[Evan's POV]
Kung magiging si Elise at si Matt nga, kaya kong tanggapin yun.Pero magpapakatotoo ako, I admit sobrang sakit nun para sakin.
There's a part of me na nagsisisi kung bakit pumayag sa deal namin ni Elise. Pero mas lamang yung pagmamahal ko kay Elise and I want her to be happy even if I'm not the one who causes her happines as long as she is happy ayos na ako dun.
And here I am kasama ko si Elise nag brainstorming kami ng ideas kung ano ang pwede niyang ibigay kay Matt.
"Eh ano kaya kung bouquet ng flowers na lang?"tanong ni Elise habang nakahawak pa sa baba nya.
Hayss hindi ko mapigilang tignan sya ang cute cute kasi eh."Oy Evan naman eh ano ba makinig ka nga"medyo naiirita na yata sakin hahaha
"U-hm Elise di ba lalaki si Matt sa tingin mo ba maganda tignan na girl ang magbibigay ng flowers sa guy?"
Baka di rin tanggapin ni Matt yun kubg flowers lang."Bakit ba pwede naman ah unique nga di ba. Tsaka ako nga yung manliligaw sa kanya duhh"
Kahit kelan talaga ang taray nya noh? Tinutulungan na nga eh (╥_╥)
"Look, Ang goal natin ay dapat mainlove sya sayo para siya ang magbibigay sayo ng gifts at hindi ikaw ang magbibigay sa kanya ok?"
Ang sakit na sakin pa talaga mag mumula yung mga words na yun.
Pilit ko na lang tinatago yung lungkot sa boses ko kahit gusto ko na umiyak."Ehh... Pero dapat may maibigay ako sa kanya na gift kahit isa lang.AHA!
Alam ko na, samahan mo ako sa mall pleaaassshh (^ 3 ^ )" ang kulit lang noh nag pout pa talaga pano ako makakatanggi nito."Fine sige na nga !" Kunwari galit galitan para di halata.
"Yehey thank you Evs da best ka talaga!" Nagulat ako nung niyakap nya ako sa likod. Sana lagi siyang ganto. Kaso naalala ko may kailangan nga pala kaya lang siya ganyan ka sweet.
"Ano ba Elise bitawan mo nga ako tsupi!" But in the back of my mind i wish na sana lagi syang ganito ka sweet sakin hindi lang dahil sa may kailangan siya.
Sabi ni Elise watch na lang ang ibibigay nya kay Evan so we decided to enter a famous jewelry shop.
Agad naman kaming sinalubong ng isang chika babes na sales lady.
Hmm.. Single kaya siya?
Nah kahit may boyfriend pa yan sure madadala siya sa charms ko.
Kinindatan ko yung sales lady na nakita pala ni Elise kaya umubo siya at tumikhim."Ehem.." pag ismid ni Elise pano kasi si Joy the sexy sales lady ay nakatunganga lang sa amin- ay erase sa KAGWAPUHAN ko lang pala.
"Good morning sir what can i do for you?" sinadya nya yatang hindi i greet si Elise or hindi niya lang talaga napansin ang kasama ko dahil sobrang busy nya checking me out.
Sus easy to get masyado ayaw ko sa pala sa kanya.At dahil nakakunot na ung noo ni Elise which is normal lang naman ay inunahan ko na sya magsalita"Pwede bang iba na lang ang mag assist samin Miss"sabi ko sa kanya dahil parang dragon nanaman itong kasama ko at lulugo lugo naman si Joy na umalis halatang napahiya at mukhang nalugi siya ng bente mil dahil sa itsura ng mukha nya. Nakita ko naman na biglang nagbago ang mood nitong abno kong katabi.
-Sus pero mahal mo?
Tanong ng isang side ng utak ko.
Oo.....oo mahal na mahal na mahal na mahal. Mas mahal pa sa bigas at sa gasolina ganon ko sya kamahal. Bakit mahal naman yun di ba? di ba? diba?Umalis lang yung sexy na saleslady nawala na ung kunot sa kilay nya at hindi na ulit maasim yung mukha niya lalo na nung may dumating na bagong saleslady.
Kung si Joy ay chicka babes itong isa naman mukhang CHAKANG BIBE.
Pano ang laki ng labi at parang bibe maglakad pa kendeng kendeng pa halatang flirt pero ang CHAKA ng face. Sigurado akong iyon ang dahilan kung bakit nakasmirk ang katabi ko ngayon."Gud murning Mam end Ser thes way ples" bat ganon sya mag salita? Urong ba ung dila? Nagsisisi tuloy akong pinaalis ko pa si Joy lalo na nung tignan ako ng mukhang tekla na to mula ulo hanggang paa na para bang hinuhubadan na ako. Anak ng tipaklong alam ko naman kung gano ako ka hot at ka gwapo pero nakakasawa na din humarap sa mga gantong problema ang hahabulin ako ng mga nag gagandahang babae-
-correction, pati bading at mga panget kahit aso pa nga eh
Pag tatama ng nakakainis kong konsensya.
Ah basta yun na yun habulin ako ng mga babae at normal na sakin ang lagi maka encounter ng mga Pogi problems gaya ng pinoproblema ko ngayon.
Gusto ko na sanang mag back out dahil nag kagat labi pa si Miss Bibe sakin Ewww! Pero naiisip ko pa lang ang mag kasalubong na magandang kilay ni Elise ay hindi na ako makakatakas pa kaya taimtim akong nagdadasal na sana ay matapos na agad kami.
"Sir ano pong bibilhin niyo?" nang aakit na tanong nung bibe sa gilid at hindi nakakaakit kundi nakakadiri!
"Jewelry alangan naman bumili kami ng gulay dito JEWELRY SHOP itong pinasukan namin ano sa tingin mo bibilhin namin? Petchay at Ampalaya?" mataray na sabi ni Elise dun sa sales lady na mukhang tekla.
Napayuko naman yung sales lady at parang maiiyak na kaya inunahan ko na.
"Ahh Miss can you please give us the best and most expensive watch you have here for men?" Agad namang umalis ung babae na sinundan na lang namin ng tingin habang pumapasok sa isang room na pinaglalagyan siguro nila ng jewelries.
"Bakit ba ang daming malalandi ngayon?" Tanong ng katabi kong masungit. Habang naka cross arms pa at nakadekwatro.
"Sadya kasing Pogi ako kaya lapitin ng mga chixx. Sa tagal nating magkasama hindi ka pa ba sanay."
Hinampas naman niya ako sa braso ng sabihin ko yun."Kelan ka ba magbabago ha? Hanggang ngayon ang hangin mo pa rin grabe dapat ikaw ang sisihin sa mga bagyo dito sa Pinas dahil sobrang hangin mo!" Inis na hinampas nya sakin yung bag nya.
At sakto naman na bumalik ung salesady.
"Her Ser it's our latest model and de perst wan her in our country." Paliwanag nya at tila hirap na hirap pa mag english.
Si elise na yung kumuha at agad na inabot yung credit card niya. At tinignan ko yung resibo. 250k lang naman yung halaga nung watch.
Umalis na kami dun sa shop at kasalukuyang nag dedecide kung saan kami kakain.Ang swerte mo talaga Matt, hindi lang dahil binibigyan ka ni Elise ng ganito kamahal na regalo kahit walang okasyon. Pero mas maswerte ka dahil ikaw ang mahal niya at walang kahit anong bagay ang makakatumbas sa pag mamahal niya.
Sa huli ay pinili na lang namin kumain sa isang Japanese restaurant na bagong bukas pa lang kasi kakaunti lang yung costumers at halatang di pa masyadong sikat.
Pero masarap naman yung mga pagkain dun at nabusog kaming dalwa. Hinatid ko na din si Elise pauwi.
"Good night! Ingat sa pag dradrive at thank you sa pag sama for today" isang masayang bati ni Elise sabay kiss sa pisngi ko. I admit medyo kinilig ako dun. Minsan lang siya maging sweet pag bigyan na.
Hmmm... Mukhang makakatulog ako ng mahimbing ngayon Good night my loves - with matching flying kiss pa yun ha.(^v^)
BINABASA MO ANG
Fall For You
RandomThis story is about a girl named Elise. Maganda mayaman at matalino pero NBSB. Mayroon siyang tatlong kaibigan, sina Maxene , Matt at Evan. They are all friends since childhood and Elise has totally fallen for Matt. Nanghingi siya ng tulong sa...