PROLOGUE

4.8K 90 3
                                    

PROLOGUE

Magmula pa noong namulat ang aking mga mata sa mundong ito, batid ko na ang aking magiging kapalaran. Marami mang balakid at pagsubok na dumating, hindi ako natinag upang makamit ang aking minimithi. Sa kabila ng lahat, pinilit kong maging matatag kahit napakahirap mabuhay sa aking mundo. May mga taong sayo'y manlilinlang, may mga taong ika'y ilalagay sa kapahamakan, may mga tao ring ika'y sasaktan, ngunit ang mga bagay na ito ang naging sandata ko upang labanan ang pagsubok ng mundo. Ang mga ito ay magbibigay sayo ng lakas upang malagpasan lahat ng problema. Ang mga pagkakamali mo sa nakaraan ay ang magpapatibay sa'yo kinabukasan. At ang bawat sandali'y kailangan mong namnamin dahil ang pinakamahalaga ay ang kasalukuyan. Ipinagkaloob ang buhay sa atin ng Panginoon upang gamitin ito sa mga bagay na sa tingin natin ay tama. Kailangan nating pangalagaan ito dahil ito ang pinakamagandang regalo na ating natanggap mula sa Kanya.

Sinasabi nila'y babae at lalaki lamang ang nilikha Niya ngunit bakit kami ay nabubuhay sa mundong Kanya ring ginawa? Kami ba ay nilikha ng iba? Kami ba ay maituturing na hindi kabilang sa mundong ito? Nang dahil lamang sa isang libro na sinulat din ng mga nilalang Niya?

Juice ko! Ano na naman ang aking mga iniisip? Kailangan kong mag-focus at magpaganda! First day ko ngayon sa school at kailangan kong umaura agad! Hahaha joke lang! Kailangan ko lang maghanda dahil unang araw ko ngayon sa bago kong paaralan. Incoming Grade 11 student ako at dapat mapansin nila ang magandang nilalang na katulad ko! Napaka-daldal ko! Hindi tuloy ako agad nakapag-pakilala; ako nga pala si Lloyd dela Cruz, Margaret kapag gabi. Hahaha! Pero joke lang. isa akong baklang malandi pero konti lang, I'm not that type of gay. I am a gay with class. Sopistikada ako, charot! Hindi ako payat, hindi rin ako mataba kaya sexy ako. Char! I hate make-ups, girly things, and hindi ako marunong mag-manicure pedicure, mangulot, at kung ano-ano pang kabaklaan! Marunong lang akong mag-aral nang mabuti, manood ng mga pageants to be specific, national and international beauty pageants. Madalang lang ako manood ng mga miss gay barangay. Nababaduyan kasi ako kapag nakikita yung mga rampa ng iba; bukod sa low class, napaka-cheapipay pa! kaya tinatawag ko itong "Barangay Walk" na never mapapantayan ang Pilapil, Tsunami, Cobra, Ariba, Dyosa, Papaya, at Alta Walk ng mga naging representatives natin sa Miss Universe! Napaka-mean ko ba? Sorry, sadyang prangka lang din ako at ayoko lang maging plastic. Hahaha!

Pero tulad din ng ibang bakla diyan, sawi ako sa pag-ibig. Ewan ko ba! Maganda naman ako sexy (charot!), matalino (joke), at mabait pero wala pa rin. Well, sinet aside ko na sarili ko diyan. Magtataka pa ba ako kung walang magtatangkang manligaw sa akin? I am very immune sa mga ganyan, you know, I loved many times but they are all one-sided love. Nagsawa na rin ako, hindi dahil sa ayaw ko na, kung hindi dahil ayaw ko na lang masaktan sa paulit-ulit na dahilan. I am expert when it comes to "move on" thingy. Mahirap sa una, pero kakayanin dahil pursigido ako at ayaw ko na lang umiyak tuwing gabi. Lagi kayang nababasa unan at kumot ko. Kaya ang nangyayari, lagi akong napapagalitan kay mama kesyo ganyan kesyo ganito! Nagsawa ako alam mo yun? Nakakasuka! Nakakalosyang! Nakakachaka ang laging umiiyak! And an ambivert gay like me will never meet her prince charming. Sa mga fairytales lang yun, gaga! Hindi ko na inaasahan yun pero pinagdarasal ko paminsan-minsan. But right now, I need to show my resting bitch face. Baka kasi ma-insecure na naman mga ibang bading dito sa school ko. And while doing this, pasimple akong naghahanap ng lulu! Kaloka ang momshie niyo! Galawang ninja tayo mga besh! Teka, bakit kami pinaghihintay dito sa quadrangle ng school? Wala namang facilitator! Bakit hindi na lang kami papasukin sa classroom namin, nakakaloka! Wait, oh my shit of fuck! Nakakita ako ng boy! Mygad! Ang pogi pogi niya kaso bakit all-black suot niya? Namatayan ba si pogi? Or baka drug dealer? Hahaha! Sa pogi niyang yan, drug dealer? Like duh! Isip ka bakla! Wag puro kalandian ang alam! Critical thinking din pag may time! Well, lumingon ako sandali para hanapin yung kakilala ko sa school na'to. Ayoko namang maging loner no! Parang ewan kapag wala kang kasama. I saw her malapit sa gate at kinawayan ko agad. Shunga pa naman yun! Hahaha!

Mabalik kay pogi, nasaan na siya? Bakit nawala agad siya? Baka naman janitor lang siya or taga benta sa canteen? Nasaan na si pogi? Naimbyerna tuloy ako. First day na first day nawalan ako ng potential crush! May lumapit na malaking tao malapit sa kinatatayuan ko. Ito siguro president ng school or what. I don't care. Sinabihan niya kaming pumunta na kami sa aming mga assigned room. At dahil medyo brainy naman ako, kabilang ako sa section A! Second floor pa yun at hindi raw kami pwedeng sumakay sa elevator, maghagdan na lang daw kami. Ay nakakaloka! Nagtitipid ba sila or ano? Pero dahil syempre maganda ako, umakyat na lamang ako para naman mabawasan bilbil ko. Teka, ano na naman ito? Bakit kailangan pa kaming mag-fall in line? Masakit ma-fall diba? Charot! Well, sa pinakalikod ko dahil sa huli ang mga magaganda except sa harapan ko na puno ng kuto sa buhok! Ate, uso mag-shampoo! Hindi ba niya alam ang aloe vera? Dapat magpa-kalbo na lang siya! Nakakadiri.

Nasa harapan yung malaking tao kanina sa quadrangle, sinabihan kami na tumahimik dahil may naglalaba charot! Nililinis pa raw yung room naming kung kaya't halos sampung minuto kaming naghintay sa hallway ng second floor. At kung minamalas ka nga naman, tinatawag ako ng kalikasan! Buti na lang at may banyo dito kaya umihi muna ako. Pagkatapos kong umihi, mygad! Walang tissue ang banyong ito! Napaka-cheap naman dito! At sa kadahilanang ito, bumaba muna ako sa ground floor at hinanap ko ang canteen at bumili ako ng tissue. For real? Trenta pesos yung isang roll? Wala raw silang stock ng mas maliit kaya napilitan akong bilhin yung tissue. Sus! Ginto ba yung material na ginamit dito? Nakakaloka mga besh! Bumalik ako sa banyo at naroon pa rin ang pila, sinabihan ko si Ate Kuto na bantayan yung pwesto ko sa kanyang likuran. Finally! Hinugasan ko na ang aking mga kamay at pinunasan gamit yung tissue na napakamahal. Nang bumalik ako, wala na ang pila. Siguro pumasok na sila sa room. Syempre, grand entrance ang lola niyo! Tiningnan ko muna ang paligid at nabigla ako nang makita ng mga mata ko ang isang nilalang...

Why Can't It Be? (BxB) (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon