Chapter 20: Mistaken

173 16 0
                                    

Chapter 20: Mistaken

<Stassi's POV>

Tumakbo ako dahil feeling ko sinundan ako ng ahas. Alam kong malapit na siya.

"WAAAAAAAAH" Nagulat ako dahil tinuklaw ako ng ahas. Nagtatalon ako sa sobrang takot. SHET!

"HAHAHAHAHAHAHAHA!" Narinig ko ang tawa ni Franco. Wow. First time to a. First time ko siyang narinig tumawa, i mean nakitang tumawa. "Kamay ko yun wag kang mag alala."

Biglang kumunot yung noo ko. "I hate you." Mag wawalk out na sana ako kaso-

"Sige mag walk out ka ng matuklaw ka ng totoong ahas." Sabi niya. Nakita kong lumayo na siya sa pag lalakad kaya sumunod nalang ako. Tsk. Napaka. Di man lang mag sorry sa ginawa niya >_<

----

Napunta kami sa highway. Nasaan kaya motor niya? Akala ko sa motor niya kami pupunta.

"Pinasabugan yung motor ko kaya mag taxi nalang tayo. Malapit nalang dito condo ko. Dun nalang ulit muna tayo, di ka nadin makakapasok sa Montreal, at ayoko nanaman mapunish, mamaya pag linisin ako ng CR." Ewan ko kung joke yun or what kase seryoso niyang sinabi yun.

Di ako sumasagot naiinis padin ako sakanya eh. Pumara siya ng taxi. Pareho kaming sumakay sa likod.

Halata sa mukha ng driver ang pag ka gulat dahil MALAMANG duguan kami.

"Boss. Di na pala ako pwede mag hatid masyado ng gabi." Sabi nung driver.

Naglabas ng baril si Franco at tinutok ito sa ulo ng driver.

"Ihahatid mo ba kami o papatayin nalang kita?" Pananakot niya sa driver.

"S-saan po tayo?" Takot na tanong ng driver.

"Leighton Condominium." Sabi ni Franco.

"Ang sama ng ugali mo." Bulong sakanya. Napangiti siya. Anong nakakangiti sa sinabi ko?

"Ang bait ko kaya."

---------

Andito na kami ngayon sa loob ng condominium ni Franco.


"Maglinis ka ng katawan mo sa C.R. doon sa loob ng kwarto ko." Bigla akong kinabahan. Bakit niya ko pinapag linis ng katawan? May gagawin ba siyang masama saakin?


"B-bakit?" kinakabahan na tanong ko.

"Tanga. Madumi ka eh. Gusto mo ako na muna." Sabi niya. Lalakad na sana siya papasok sa kwarto niya kaso bigla ko siyang pinigilan. Mauuna na ko baka pagalitan niya pa ko pag may nadumihan akong gamit dito -_-

Naglakad na ko papasok sa kwarto, pumunta naman si Franco sa sala at tumingin sa salamin, anyway napalitan na yung salamin, binaril niya ko dun remember? Napansin kong nag hubad siya ng damit pantaas at kitang kita ang daplis sa kanyang tagiliran.

Ang ganda ng kwarto ni Franco, parang babae ang may ari sa sobrang linis, parang lahat ng gamit ay may sariling lalagyan, color gray with touch of white. Ganun ata ang favorite color niya, simpleng nakakarelax. Napansin ko ang nagiisang picture frame na nakalagay sa gilid ng kama ni Franco.

Isang magandang babae.

Girlfriend niya kaya to?! Oh my gosh. Girlfriend niya ba to?! Bakit naka lagay sa kama niya? Bakit? May girlfriend na siya? May girlfriend na siya. Oo malamang Stassi, sa gwapo ni Franco hindi na kakagulat na mag ka girlfriend siya. Pero hindi eh. Masama ugali niya! Kahit masama ugali kapag gwapo magugustuhan mo padin. Ikaw nga gusto mo si Franco eh. Now I know kung bakit wala siyang pake sakin. May girlfriend na kase siya.

I'm inlove with a Monster!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon