CHAPTER 8
Ilang oras na ang nakakalipas. Maayos na ang pakiramdam ko. hindi na masakit ang katawan ko. Hindi ko narin na abutan ang batang bubwit na iyon na syang dahilan kung bakit sumakit ang katawan ko at dahilan din kaya hindi ako nakapag trabaho ng ilang oras.
Nang magsimula na ulit akong mag trabaho hindi ko na naabutan ang mag kakapatid dahil pumasok na sila sa skwelahan. Pasalamat yung bubwit na yun, hindi ko sya na abutan naku lang. na ngangain pa naman ako ng bata. Rawr!
Nakilala ko na ang tatlong magkakapatid na si senyorita hanna na kikay. At si senyorito Tristan na akala ko ay anak ni manang at hungry ang pangalan at ang huli ay si Jackson ang bubwit na nambwisit sakin kanina. Humanda talaga sa akin ang bata nayun. Hindi ko talaga makalimutan ang ginawa nya sa akin. Lintik lang ang walang ganti. Mata nya lang ang welang latay. Whahaha!
Maayos na akong nakakapag trabaho sa mansion. Walang magulo at maingay. Masarap ang simoy ng hangin dito sa garden. Ang babango ng mga dinidiligan kong bulaklak, ang sarap amuyin.
“Nakita mo na pala si senyorito Tristan. Ang pogi no?” kinikilig sa sabi ni mildred. Yakap yakap pa ang basahan na hawak nya na Nakatingin sa itaas na nakangiti pa na akala mo pinagpapantasyahan si senyorito.
Naikwento ko sa kanya yung nangyare kanina sa sala. yung nag kasagutan kami ni hungry este Tristan pala. Sya naman kasi ang unang may kasalanan eh. Kung sinabi nyang ‘nagugutom ako, kuha mo ako ng pagkain’ edi sana ang sagot ko ‘yes senyorito. Masusunod’ edi sana nag kaintindihan kami. Hindi yung ‘im hungry’ ano yun? Parang nag papakilala lang. edi nag pakilala rin ako. tapos sya pa ang may galang magalit. Ewan ko ba sa taong yun kung saan pinaglihi, hindi ko maintindihan.
“Ang sungit nga eh.” Sabi ko. habang patuloy sa pag didilig ng mga halaman.
Ang ganda ng garden dito. ang lawak. Ang daming mga bulaklak, meron ditong ibat ibang klase. may ibat ibang kulay at meron ding ibat-ibang hugis. Kaso lang hindi ko alam ang tawag sa mga ito. Ang ga-ganda pa naman. Sa dami ng bulaklak dito, Sampaguita lang ang alam ko, at sampaguita lang din ang nangingibabaw ang amoy. ang tapang nga eh. Nananapak.
Buti nalang alam ko ang bulaklak na sampaguita at buti nalang yun pa ang nangingibabaw ang amoy, kung ibang bulaklak yun. Baka mas lalo kayong maguluhan sa pag la-larawan ko ng bulaklak na tinutukoy ko. magulo ba? Intindihin nyo nalang, magulo rin akong mag-isip eh. Alam mo naman ang matatalino, maraming iniisip. Kaya nagkagulo-gulo ang iniisip. Alam kong walang konek yung pinag sasabi ko. ikonek nyo nalang. Matalino ka naman diba?
“Yun lang ang pangit.” sabi nya. nag Salungbaba sya sa may lamesa. Nag papahinga na sya. Tapos na nya ang mga binilin sa kanya ni manang. Kaya ito nakikipag daldalan nalang sa akin.
“Mildred. Diba apat yung anak nila maam Rosita? Yan ang kwento sakin ni manang. Asan na yung isa. Hindi ko pa kasi nakikita.” Pag putol ko sa katahimikan. Ito lang ang naisip kong pwedeng pag kwentuhan. Ang naririnig ko lang kasi ay ang Pag-agos lang ng tubig galing sa hose. ayoko ng katahimikan. Piling ko kinakain ako ng buhay nito. Para san pa ang pagiging madaldal ko kung hindi ko naman gagamitin diba? Talent to. Kaya dapat pagyamanin to.
“Oo nga no? yan din ang kwento sakin ni manang, apat daw silang mag kakapatid. Pero tatlo palang din sila ang nakikita ko. sino kaya yung isa?” nag tatakang tanong din sakin ni mildred
“Nagtanong ko sayo tapos tanong din yung Sagot mo? yung totoo Mildred?”
“Bago rin kaya ako no. Kahapon lang ako pinasok dito. Duh!” tumirik pa yung mata nya, nang pagkakasabi nya ng ‘duh’ .
“May pa duh! Duh! Kapang nalalaman. Hindi mo naman kinaganda yan.” Unulit nya uli yung ginawa nya. Pero wala ng tunog yung pag kakasabi nya ng ‘duh’.
BINABASA MO ANG
The Promdi's Game #YourChoice2017
HumorHighest Rank: #252 in Humor (05/17/17) Highest Rank: #280 in Humor (04/28/17) Ako ay si clarise dimayugyug probinsyanang masipag, matapang, makatao, may ipinag lalaban, nasa tama at may paninindigan. kaya iboto nyo ako para mayor. para sa ika uunl...