I woke up not because of the alarm clock but because of Jane's loud voice.
"Ate! Wake up ka na!"
I looked at the alarm clock at nakita kong 6 am pa lang. Bumangon ako at sinimangutan si Jane.
"It's still early! Bakit ginising mo kaagad ako?" sinabi ko nang may pagkadismaya. Napansin naman niya iyon kaya humingi siya ng tawad sa akin.
"Sorry. Hindi ko nga pala nasabi sa'yo kahapon na aalis tayo ng maaga para makuha 'yung gown mo sa Manila." pag-eexplain ni Jane. Napadako ang tingin niya sa akin at napatingin sa mata ko.
"Did you cry?" pag-aalala niya.
"Wala 'to. Napuwing lang ako." pinunasan ko ang aking luha at umayos ng upo. "Gown ko? Paano nyo naman nalaman ang sukat ko?" pag-iiba ko ng usapan.
"Magka-size naman tayo kaya okay na 'yun." pagkasabi niya nun ay pinagtulakan niya ako papasok ng banyo at hinagis sa akin ang tuwalya. "Maligo ka na ate! Dapat saktong 7 makakaalis na tayo!" Then she went outside and slammed my door. Great. Kulang 'yung tulog ko because of my dream last night.
Binilisan ko na ang pagligo ko at baka kulitin pa ako ng magaling kong kapatid. I grabbed my bag at saka patakbong bumaba.
"Oh hija, dahan-dahan lang at baka madapa ka."
Nagmano ako kay lola at humalik sa kanyang pisngi. Sinasanay ko na ang sarili sa ganitong routine because I want to bring back my old self. Saka isa pa halos isang linggo na rin ako dito sa bahay at may nagtitrigger sa akin na makaalala.
"Nasaan po sila?" pagtatanong ko.
"Nasa labas sila. Tara na doon at tayo na lang ang hinihintay nila."
Sabay na kaming lumabas ni lola at nakita ko si Jane na kumakaway at sinesenyasan ako na lumapit sa kanya. Nagpaalam ako kay lola at lumapit kay Jane. May ibinigay siyang cellphone sa akin.
"Bakit binigay mo sa akin 'to?" pagtataka ko.
"Cellphone mo 'yan ate. Alam ko ang password mo kaya nabuksan ko 'yan. Don't worry, pwede ka namang mag-set ng bago eh." sabi niya at sumakay na siya sa kotse.
Tiningnan ko lang ito at nilagay sa bag. Siguro ay hindi ko muna bubuksan ang cellphone ko.
"I'm so excited! Gusto ko nang makita 'yung akin!"
Kanina pa malikot sa tabi ko si Jane at pinpicturan ang sarili niya. Selfie siya nang selfie at kahit 'yung suot niya kinukuhanan niya.
Ipinaling ko muna saglit ang aking ulo at doon ako nakatulog. Ngunit kasabay nito ang hindi ko maintindihang panaginip.
Nasa isang playground ako at nakaupo sa swing. Tawa ako nang tawa while eating ice cream. Tumingin ako sa kasama ko but the face is blurred. I touched his face pero bigla itong nawala.
"Ate..."
Bigla akong nagising at napansin ko na namang umiyak ako. Why do I keep getting those dreams?
"Huh? Nasa Manila na ba tayo?"
Tumango si Jane. "Napansin ko kanina na may tinatawag kang pangalan tapos nagulat na lang kami dahil bigla kang umiyak. Are you having nightmares?"
"N-no. Hindi ko alam. Maybe gawa lang 'yun ng mga iniinom kong gamot."
"Right. Fix yourself na. Malapit na tayo sa building na pupuntahan natin."
Nakarating kami sa place na pagkukuhanan namin ng gown. It has a modern design and its tiles are a combination of gold and silver. I can't help but be amazed of how beautiful the place is.
BINABASA MO ANG
Faded Memories
Teen FictionChildhood Memories. First Crush. First Heartbreak. Lahat ng iyan ay parte ng ating alaala. Bawat isa ay nakatatak na sa ating isipan, masalimuot man ito o maganda. Ang mga ito ang nagpapatatag sa ating sarili at nagsilbing lakas upang magpatuloy sa...