Chapter 4

1.3K 41 22
                                    

January 13 (Friday)

"Grabe ah!! PULUSIYON!!" Sigaw ko at tumawa kami nila John at Pipan

Paano ba naman? Naglalakad kami sa highway biglang umandar yung jeep sa harap namin tapos nagbuga ng usok yung tambutcho! Sakto pa samin! Badtrip!

"Tangina , bubutasin ko gulong nun" sabi ni John at tinuturo yung jeep

13 ngayon kaya malas talaga , Hudas daw kase kapag 13 , pero 13 years old na ako. Hudas na ba ako nun?

"Teka! Takbo!! Baka matalansikan tayo ng tubig! Malansa yan!" Sigaw ko at tumakbo na kami

Lintok yan! Meron kaseng tindahan ng tilapia dito eh kukuhanin mula sa track yung buhay na isda! Syempre ubod ng likod ede tatalsik saamin

"Ayy!"

"Holly Shet!"

"Eh gago"

Sabay sabay naming sambit ng matansikan kami ng tubig! Agad kaming tumakbo papunta sa kanto ng school at naupo sa may tindahan doon

"Ang hard ni Dear Lord saakin" sabi ko saka naglagay ng pabango

"Oo na! Penge kami" sabi ni John at inagaw saakin ang pabango ko

Hinayaan ko nalang sila , ganyan sila eh. Kainis lang kase papasok palang kami pero amoy uwian na! Nakakaloka po itech!

"Tara lets! Tara tara tara lets!" Sambit ko saka naglakad na papasok ng school

Naabutan namin yung mga kaklase namin sa stage na nakatambay , malamang ay hindi pa bukas ang room namin

"Trix , Tara tambay tayo kala Mam Jenah" Sabi ko at pumayag naman sya , agad kaming pumunta doon at tumambay

**********
*Lunch Break*

"Parang may gusto namang iba si Lloyd eh , badtrip" Sambit ko kay Valerie

Kumakain kami ngayon ng lunch , si trix kase ayaw mag lunch kaya kami lang ni Valerie

"Wala ka daw kaseng pag asa sakanya" Sabi ni Jericho , inirapan ko lang sya

Si Jericho lang naman ang boyfriend ni Valerie, oh diba? Ede sila na may forever kami na ni lloyd ang wala!


"Kaso pag tumitingin talaga sya saakin iba talaga! Tapos kanina pinag bantay kami ni Mam Sol ng room ng Kinder , alam mo yung feeling na titingin ka palang nakatingin na sya sayo?" Sabi ko at inilagay ang dalawang palad ko sa dib dib ko

"Pero mukha ngang may nililigawan , tanong mo kay angel" sabi ni Valerie


"Bahala na" bulong ko


Dear Heart , okay lang yan! May Rence ka pa naman eh! Kaya yan! Kailangan mo lang gumawa ng step kung paano makikipag break doon sa boyfriend mong puro pokemon ang alam


"Pssshh!! Bili lang ako ng tubig" sabi ko


Tumayo na ako sa pagkakaupo ko sa stage , doon kase kami lagi kumakain dahil bawal sa room. Ayoko rin na iniiwan ang bag ko dahil ako si Dora


Habang naka pila ako at naghihintay , napatingin ako sa gilid ko at nakita ko si Rence na nag cecellphone habang nakapila sa kabilang side


Try ko kaya ichat? Si lloyd kase boring kausap puro emoji lang sinesend saakin walang hiya! Kaya ayun! Puro emoji usapan namin tanga nalang kapag hindi nagets


Diary ng Umaasa (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon