I know medj weird na have to wrote something like this for the sake ng pagiging fangirl ko but no, this isn't about me going gaga over Adele. It is about me... telling 'Why Adele'
Di ko naman sinusulat to para basahin ng iba, sinusuat ko to kasi gusto ko lang mag express.
Recently naging sobrang oa ng paghanga ko kay Adele, sa character ni Adele Exarchopolous sa bitwc. I loved it. I love her. So much.
Ewan, nung una ko palang syang nakita sa screen nagclick agad, but what makes me liked her even more is her... herself.. sya mismo... yung character ni Adele.
And then I realized.. I want Adele. Gusto ko ng katulad ni Adele.
Someone asked me ano daw yung ideal girl ko.
That time walang specific, gusto ko kasi yung spontaneous, yung walang specific character. But then.. nung napanuod ko yung bitwc... bigla kong naisip... why not the likes of Adele? Why not adele herself? Why not Adele? And yeah ... gusto ko ng Adele. My kind of Adele.
Why Adele?
Simple lang, she had an identity crisis nung nasa teeange years sya, 18 perhaps, until she met someone. And that someone changed her life.
Pero bakit nga ba si Adele? Ano ba si Adele? Di ko din alam eh, basta ang alam ko lang si Adele yung someone na igigive up lahat kapag nagmahal. And sa part ko, syempre gusto kong maramdaman yun. Gusto ng lahat na maramdaman na may isang taong handamg isuko ang lahat ng meron sya para sayo para lang iparamdam sayo na ikaw lang ang mahalaga, walang iba.
Yung kahit may gagawin ka pa, tapos dumating ako, isasantabi mo yung ginagawa mo para sakin. Yung kahit hindi mo pa ako gaanong kakilala, pag pinuntahan kita, iiwan mo yung mga kasama mo para sumama sa akin at wala kang pakialam kung isipin nilang 'bi' ka. Kasi ang mahalaga sayo yung makasama ako, mas makilala ako, mas mapakilala yung sarili mo sa akin.
Yung kahit hindi mo ako maipakilalang girlfriend mo, dadalhin mo pa rin ako sa bahay mo at ipapakilalang kaibigan sa mga magulang mo dahil ganun mo ako kagustong makilala ng mga importanteng tao sa buhay mo. Kasi ganun din ako kaimportante sa buhay mo. Yung biglaan lang na yayayain mo ako sa bahay nyo, pwera biro, kasi gusto mong makilala ako ng mommy mo, na sooner or later magiging paborito din naman ako. Hahaha
Na pipilitin mong makisama sa pamilya ko kahit iba yun sa nakagawian mo. Yung kakainin mo yung inaalok sayo ng nanay ko kahit mo pa ayaw mo nun at hindi ka kumakain ng ganun na pagkain. And then you'll realized kahit hindi mo type yung lasa, masarap pa din kasi tinry mo and by that gusto mo kasing matuwa sayo yung parents ko kaya magpapasikat ka. Yung walang excuses na 'busog po ako, kumain na po ako, okay lang po ako' Yung makikita kong nakangiti yung nanay ko dahil natutuwa sya sayo kasi kahit isa sa mga inalok nya di mo tinanggihan. Yung magdadala ka ng kahit na anong gusto nung nanay ng ko para lang magpagoodshot. Yung magdadala ka ng paborito nyang bulaklak kasi alam mong matutuwa sya
Yung mahalaga sayo kung anong sasabihin nila sayo. Yung importante sayo kung anong magiging impression nila sayo. Yung kahit hindi ka palangiti o palasalita, kapag sila kaharap mo magiging madaldal ka.
Nakakasawa din kasi yung 'ikaw lang naman ang mahalaga sakin'. Masaya din kasi madinig minsan na 'magugustuhan kaya nila ako?' Kaya gagawa ka ng way para magustuhan ka nila, hindi yung complacent ka na porket sinabihin kong 'di na kelangan nyan, magugustuhan ka nila kahit wala yan'
Masarap sa pakiramdam na ikaw yung mundo ng isang tao, yung nararamdaman mo kasi pinaparamdam sayo hindi dahil sinasabi lang sayo.
Yung tipo na kung di ako tanggap ng mga kaibigan mo dahil ganito ka at ganito ako, wala kang pakialam, that means hindi sila totoong kaibigan kaya iiwan mo sila para sa akin. Well, not literal na iiwan but for the fact na mas importante sayo yung ako kesa sa kanila, gusto ko nun. Masarap sa pakiramdam yun. Me over them. Wala ng mas suswerte pa sa taong pinaprioritized more than sa mga kaibigan.
Masarap sa pakiramdam na nararamdaman mong ikaw ang mundo nya hindi dahil kayong dalawa lang, mas masarap yung ginagawa ka nyang mundo kahit maraming tao sa paligid nya. Yung kahit anong mangyare, ikaw at ikaw yung pipiliin nya. Yung makikita mo sa gawa at hindi sa puro salita.
Nakakainggit si Emma to have an Adele in her life. Sobra. Yung pinipilit ni Adele ifit in yung sarili nya sa mundo ni Emma kasi dun masaya si Emma at masaya sya kapag masaya si Emma. Yung sasabihin nyang 'ito yung kaligayahan ko, yung makasama ka' fudge! Meron pa ba nun?
Yung mag-aantay ng tawag mo, tapos pag nadinig yung boses mo mapapangiti ng sobra sobra. Yung magpipicture ng palihim kasama ka dahil nacucute-an sya sayo kaya gusto nyang icapture yung moment na yun.
Siguro kapag napanuod nyo yung movie, maiintindihan nyo yung sinasabi ko. Si Adele na sobrang naappreciate si Emma. Yung Adele na kapag may sinabi akong something, automatic pupuntahan or titignan nya yung sinabi ko kasi ganun sya kaexcited na makita yung sinasabi ko kasi tungkol yun sakin. Yung walang 'mamaya na lang'
Pag nagawa mo yun, siguro kahit hindi mo sabihing ako ang mundo mo, mararamdaman kong 'ako ang mundo nito'
I don't know kung bakit ako nagiging ganito kasentimental, siguro tumaas lang yung standards ko simula nung napanuod ko yung movie. Idk, malakas yung tama eh... sobrang rs goals, exclude the mid and ending part hahaha.
Anyways... It may sound selfish or something... but them again ako yung sumasagot sa tanong na 'anong ideal girl' ko kaya yun ang sagot ko.
I'm not actually asking for the exact Adele... wala namang ganun... and I don't like the exact adele... I'm asking for the Adele likes.
Anyways, alam kong darating din yung perfect Adele for me. Anyone and everyone could be Adele. But I know deep down isa lang yung Adele para saken... kung hindi ikaw yung Adele na yun, better not assume to be my Adele.. cos I know I've already found that Adele... my kind of Adele... minomold lang ni God para maging Adele... hindi yung Adele na gusto ko but yung adele na deserved ko.
It's you ... I know it's you.
Pero di ko pa masasabi sa ngayon na ikaw na ikaw yun kasi ang dami pang flaws eh. Di pa smooth Adele. But sooner or later... maybe when you read it... you'll be the Adele that I deserve.
But I know it'll be you...
I know it's you.
And someday ikaw mismo ang magcclaim na ikaw yung Adele na yun. One day, ikaw mismo ang magsasabi sakin na 'Yes, I am your Adele'
Siguro by that time, masasagot ko ding 'Yes, you are. My kind of Adele, I love you'
I can't wait for that perfect moment na magpapakilala sa akin yung Adele ko. Yung Adele na pangarap ko. Yung Adele na deserved ko.
My kind of Adele.