Gusto na kita.

592 29 28
                                    

Dedicated kay Elah. I miss youu na! Sorry, ang tagal nagparamdam. And dami ko nang hindi pa nababasang stories mo. Magma-marathon ako. Wahaahaha. Hearts. <3 <3

Sana magustuhan niyo. :)))) Feel free to vote and comment! 

***

Tandang-tanda ko pa kung kalian at kung paano nagsimula ang lahat.

 

Lunch break noon kaya naman napagpasyahan kong pumunta sa harap ng library na malapit lang sa room natin. Mahangin at tahimik ang lugar na yon, bagay na bagay sa gusto ko. Kailangan ko ng peace of mind. Kasalukuyan akong nakaupo sa isang kahoy na upuan habang nagbabasa ng isang nobela na inirekomenda sa akin ng isa kong kaibigan ng bigla ko na lang naramdaman na may tao sa tabi ko. Paglingon ko sa kanan, ikaw na pala iyon.

“Anong ginagawa mo?” tanong mo sa akin.

“Nagbabasa.” sagot ko saka ibinaling ang aking atensyon sa libro. Pinagpatuloy ko ang aking ginagawa.

“Ahh..” yun na lang ang nasabi mo. Nakita ko sa aking peripheral vision na sinisilip mo ang cover ng aklat at na hawak ko. ‘This guy is crazy’, I thought. I just ignored you and continued reading.

Silence followed. No one dared to speak or utter words. Hindi kasi ako yung tipo ng babae na madaldal lalo na sa hindi ko kakilala, I mean, ka-close. I'm a woman of few words, they say.

“Nagreview ka na sa Calculus?” muli mong tanong sa akin. I just nodded. “Nahihirapan ako dun eh.” Nagkamot ka ng batok. Parang alam ko na kung saan hahantong ang usapan na iyon. So I decided na isara ang libro at harapin ka. Doon ko napansin na msyadong maliit ang pagitan natin sa isa't-isa kaya naman agad akong umurong papalayo.

I cleared my throat. “Turuan kita?”

“Talaga?” OA mang sabihin pero parang nakita kong kumislap ang mga mata mo.

“Oo. Saang part ng lesson ka ba nahihirapan?” I asked while looking at you.

“Sa derivatives.” Sagot mo. Nung mga oras na yon, hindi sumagi sa isipan ko na papansinin o lalapitan mo ulit ako. Ang nasa utak ko noon, katulad ka ng ibang tao na ia-approach lang ako dahil may kailangan sila sa akin. But I was wrong.

Simula nung araw na yon, nagiging madalas na ang pag-uusap natin. Mula sa pagtatanong mo kung may test ba o wala hanggang sa pagbati mo sa akin ng “hi” tuwing papasok ako ng room. Nasundan pa yon ng pagtetext mo sa akin tuwing weekends hanggang umabot tayo sa punto kung saan nagawa mong pagkwentuhin ako ng tungkol sa lovelife ko. Kung paano ako nahulog, at kung paano rin ako nasaktan, muling tumayo at natakot nang magmahal muli. Lahat ng yon, sinabi ko sayo. Sa'yo lang. Nataandaan mo pa ba yon?

Minsan, humingi ako ng payo mo.

“Naguguluhan ako, Marco. Alam ko sa sarili kong nakapagmove-on na ako. Wala na akong nararamdaman sa kanya. Hindi na ako nasasaktan sa tuwing nakikita ko siya. Pero nung makita ko silang magkasama ng bago niyang nililigawan, pakiramdam ko bumalik lahat. Nahihirapan na ako. Nahihirapan na akong magpanggap at paniwalain ang sarili ko na hindi na ako naaapektuhan. Ayoko ng ganito. Naiinis ako.” maluha-luha kong sabi sa'yo. Lumapit ka sakin at tinapik ang balikat ko saka ka nagsalita.

Gusto na kita.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon