Chapter 19: Why?
<Stassi's POV>
Andito ako sa loob ng sira sirang kwarto, nakatali ako sa upuan pati ang bibig ko naka tali. Kasama ko ang isang damulag na negrong lalake kasing lake ng kapre. Ang creepy ng lugar na to ang creepy parang may mumu :'(
Pumasok ang hinayupak na Burdado sa loob ng kwarto. Bwiset ang sarap sapakin! Kung wala lang akong tali sa bunganga sisigaw sigawan ko na siya! Bwiset siya!!
"Alam na ba ni Clauvelle ang tungkol dito?" Tanong niya sakin. Malalaman palang niya. Bwiset ka! Ang panget mo na nga masama pa ang ugali mo!!
Bigla niyang tinanggal ang pag kakatali ng kamay ko sa upuan. Hinawakan niya ako sa buhok at kinaladkad papunta sa ewan kong lugar, naka tali ang mga paa ko at kinakaladkad niya ko pahiga. Imaginin niyo kung gano kasakit yun naka uniform pa naman ako buti nalang may cycling ako >_<
SOBRANG SAKIT NG BUHOK KO WAG SANANG MATANGGAL SA ANIT KO! WALANG AWA KANG BURDADO KANG HAYUP KA!
---
Naka dating kami sa isa pang kwarto grabe sobrang dami ko na sigurong gasgas napaka hapdi ng likod ko. >_<
Nakita ko si Franco na nakatali sa upuan at nag dudugo ang bibig niya, halatang ginulpi siya. ANONG GINAWA NILA SA FRANCO KO! >_<
Tinadyakan ko si Burdado sa inis ko! Napaupo siya sa sobrang lakas ng sipa ko. Inis na inis siyang tumayo at sinampal ako na sobrang kinagulat ko. Grabe. Ginaganto niya din kaya si Clauvelle? Naiiyak ako sa sobrang inis ko sakanya! I HATE YOU BURDADO!
"ANONG GINAWA MO GUSTO MO BANG MAMATAY NA?!" Sigaw niya sakin!
"hikaw mohka khang phathay!" Sigaw ko pero parang di niya naintindiha kaya sinampal niya ulit ako! IKAW MUKHA KANG PATAY yun yung sinabi ko sakanya na hindi niya naintindihan >_<
"Wag kang mag salita!" Sigaw niya. Inisnaban ko siya sa sobrang inis ko sakanya. Nararamdaman ko ang dugo sa labi ko. PUTOK NA ATA LABI KO!! >_<
"Papatayin ko ang girlfriend mo sa harap mo para maramdaman mo kung gano kasakit mawalan ng kasintahan!" Sigaw nung isang lalake. Sa pag kakaalam ko siya si Andrew.
Natawa ng bahagya si Franco, "Girlfriend? Haha. Asa. Edi patayin mo."
Girlfriend? Haha. Asa. Edi patayin mo.
Edi patayin mo.
Biglang tumulo ang luha ko sa sobrang inis ko kay Franco. Nakakalungkot lang na sobrang nag aalala ka sa taong walang pake sayo.
Bigla akong tinulak ni Burdado hanggang sa mapahiga ako. Nasa tapat ko ang nakataling si Franco.
Biglang tinapakan ng Andrew ang ulo ko. Sobrang diin ng apak niya at alam kong may isasakit pa yun pero wala akong pake. Wala na kong pake kung mamatay ako ngayon. Wala naman ng silbi ang buhay ko.
"SINONG PUMATAY SA GIRLFRIEND KO?" Sigaw niya.
"Ako." Mahinahong sagot ni Franco.
Biglang diniinan ni Andrew ang pag kaka apak niya sa mukha ko na nagdahilan para mag dugo ang ilong ko.
"Alam mo kung sino ang dahilan ng pagkamatay niya?" Tanong ni Franco.
"SINO?!"
"Ikaw."
"PAPATAYIN KITA FRANCO!"
"Kahit ilang beses mo kong patayin hindi mababago ang katotohanan ikaw ang dahilan ng pagkamatay ng girlfriend mo."
Inalis niya ang paa niya sa ulo ko at nag umpisang pag susuntukin si Franco. Hinila ni Burdado ang buhok ko at kinaladkad ako palabas sa kwarto.
Napapikit nalang ako, parang hindi na ko nakakaramdam ng sakit.
-----
Nandito na kami sa labas ng gusali. Sinilip ni Burdado ang paligid na para bang tinitignan kung may tao sa paligid. Anong binabalak niyang gawin?
Lumapit siya sakin at tinanggal ang mga lubid sa katawan ko. Bakit niya ko pinapakawalan?
"Sorry sa nagawa ko Stassi, baka patayin ka kase nila pag di nila nakitang pinapahirapan kita eh. Dumaan ka sa gubat para hindi ka nila makita. Magreready na ko sa bugbog dahil sasabihin kong nakatakas ka. Ipagpaalam mo na ko kay Clauvelle, hindi na ako makakabalik sa Montreal Academy dahil ayokong mapatay ni Franco. Mag iingat ka." Nag mamadali siyang umalis.
"Burdado? Alam mo ba? Alam mo ba ang tungkol sa death threat ni Clauvelle?" Tanong ko.
"Alam ko. Dahil ako ang nag lagay nun." Nagulat ako sa sinabi niya. Bakit niya ginawa yun? Gusto niya bang manganib ang buhay ni Clauvelle?
"Ginawa ko yun para iligtas sya. Mahal ko si Clauvelle." Parang bigla naman akong nakonsensya sa pinag sasabi kong masama tungkol sakanya. Pero hindi ko padin maintindihan.
"Bakit at paano?" Tanong ko.
"Hindi ko maaring sabihin."
"Ba-"
*Bang*Bang*Bang*Bang*
Sunod sunod na putok ng baril ang narinig ko.
"May problema. Kailangan mo ng umalis Stassi. Bilisan mo!"
Tumakbo si Burdado papasok sa loob ng abandunadong gusali. Ako naman ay nag simula ng maglakad sa gubat.
Nasaan kaya si Franco? Buhay pa kaya siya?
BAKIT KO BA INIISIP YUN? Wala naman siyang pake sakin!
--------
Sobrang nakakapagod maglakad sa gubat na ito. Pagod na pagod na ko. Andilim pa sa gubat na to. Ilang oras na kaya akong nag lalakad? May hangganan ba ang pag lalakad na ito? Gusto ko ng umuwi. Gusto ko ng umuwi sa mansyon. Sa Kuya Keizer ko.
Naramdaman ko na parang may sumusunod sakin kaya bilisan ko ang pag takbo ko. Sino yun? Tauhan ba ni Andrew yun?
"Stassi."
"Franco?" Tinignan ko si Franco na nasa likod ko habang hawak hawak ang nag dudugo niyang tagiliran at parang hirap na hirap mag lakad. Anyway nag dudugo ang buong katawan niya, mula ulo hanggang paa.
"I FUCKING TOLD YOU TO STAY AT MY MOTORCYCLE PERO HINDI MO GINAWA! ANONG BALAK MO MAG LAKAD DITO SA GUBAT NA TO?! BAKA ABUTIN KA PA NG ILANG LIBONG TAON BAGO MAKA RATING SA MONTREAL! STUPIDA KA PA SA DIRECTION IMBIS NA PALAPIT SA HIGHWAY, PALAYO SA HIGHWAY ANG TINATAHAK MO!"
"Ano bang pake mo?! WALA KA NAMANG PAKE SAKIN!" Sigaw ko. Nagpatuloy ako sa pag lalakad. Naiinis ako sa Franco na to. HINDI AKO PUPUNTA SA MONTREAL. BABALIK NA KO SA MANSYON NAMIN!
"So anong pinapatunayan mo? Edi mag lakad ka jan. MAG LAKAD KA MAG ISA MO. MALAMON KA SANA NG TIGRE JAN AT MATUKLAW NG AHAS!"
Bigla akong napahinto sa pag lalakad. Tinignan ko ang paligid.
*Kruu*Krruu*Kruu*
Narealize kong ang creepy ng lugar na to. Sobrang daming puno. May mga ahas kaya dito? Tigre?? NOOOO!
Tumingin ako sa likod. Wala na si Franco?!
ASAAN SI FRANCO?! INIWAN NIYO KO?! BWISET TALAGA SIYA!
Hinanap ko si Franco pero parang wala na siya dito. Bwiset siya! I HATE YOU FRANCO!
Naiiyak na ko sa sobrang takot.
"FRANCO?!"
"Ssssssss"
Shet alam ko kung ano yun! AHAS?! SINUNDAN AKO NG AHAS?!
"WAAAAAAAAAAAAAAAAAAH!"
BINABASA MO ANG
I'm inlove with a Monster!!
Teen FictionLorraine Silvestre is willing to change her life to be with her ultimate crush. What are the things that she will discover?