Matchmaker ko si Simsimi ^^
Hi~~<3 4: Adik sayo. Yieeh! :”>
Kung sinswerte ka nga naman o. Ang swerte ko! Wahahaha! XD Nakita ko si soulmate! Wahahaha! Da best dis day!
Ngiti Janelle. Show the world how happy you are! :D
“So… Plinano mo talaga?”
:D--> -_-
“Hindi no! Feeler ka naman. Hinahabol lang talaga ko nung matanda. Napagbintangan ko kasing manyakis. Hahaha! Nakakatawa no? hahaha!”
“Ok. Sabi mo e.”
At ayun. Umalis na siya.
Tulala! Kasalanan bang humingi ako sa langit ng… Tulala!
(HB: Baliw! Mali lyrics mo! Kakanta na nga lang e.)
Sorry naman Hanneybants. :D Pero ang swerte ko talaga no? No? Ui hanneybants? -_-
“Nelle! Musta? Anong nangyari? Anong ginawa sa yo? Bat ganyan hitsura mo?”
“Jennifer. Nakita ko si soulmate. Nayakap ko si soulmate. Si SOULMATE!”
“Ow-key. Anong nangyari?”
“Pumasok ako sa store na to, tapos may hinila akong tao tapos niyakap ko tapos inakala ni kuyang hindi naman pala manyak na boypren ko si soulmate kaya umalis na siya tapos hindi ko alam si soulmate pala yung niyakap ko tapos nakausap ko siya tapo tapos ta-”
“Hinga. Tapos?”
“Ayun tapos na.”
Ang swerte ko talaga! Wahahaha! Jump up and down up and down up and down! Yeah! Panalo!
“Ui Nelle labas na tayo. Nakakahiya ka na e.”
Nakita ko si soulmate. Nayakap ko si soulmate. Nakausap ko si soulmate. Iniwan ako ni soulmate. Baliw ako kay soulmate. Hahaha!
“Ui Nelle, uwi na lang tayo. Nakakatakot ka na e. Ang sama na ng tingin sa tin nung mga tao o.”
Nice talaga soulmate. Nagkita tayo soulmate. Akalain mo yun? Sayang di tayo masyadong nakapagusap no? Hayaan mo next time pag nagkita tayo dadaldalin talaga kita. Promise yan. Kaya magkita tayo ulit ha?
BINABASA MO ANG
Matchmaker ko si Simisimi ^^
Short StorySi Janelle ay nagkakandaugaga sa paghahanap at paghihintay sa pagdating ng soulmate niya. Kahit saan siya naghahanap, dahil para sa kanya ang soulmate niya ang magpapasaya sa kanya. At sa tulong ni Simsimi ay nahanap nga niya ang soulmate niya. Pero...