Modernong Romeo and Juliet [One shot Scifi/Fantasy]

18.8K 313 72
                                    

“Tito Dj, gaano mo ka-yab si Tita Kath?” nagising ako sa sinabi ni Katrice na kumakain nung lollipop na binigay ko. Inaanak to ni Kath na 6 years old at andito kami sa spacehouse nila dahil iniintay ko si Kath para sa date namin. Bahay nila to dun sa nadiscover na Earth 2.0, yung Gliese dati. Kaya yun, spacehouse tawag. Ganda nga dito e. Sariwa yung mga baba-, este hangin. Bwahaha.

Pero teka, kung nagtataka kayo. Oo, kami na ni Kath at pagtapos ng pitong taon, masaya parin kaming nagsasama. Nag-AANO kasi kami palagi e. NAGD-DATE. Bwahaha. May naisip kayong iba no? Lol. Ayos lang yan. Mas maano naman yung mga kabataan sa panahon na to e.

Kung ikukumpara kasi sa generation natin, sobrang wholesome na natin e. Pano ba naman, gumagawa ng di dapat sa kung saan saan. Oo. Basta trip nila, gagawin nila kahit maraming nakakakita. Taena, pati nga sa Araneta nag-gaganun sila e. Maniniwala ba kayong sex concert na ang uso ngayon? Siryoso, pag walang ganun, di kumikita. Ganon kasi yung naging evolution ng tao sa lumang earth e. Imbis na mas tumino, mas naging maano pa.

“Syempre, sobrang love yun ni Tito Dj.” tinanggal ko yungZ-topko sa ulo tapos tumayo ako. Alam niyo yung mga laptop dati diba? Successor to nun pero parang helmet ng motor na hanggang mata lang yung 3D glass sa harap. Tapos imbis na keyboard at mouse, utak na yung ginamit pangtype at pagnavigate. Basta parang mindcontrol siya. Iisipin mo lang, gagawin na nung program.

Pagkatanggal ko nung Z-top sa ulo ko, bumalik na siya sa pagiging Z-bot. Alam niyo rin yung logo ng Android diba? Ganun to na blue na kasing laki lang ng 2 years old na bata. Ang pinaka-cool pa dito, nagtratransform to sa ibang bagay. Oo, pagtapos ng mahabang pagpapaasa satin ng mga sci-fi movies, may genius din na nakaimbento neto. Ang lupet kasi nung inventor neto na si Zeath e. Kung di lang nga ako nagseselos dun, idol ko na yun e.

Taena naman kasi e. Ang dalas nila magkita ni Kath netong mga nakaraang buwan. Sobrang close kasi sila kaya di ko maiwasan magselos minsan. Yung tipong pag nakasalubong mo sa daan, iisipin mong sila yung magsyota. Kaya ayun. Buti nga malaki tiwala ko kay Kath at malaki utang na loob ko sa kupal na yun e.

Si Zeath kasi nakadiscover nung Forever18 na vaccine e. Basta pinapabagal daw nun yung aging process ng maraming beses kaya nawawala yung mga Cancer at iba pang sakit. Nadiagnose kasi si Kath ng Brain Cancer nung 18 siya e. Kaya ayun, nagpa-vaccine siya at nakigaya ako para pareho kaming habambuhay na 18. Buti nga walang side effect yun kay Kath kundi, taena, may mapapaslang na isang napaka-kupal na inventor sa mundo.

“Weh? Ba’t mo siya ni-paiyak nung isang gabi?” tinignan ko nang nagtataka si Katrice. Kahit minsan kasi, di ko pinaiyak si Kath e. Wala lang, sobrang mahal ko e. Saka mas nasasaktan ako pag nasasakan yun e.

Itatanong ko na sana kay Katrice kung anong sinasabi niya kaso dumating si Kath dun sa teleporter. Taena. Ang ganda talaga nung mahal ko o. Walang kupas e.

Lalapitan ko na sana si Kath nun pero bigla tumunog ulit yung teleporter tapos lumabas si Zeath na mukhang 18 padin. Anakng. Ba’t kasama niya tong kupal na to?

“Kath, naiwan mo yung z-box mo.” Binigay ni Zeath yung maliit na box kay Kath. Yun na kasi uso ngayon e. Parang ano kasi yun e. Err, alam niyo yung sa pokemon? Diba may pokeball dun? Parang ganun siya kaso box na mas maliit tapos mga gamit yung nalalagay. Basta parang teleporter siya para sa gamit na pauso din ni Zeath. Siya rin kasi nag-imbento ng teleporting na yan e.

‘Ay, thank you. Sabi na may nakalimutan ako e.’’ tinignan ko lang si Kath na parang di mapakali. Alam nya kasing badtrip ako dahil sabi niya nung nag-3D-Skype kami kanina, Mommy niya yung kasama niya.

“Oi Dpad. Andito ka rin?” di ko lang pinansin si Zeath. Dpad kasi tawag sakin niyan dahil D-aniel Pad-illa daw e. Pero alam kong pang-asar niya lang yun dahil nag-away kami ni Kath dati dahil sa Ipad. Naadik kasi ako dun sa larong tumatakbo e. Ano nga ulit tawag dun? Pyramid Run ba? Ah basta, may Run yun e. Tagal na kasi kaya di ko na maalala e.

Modernong Romeo and Juliet [One Shot Scifi/Fantasy]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon