot.

"I Can We Will."Where stories live. Discover now