Kung tayo pa ba?
Mamahalin mo ba ako hanggang dulo?
Kung tayo pa ba?
Magiging masaya pa ba tayo?
Kung tayo pa ba?
Ako lang ba ang babaeng makikita mo?
Kung tayo pa ba?
Ako lang ba ang makakaramdam ng pag mamahal mo?Puro walang katapusang, Kung,sana,bakit,at sayang,ang nasa isip ko. Isinulat ko ang munting kwentong ito,dahil gusto kong malaman ang kasagutan mo sa lahat ng tanong ko.
Kung bakit humantong sa ganito ang lahat? Kung bakit kailangan mong lumayo at kung bakit kailangan kong mag isa.
Kung bakit kailangan mong maging masaya habang ako nag durusa.Kung tayo pa kaya?
Mag kasama pa kaya tayong lampasan ang problema ko?
Kung tayo pa kaya?
Hindi mo ba hahayaang masayang ang bawat patak ng luha ko?
Kung tayo pa kaya?
Hahawakan mo ba ang kamay ko hanggang dulo?Pero hanggang katanungan na walang sagot na lang ang lahat.
Nakaupo ako ngayon sa isang cafè,kung saan naging saksi lahat ng mga Crew,waiter at kahit ang mga kape sa minsang pag mamahalan natin. Naging saksi rin ito sa lahat ng luhang pumatak sa tasa ko at pag dadalamhati ko.
Mahirap humarap sa kasalukuyan habang di ko pa nabibitawan ang aking nakaraan.
"Kamusta Yssa?" Nagulat ako ng may mag salita. Napatingin ako sa harapan ng may nasasaktang mga mata.
"D-dos?" Ngumti sya saakin at umupo.
Eto na ba ang sagot sa lahat ng katanungan ko? Eto na bang pag tatagpong to ang mag papalaya saakin mula sa nakaraan?
"I'm getting Married."wika nya ng may pag kislap ang mga mata. Napangiti ako ng malungkot.
Siguro nga,hindi kami ang para sa isa't isa,siguro nga,hindi kami ang nakatadhana at...
Siguro nga,wala ng tayo... para saaming dalawa.
BINABASA MO ANG
Siguro Nga,Wala Ng Tayo. (Yssa-shot)
Short StoryPuro walang katapusang,Bakit?kung?sana at sayang ang nasa isip ko. Kung tayo pa ba? Mag mamahal parin ba ako?