CHAPTER 1💞(Ang Pasaway na Prinsesa)

424 24 0
                                    

CHAPTER 1

Noong unang panahon sa kaharian ng Damortes sa hilagang bahagi ng bansang Brunie ay may isang magiting na Hari ang umibig sa isang napakagandang pRinsesa

Nagmahalan sila at ang naging bunga ng pagmamahalan nila ay ang Prinsesang tawagin nalang natin sa Pangalang Daliah..

Haring Ome haring Ome magmadali kayo

Anong nangyayari Wanda bat parang Balisa ka?..

Haring Ome, si Reyna Alina ay manganganak na..

Ha?.. Tawagin mo si Wil at sabihing ipatawag si Criselda ang pinaka magaling na manghihilot ng kaharian

Masusunod kamahalan..

Buttler Wil.. Asan ka?..

Oh Wanda ano ang iyong Nais at akoy iyong hinahanap?..

Ang Mahal na Reyna Manganganak na at inuutusan ka nang hari na tawagin si Criselda

Masusunod ang nais nya. Halika Wanda samahan mo ako sa Bahay ni Criselda

Tok!! Tok!! Tok!!! ...

Sandali lang..

CRiselda pinapatawag ka nang Mahal na Hari manganganak na ang Reyna kumilos kana ngayon din..

Masusunod Sandali at kukunin ko ang aking mga Gamit..

TarA NA Wanda Buttler Wil..

Samantala..

Ome Mahal ko hindi ko na yata mahihintay ang pagdating ni Criselda mukhang ano mang oras ay lalabas na si Daliah..

Tiisin mo muna Mahal ko hindi mo pwedeng isilang si Daliah habang wala pa si Criselda

Ahhhhhhhhhh.. Hindi ko na talaga kaya.... Lalabas na sya.....

Andito na kami Kamahal-....

Naputol ang ano mang Sasabihin ni Wanda ng bigla na lang umiri ai Reyna Alina at lumabas ang sanggol mabuti na lang at nasalo ito ni Criselda..

Huhuhu.. Ang anak ko siguro ay sa paglaki mo ay napaka biba mong Bata talagang hindi mo na hinintay si Criselda para ilabas ka..

Pinutol ni Criselda ang pusod ng sanggol at tinalian iyon ng Puting tela..

Mahal Tingnan mo ang ating Anak napaka ganda nya nakuha nya ang wangis mo..

Inabot naman ni Alina ang Bata..

Anak ko ohhh Anak kung Daliah..

Makalipas ang labing Anim na taon..

Prinsesa Daliah ipinapatawag po kayo nang inyong amang Hari

Prinsesa Daliah?... Nahalughog na yata ni Wanda ang buong silid ngunit hindi parin nito makita ang Alagang Prinsesa

Nagtungo sya sa may bintana nang may mapansing nakataling kumot sa gilid ng adobeng Bato..

Bigla syang natakot nang makitang bumababa doon ang prinsesa habang naka abang ang kabayo nitong si kaliFa isang puting stallion..

Prinsesa Daliah ano ang ginagawa nyo dyan?.. Baka kayoy mahul-..

Hindi paman sya tapos sa sasabihin ng magulat ito sa kanya at dire diretsong nahulog sa likod ng Kabayo..

Arayyyy!!... Salamat Kalifa isa ka talagang maasahang kaibigan hinimas himas nya ang ulo nito

PRInsesa Daliah saan kayo pupunta?..

Tiningala nyaang butihin nyang taga pag alaga..

Magmamasis masid lang ako sa paligid Wanda babalik ako bago magdilim maiwan na kita..

Pinatakbo na nito ang kabayo habang nililipad ng hangin ang mahaba nitong buhok..

Malilintikan na naman ako sa Hari nito..

Wanda anong gimagawa mo dyan sa bintana?..

Nagulat pa sya nang biglang marinig ang tinig ni Prinsesa Daniela labing tatlong taong gulang..

Ahh wala mahal na Prinsesa.. Lumapit ito sa kinatatayuan nya at nakita nito ang papalayong kapatid..

Si Daliah talaga hindi parin nagbabago nangingiti ito habang pinagmamasdan ang papalayong kapatid..

Siguradong kagagalitan na naman ako ng inyong Ama Prinsesa..

Wag ka nang mag alala Wanda ako na ang Bahala sa aking Ama

Salamat Mahal na Prinsesa maiwan ko na muna kayo at marami pang iniutos sa akin ang inyong Inang Reyna

Sige Wanda..

Samantala..

Hiyah!!..Bilisan mo pa kalifa malapit na tayong makarating sa Ubasan

Ilang sandali pa ay huminto na ito sa gilid ng bundok lumuhod si Kaliha para makababa sya

Magaling kalifa mukhang Maraming itinuturo sayo si Caspian

Umingit ang kabayo bilang pagtugon sa sinabi nya..

Sige kalifa dito kana muna manfinain ka muna dito ng damo tatawagin na lang kita kapag Puno na itong basket na paglalagyan ko ng ubas para kay Ina..

Naglakad na sya patungo sa Gilid na natatamnan ng Ubas..

Mukhang Marami akong madadala ngayon para kay Ina..

End of Chapter1



The Lost PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon