Chapter 1: Seeing Again

3K 83 10
                                    

Maymay's POV
Oh may gahd!! May pasok na bukas!!! Kailangan ko nang magimpake ng gamit! Well kailangan ko nang mag-stay sa dorm para hindi na ako luluwas bukas, katapat lang ng eskwelahan namin, ang St. George University, at ang dorm namin ay SGU Dorm.. the whole school year, doon kami titira.. yung malayo ang bahay nila pero sa SGU sila nag-aaral, may traffic pa, kaya naggawa ng Dorm.

Hindi na muna ako magdadada kasi mag-iimpake na ko.
----
" Damit, check. Notebooks, check. Pencils, check. Bolpens, check. Notepad, check. Mga papel, check. Pad paper, check. Ruler, check. Okay na pala ako! Teka.. yung Diary ko!" sumigaw ako at tumakbo sa kama ko at tinaas ang kutchon,

" Gotcha! Muntikan ka nang maiwan ha! Malayo ang SGU! Nasa Cagayan tayo, yung SGU nasa Manila pa! " wow.. kinakausap ko ang Diary ko. Every School time lang ako nagsusulat, pag summer, rest muna si Diary ko.

Siniksik ko ang Diary ko sa bagahe at yun! Tapos na ko'! *knock..knock..knock*

" Pasok lang! " sigaw ko, at pumasok si kuya Jerome, si Kuya Jerome pala ay 32 years old, single parin kasi.. *bulong* bakla siya..
pero! Whatever happens, he'll still be my Kuya, ay English yun' ha!!!

" MaryDale, handa ka na ba? Naka-start na ang kotse. "

" Handa na ko Kuya! "

" Mabango ka na Ba? "

" Tanong pa ba yun'? " sabi ko at tumawa kami.. sumakay na ako ng kotse, may gahd.. ma-mimiss ko tong' magulo na bahay. Hay... sayang wala si Kuya Luis-

" HUYYYY MAYANG! " napatalon ako sa upuan ko

" AY ANAK NG KABAYO! " tumingin ako sa backseat, si Kuya Luis! Bwisit naman o..

" Hahahaha! Kala mo na hindi ako sasama sayo? Hindi pwede yun'! Ikaw ang bunso ehhh .. " tumawa kami, at sumakay na rin' si Kuya Jerome..

Papunta na kami sa airport, probably nasa eroplano pa si Edward..

" Ikaw Mayang, 2nd year college ka na.. baka mag-boyfriend ka na ha! "

" Kuya Luis naman! Diba ang rule natin ay.. "

" Rule Number One! Walang boyfriend. " sabi naming tatlo at tumawa kami

" Hep! May pangalawa pa yan'! " sabi ni Kuya Luis

" Ha? Ano? " tanong ko

" Rule Number Two! Hindi mafa-fall. "

" Of course Kuya Luis! Ako pa..! "

" Oss!! Ikaw pa.. "

" Kayo talaga ha! Pinag-iisa niyo ko ha! " tumawa sila habang binabanatan ko ang chips .. hehe
----
Maya-maya nakarating na kami sa airport,

" Mag ingat ka sa Manila ha bunso.. " sabi ni Kuya Luis

" At remember the first rule ha.. " bilin ni Kuya Jerome

" Halika na nga! " niyakap ko silang dalawa,

" Punta na nga ako sa loob! Baka mag-iyakan pa tayo. " sabi ko at tumawa kami, nag last goodbye na muna kami at yakapan at pumasok na ko sa loob.

" Flight 21J4 passengers, please proceed to gate 8. " sabi ng isang babae na in charge.. pumunta ako sa gate 8 , yay una ako sa linya!

Sumakay na ako, seat 6, kasi .. 6 letters ang pangalan ng crush ko eh.. Guess niyo nga!

" Mabuhay sainyong lahat.. this is Captain Jonathan. Please make yourself comfortable the whole flight. This is Flight 21J4 , about to fly. " ( A/N: Sorry mga bes.. Hindi ko kasi alam ang pinagsasabi sa eroplano 😂😂 )
----
Maya-maya nakarating na kami sa Manila! Wooohoo!! Bumaba na ako ng eroplano at kinuha ang bagahe ko..

Dumeretso ako sa International Airport, para hintayin si Edward.. well best friends always comes first ! Hahha

Mga 20 minutes later, may nakita ako na naglalakad na lalaki na hila-hips ang bagahe niya at.. MALAKI NOO! Si Edward yan'!! Nagtatalon-talon ako para makita niya ko, siya nga! Ang gwapo niya grabe.. HEP ! Tigilan mo Maymay..

" Twinnie!! " sigaw niya (a/n: sorry guys ha.. hindi ko alam ang right spelling ng twinnie 😂😂 )

" Twinnnieeeee!!! " sigaw ko at tumakbo sakanya at niyakap soya, paikot-ikot kami ng nakayap.. parang mag-shota na hindi nagkita ng 5 years..

Mga 1 minute natapos na ang yakapan..

" Kamusta ka? " tanong ko, tinatanggal ang mga buhok na nakaharang sa mukha ko

" Pretty great. Ikaw? Kamusta ka? " tanong niya, nagtataka ako Bakit hindi to' nag-eenglish.. every year pag umuuwi siya dito, englisero nanaman.. Baka prinactice niya..

" Okay naman .. halika na! Baka nandoon na sila Kisses at Marco sa dorm. " , kumaway ako sa isang taxi na padating, at sumakay kami.

Nakarating na kami sa dorm,

" Manong, bayad. " sabi naming pareho, at sabay na sabay na inabot ang pangbayad,

" Ako na Twinnie.. " sabi niya

" Hindi... ako na.. "

" Kikilitiin kita.. " wow ha.. pangtakot lang?

" Sige na nga! Ikaw na! " binalik ko ang pera sa loob ng wallet ko at bumaba ng taxi. Kinuha yung mga bagahe namin sa likuran at umakyat ng dorm.

" Anong dorm room natin? " tanong ko

" Ti-next ako ni Marco, same room parin. Nasa dulo.. " dumeretso kami sa 3rd floor at binuksan ang last room at sinalubong kami nina Marco at Kisses

" Broooo!! " " Ate Mayyy!!! " nagyakapan kaming apat, kaming apat kasi ay magkakaibigan since 1st Year Highschool Pero kami ni Edward, since prep pa kami mag-best friends.

Well nagkamustahan kaming apat at nagkwentuhan.. well okay naman kasi may aircon hehehe

a/n: hi mga bes! grabe natagalan ako kasi hindi ako makaisip ng paraan so yeah! sana nagustuhan niyo ☺️ for sure maganda ang mga next part! -G 💋

Rule Number One, Walang Boyfriend | MayWard Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon