Chapter 45: The Hunt Begins

58 4 0
                                    

3rd Person's POV

Habang nakaupo si Mr. Wilson sa kanyang opisina sa Yajima Labs ay biglang pumasok ang mga armadong mga sundalo na mga tauhan niya.

"Ano nahanap nyo na si Ryouei?" Tanong ni Mr. Wilson sa mga sundalo.

"Hindi namin siya nahanap pero may nakalap kami kung saan siya nagtatago ngayon" Sagot ng isang sundalo.

"Saan na siya ngayon?" Tanong ni Mr. Wilson.

"Nandun siya nagtatago ngayon sa kanilang bahay sa Tokyo,kung saan meron silang gunpla shop na nagngangalang Hirotami Gunpla Shop.Baka posibleng doon siya nakatira sa mga pamilya niya" Paliwanag ni isa pang sundalo.

"Puntahan nyo siya doon at hulihin siya ng buhay dito sa akin" Utos nito.

"Sir yes sir!" Tugon ng mga sundalo at lumabas na ang mga ito sa kanyang opisina.

"Hahahahaha! Ito na ang oras para gumanti sayo Ryouei.Tinanggal mo ako sa ating trabaho dati at pinahiya mo ako sa lahat ng mga katrabaho natin noon kaya pagbabayaran mo ang lahat ng ginawa mo sa akin dati.Humanda ka" Gigil na sabi ni Mr. Wilson habang nakakuyom ang mga kamao nito.

Ryosuke's POV

Pag uwi ko sa aming bahay ay nakahanda na pala ang pananghalian kaya naupo na ako dun at kumain dahil gutom na rin ako.

"Congratulations sayo Ryosuke.Ginawa mo lahat ng best mo para makapasok ka sa semifinals" Sabi ni papa sa akin.

"Salamat po sa inyo papa.Hindi ko po inakalang ganun pala kalakas ang gunpla na binuild ko.Siguro may pinagmanahan talaga ako sa inyo ni mama" Sabi ko sabay subo ng sushi.

"Manang mana ka talaga sa amin anak" Sabi naman ni mama habang kumakain.

Patapos na kaming kumain nang biglang may bumukas sa pinto ng aming shop.

"Ryosuke may masamang balita!" Hingal na sabi ni Rui.

"Ano yun?! Bakit kayong tatlo ay parang kinakabahan?" Pagtatakang tanong ko sa kanila.

"May mga sundalong patungo dito,hinahanap nila ang papa mo!" Sabi ni Mico na siyang ikinagulat ko.

"Mga tauhan ni Orland Wilson.Natunton na nila ako" Giit ni papa.

"Hanggang ngayon ba hindi ka pa rin tinatantanan ng Orland Wilson na yan?!" Sambit ni mama kay papa.

"Mr. Hirotami magtago na kayo nandito na sila!" Sigaw ni Rinkashi habang tinatanaw niya ang buong paligid ng shop.

"Sumuko ka na Ryouei Hirotami! Dahil kung hindi ay idadamay ko ang mag ina nyo" Boses ng isang lalaking galing sa loob ng shop.

Tumakbo sila Rui,Mico,at Rin at lumapit ito sa amin.

"Magtago na po kayo.Armado po sila ng mga baril" Sabi ni Rui na tila natatakot.

Pumasok na ang sampung armadong sundalo na armado ng mga matataas na kalibre ng baril at itinutok ito sa amin.

"Sumama ka na sa amin Ryouei,ito ang utos ni Mr. Wilson sa amin" Sabi nung isang sundalo sabay tutok ng baril sa aking papa.

"Saan nyo po dadalhin ang papa ko? Wag nyo po siyang ilayo sa amin maawa po kayo" Pakiusap ko sa kanila habang umiiyak na dahil sa sobrang takot at niyakap ko ang aking papa.

"Tumahimik ka bata! Baka ikaw ang unang papatayin ko" Tumahimik na lang ako at umiyak na lang habang niyayakap ko ng mahigpit sina papa at mama.

"Ryouei wag! Wag mong sabihing sasama ka sa kanila" Sabi ni mama na tila lumuluha na rin ang mga mata nito sa sobrang takot.

"Pasensya na kayo pero sasama na lang ako sa kanila para hindi kayo mapahamak" Sabi ni papa sabay tayo at lumapit sa mga sundalo.

"Papa! Wag nyong gawin yan papa.Papa!!!" Sigaw ko.

"Hindi ako papayag na kunin nyo tito ko!" Rui sabay bunot ng kanyang katana at sumugod ito sa mga sundalo.

"Rui wag mong gawin yan!" Sigaw naman ni Mico.

Inislash niya ang kanyang katana at naputol ang dalawang braso ng isa sa mga sundalo pero sa kasamaang palad ay hinampas siya ng baril ng isa pang sundalo at nahimatay ito.

"Rui! Pagbabayaran nyo ang ginawa nyo sa kanya!" Susugod sana ako pero pinigilan ako nila papa at Mico.

"Ryosuke wag kang basta bastang susugod.Hindi mo alam kung gaano sila kaarmado.Wala tayong kalaban laban sa kanila" Sabi ni Rinkashi.

Tugs! Tugs! Tugs Tugs! Tugs! Putok ng baril.

Binaril nung isang sundalo ang isang sundalo na putol ang magkabilang braso at hinila na ng iba pa niyang kasamahan palabas ang bangkay nito.

Kinikilabutan na kami sa aming nakita dahil nabahiran na ng dugo ang sahig ng aming bahay.

Pinosasan nila si papa at sinuntok ito at nahimatay siya.

"Papa! Papa huhuhu" Iyak na sabi ko sabay yakap kay mama.

Umalis na ang mga sundalo habang dala nila si papa.Habulin sana naming tatlo si papa pero naghagis sila ng mga smoke grenade sa buong shop at nagdulot ito ng matinding usok.

"Ang dilim! Wala akong makita" Ani Mico.

"Uhu! Uhu! Dinukot na nila ang papa mo Ryosuke" Sabi ni Rinkashi.

Mga ilang sandali pa ay unti unti nang nawawala ang usok.

"Papa!" Patuloy pa rin ako sa pag iyak dahil kinidnap nila ang aking ama.

############################

Tuluyan nang dinukot ng mga tauhan ni Mr. Wilson ang ama ni Ryosuke.May pag asa pa bang mailigtas ng ating bida ang kanyang ama?

Abangan pa ang mga susunod na updates sa Gundam Build Fighters Legacy.Chapter 46: Semifinals Begins.

Pasensya na sa short update hahaha bawi na lang ako next time.



@CyasineFritzel

Gundam Build Fighters Legacy [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon