[A/N: The SS twins at the right side! <3 Btw, please vote and comment! xo]
"Jaouis, may transferee daw?" Sabi sa akin ng isa sa mga kaibigan ko na si Hana.
"O, talaga?" Tanong ko sa hindi interesadong boses. Hindi na naman kasi bago ang transferees dito sa school namin. We're in the city, at alam ko na marami talagang pamilya ang lumilipat sa siyudad.
"Ay, ba't parang 'di ka interesado?" Tanong naman ni Prilla.
"Girls, hindi na naman kasi bago sa atin na may transferee, right?" Sagot ko naman sa kanila.
"Pero Ja, iba 'to! Isa sa SS twins!" Celine exclaimed.
"Kaya nga, Jaouis." Sang-ayon naman nila Hana at Prilla.
"Eh ano bang kakaiba sa kanya? Tatlo ba tenga niya? O baka naman eleven 'yung fingers niya?" Sarkastiko kong sagot. Pare-pareho lang naman ang mga transferee ah! Siyempre sa una mukhang loner, at dahil bago, instant sikat. Tapos kapag nasanay na na nandito 'yung transferee, tapos na ang 15-minute fame.
"Jaouis Perez! Hindi mo ba kilala ang SS twins?! Ang pinakagwapong twins sa buong mundo!" OA na sagot ni Celine.
"Celine, alam mo, kung kilala ko 'yang SS twins na, eh 'di sana hindi na 'ko nagtanong 'di ba?! Duh!"
"Girls, hayaan niyo na. Alam niyo naman 'tong si Jaouis, walang pakialam sa outside world." Sagot ni Prilla. "Dapat ito ang isali natin sa PBB eh. At least hindi ma-drama na gusto na niyang lumabas. Tch."
Binatukan ko si Prilla. "Tumahimik ka nga dyan. Sino nga 'yang SS twins na 'yan, ha?"
"Ang SS twins ay sina Steven at Stephen Felix. Hmm, parang Philippine counterpart sila ng Olsen twins. Though hindi sila artista, sinusundan sila lagi ng paparazzis dahil nga mayaman ang pamilya nila." Paliwanag ni Hana. "Kaya nga lang, si Stephen Felix lang ang magta-transfer dito sa school natin."
"Bakit naman si Stephen lang?! Bakit hindi kasama si Steven?!" Naiinis na tanong ni Celine.
"Eh kasi po, Steven's pursuing his modelling career. Meron pa kasi siyang kontrata kaya hindi pa siya makakabalik dito sa Pilipinas." Sagot ulit ni Hana.
"Aba, aba, paano mo naman nalaman 'tong mga bagay na 'to tungkol dyan sa SS twins na 'yan ha?" Tanong ko. Tsk, siguro stalker sila ng SS twins na 'to!
"Ano ka ba, nasa TV at magazines kaya sila lagi! Kahit sa society page ng broadsheets, andun sila! 'Wag mo kasing i-shut down ang social life mo para nakikilala mo rin sila Steven at Stephen!" Sagot ni Prilla.
"Kfine! 'Wag niyo na 'kong i-nag tungkol dyan sa Stephen at Steven na 'yan ha?! Tss." Naiinis na sagot ko na lang sa kanila. Wala akong balak mag-entertain ng kahit anong feelings tungkol dyan sa Stephen Felix na 'yan. Once is enough.
Nagulat ako nang biglang hinagod nila Hana, Celine at Prilla ang likod ko. "Ja, hindi mo pa rin ba nakakalimutan 'yung ginawa ng bwisit na si Amiel? Alam mo naman, playboy talaga 'yung lokong 'yun. Jaouis, kalimutan mo na siya. Hindi naman worth na i-shut down mo ang love life mo para lang kay Amiel." Sabi ni Celine.
Nakaramdam ako ng pinong kurot sa puso ko. Si Amiel... Siya, siya ang dahilan kung bakit ako nagkakaganito. He was my boyfriend. But it turned out na matagal na pala niya akong niloloko. He's a big-time sucker. Ewan ko ba naman dito sa tanga kong puso, kahit na inuulit-ulit ko na 'wag ng mahalin at kalimutan na si Amiel, hindi pa rin natututo! Pero nararamdaman ko naman na malapit na akong maka-move on eh. I'm on the verge of doing so.