*Lessa's POV*
Nasaan ako?! Hala, saang bahay ito?
Nagising akong nasa ibang kwarto ako nakatulog. Hala. Makalabas nga.
Pagkalabas ko ng kwarto, nakakita ako ng malawak na dining area.
Nasa 2nd floor ba ako? Makalibot pa nga..
Maya-maya pa, naisipan kong pumunta sa kabilang side na sa tingin ko'y kitchen.
Nagulat ako sa sunod kong nakita...
(Tingnan nyo po yung nasa taas :) )
"Hello? Kuya, ano pong name mo?" Sabi ko sa kanya.
"Hello!" pagharap nya, wala syang mukha. Pero parang kilala ko sya..
Papalapit na sya ng papalapit...
Oh my.. What to do what to do..
"Lessa.. Lessa!"
Pagdilat ko, narinig ko alarm ko...
Panaginip lang pala.. Haist.. Pero parang kilala ko kasi talaga sya ng personal eh :( ...
Anyways, forget that dream...
Pagkabangon ko, ginawa ko na ang routine ko tapos ayun, nagsimula na akong magreview.
Nakakabored naman...
*hikab*Makalipas ang ilang oras...
Hala gabi na pala! Nakatulugan ko pala ang pagrereview xD
*brrr*
Gutom nako hahaha xD
Nag init na lang ako ng pasta tapos ayun na lang ang kinain ko...
Tinapon ko na yung foil na pinaglagyan ng pasta tapos bumalik na ako sa pagrereview.
Ganun lang lagi ginawa ko hanggang mismong day ng exams...
First day na ng prelim exams.. Sana makapasa ako 😥😥😥
After 10 mins, nagstart na kaming magexam...
3hours later..
"Kung tapos na kayo magexam, you may pass your paper and go home." Sabi ng Prof namin sa Physics.
Matapos kong ireview ang mga sagot ko, nagpasa na ako at nagpasyang umuwi...
Kung nagtataka kayo kung bakit wala sila Krischa at Sheryl, yun ay hindi sila nakapasok dahil nagkalbm sila dahil sa kinain nilang mga pagkain. Hindi kasi natunawan, ayun nasira tyan.
Pumunta na ako sa parking lot.
"Mag-iingat ka sa pag uwi, wag kang mag alala, papasa ka :) "
Text ni Zach sa akin...
"Salamat :) ikaw din papasa ka din :) ingat ^^)
Message Sent!
At pumasok na ako sa kotse ko at nagsimulang magdrive pauwi.
After 40mins drive, nakauwi na rin ako sa condo unit ko, nakakapagtaka ba sa university namin?
Kapag summer classes kasi, kahit iba iba ang subjects bawat araw, magseset lang sila ng isang araw para makapagexam ng lahat ng subjects. Kaya kapag may hindi nakakapagtake ng exam, sinasabay na sa ibang sections para isahan lang din sila ng take ng exams... After nun, the following days will be rest day, and the following week, regular classes na ulit :)
Hays, wala na naman akong magawa, makapagsearch nga ng movies.
Hmm, My Ex and Whys? Why not..
(Trailer lang po ito :) )
After watching the first movie,
Kalahati na ng tissue box yung naubos ko kakaiyak. Tagos na tagos kasi sa akin yung mga linya ni Cali. Yun din kasi yung mga bagay na gusto kong itanong kay Zyler.. Oo naalala ko na naman sya.
After 5 hours, gumabi na naman, since hindi pa ako gutom, hindi na lang muna ako kumain, naisipan ko munang magswimming, may mini jacuzzi kasi sa may bathroom ko, doon na lang muna ako magbababad. Para marelax ako :)
After kong makapagbabad sa jacuzzi, naisipan ko munang magmuni-muni habang pinagmamasdan ang mga bituin sa langit.
Kung hihiling ba ako sa mga bituin, babalikan nya ba ako?
O kung hindi man nya ako balikan, magpapaliwanag na ba sya at manghihingi ng tawad?
Bakit Zyler, Bakit?
Araw-araw mo na lang ako pinapatay eh...
Hindi na matapos ang mga bagay sa isip ko na gusto kong malinawan..
Magpakita ka na please?
Napansin ko na namang pumatak ang mga luha ko. Its been 3 years, yet hindi pa rin ako nakamove on..
Sana lang matapos na itong masamang panaginip na ito...
*Someone's POV*
(Hindi po ito si Zach guys :))Nalulungkot kong pinagmasdan ang mga bituin...
Tatlong taon na mula nang iniwan ko sya nang wala sa oras.
Ni hindi manlang ako nakapag paalam sa kanya ng maayos.
Sana lang pagbalik ko, ako pa rin ang laman ng puso nya.
Ipapaliwanag ko sa kanya ang lahat lahat.
Onting tiis na lang Lessa, babalikan na kita.
Sana lang nakakapit ka pa..
Dahil kailanman, hindi ako bumitaw sayo...
----------------------
Hey readers! Eto na po ang Chapter 13 :) nirepublish ko po sya, may nakalimutan po kasi akong idagdag.To be followed po tonight ang 14-16 :) God bless ^^ salamat po sa suporta :*
BINABASA MO ANG
Love Comes Unexpectedly
Teen FictionMay mga bagay talagang akala mo maipapaliwanag, pero kahit anong gawin mo, hindi mo pa rin mahanapan ng tamang salita para bigkasin ito.. Isa na ang Love dyan.. Akala mo, alam mo na sya dahil sa dami na ng napagdaanan mo dito, pero kapag nagmahal...