Saan ba ko dadalin ng 500 pesos?
Nababaliw na ko... Nababaliw kakaisip kung saan ba ko pupunta ngayon. Hays. Bakit ko pa kasi naisipang lumayas sa amin.
Kunsabagay, kung ibang tao lang ang nasa kalagayan ko, di lang paglayas gagawin nila. Magkaroon ka ba naman ng pangit na tiyahin. Oo, di lang mukha niya ang pangit, pati ugali!
Pero langya! Saan naman ako pupunta neto? Di naman to tulad ng pelikula na makakahanap ako ng himala sa daan at magkakaroon ng tutuluyang bahay. Wala din ako sa gubat para matulog sa daan. Juskopo! Parang di ko naman kayang matulog sa daanan. Sa dami kong dala baka bukas ubos na mga ito.
Hays. Makapagtaya nga sa lotto, baka sakaling manalo.
At eto nga, para akong dinadala sa lotto outlet. Kabaliwan ko din minsan, napapagana tong katawan ko mag-isa. Hays. Ano namang mga number ang pipiliin ko?!
Hmp! Bahala na nga...
1- 2- 3- 69- 45- 28
Tama na siguro ito para sa 6/69.
So nabawasan na ng bente yung pera ko.... 480 na lang. Hays, ang problema, bukas ko pa malalaman kung panalo ako sa kalokohan ko. Bahala na!
So lakad pa ko konti. Saan ba ko pwedeng pumunta nito?!
<120/whole night. From 8pm to 7am>
Aba, ayos tong promo ng apartelle ah! Parang nakikisama! Okay na siguro 'to para sa gabing 'to!
Masaya kong pinasok ang maliit na apartelle na kulay pink. Wow lang, feeeenk! Pagpasok ko sa loob, feeeeeenk! Nilapitan ko si ateng nakarollers pa ang buhok sa counter.
"Ate, mag-aavail po ako ng promo ninyo." masaya kong bati sa receptionist ng apartelle.
"Saan kasama mo?" tanong ni ateng nakared lipstick na nakarollers. Tinuro ko pa sarili ko kasi baka may bluetooth earphone siya di ba at may kausap sa phone.
"Oo hija, ikaw yon. Nasaan kasama mo?" Kaloka si ate! Ampanget ng boses niya, tunog nalulunod. Hahaha. Meganon ba?!
"Ay teh, kelangan po bang may kasama pag mag-avail sa promo niyong 120?" pagkaklaro ko. Medyo masungit na yung tono ko kasi hays, muka ba kong prosti? Pang Maria Clara na nga tong suot ko e. Hays ate.
"Oh eto susi, dami pang sinabi e." Aba, busangot teh? Sinong madaming sinabi?! Leche to!
So eto na nga, kaya pala 120 tong room na to, may daga e. Hays. Okay lang, samin nga e, kinakaibigan ko mga daga't ipis sa kwarto ko nung nakatira pa ko kila tita.
Inayos ko muna yung mga gamit kong bara-bara ko na lang sinaksak sa bag ko nung sinisigawan na ko ng tiyahin ko para lumayas.
Di naman gaanong mainit o malamig sa kwartong to. Sakto lang.
Hmmp! Makaligo na nga muna...
Kumpleto naman sa gamit panligo ang kwartong to. Pero malalaman mo kung anong paboritong kulay ng may-ari. Feeenk. Oo, fenk. Mula sa tabo hanggang sa timba fenk. Kahit yung sabon fenk, safeguard fenk.
Dami ko talagang napansin e noh? Makaligo na nga lang. Syempre, di ko na idedetalye yung sistema ko sa pagligo. Kung paano ang..... Oops. Hahaha!
Matapos kong maligo at makapagpalit ng pantulog, itinapon ko yung katawan ko sa kama. Tulala sa kisameng kulay cream.
Di ko alam kung anong mangyayari bukas. Wala na ding maprovide tong utak ko na sagot sa tanong kung 'paano na bukas?'
Pero ayos lang, nabuhay nga ako sa impyernong bahay na yun eh! Ano pa kaya't nakalaya na ko sa malulupit na kamay ng aking tiyahing bruha 'di ba?
Wala na kong mga magulang. Ang papa ko, iniwan kami nung limang taong gulang palang ako. Sabi ni mama, patay na daw si papa nung nagpitong taong gulang ako. Si mama naman, namatay nung 10 years old ako. Ang saklap no? So kinupkop ako ng tiyahin kong impakta na pinahirapan ako nang 8 years. Wala din akong kapatid. Solong anak lang ako.
Di masaya tong buhay na to para sa'kin, kung 'di lang kasalanan magpakamatay, ginawa ko na yun matagal na. Pero wala e, sinabihan din ako ng mama na kahit mahirap ang buhay, kelangan mo lang maging matatag. Di naman buong buhay mo, pahihirapan ka ng pagsubok.
Kaya kahit alam ko sa sarili ko na di ko na kaya, hanggat humihinga ako, kakayanin ko. Kasi wala namang choices na ibinigay ang tadhanang ito kundi umabante sa buhay.
So tutulog na po ang inyong lingkod na si Perla Sunguid...
-------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Support mga bes! Mababaog ka sige...