Chapter 21: First Crush

167 14 6
                                    

Chapter 21: First Crush

<Lawrence Vergara's POV>

Hindi umuwi si Franco sa dorm, nasan kaya ang kupal na yun? Hindi ako makatulog! Kung sino man ang naglagay ng deaththreat sa locker ko hindi pa siya pwedeng mamatay! Kailangan ko siyang makausap. Kailangan kong malaman kung bakit niya ginawa yun.

Nasaan na kaya si Franco..

Alam ko na.

Tinanggal ko ang kamay ng nakayakap na si Nichollon saakin at tinulak ko siya hanggang sa malaglag siya sa kama, kahit nalaglag siya hindi padin siya nagising. Anyway nag share na kami ni Nichollon sa kama ko simula ng lumipat si Franco dito sa dorm namin, doon siya nag stay sa kwarto ni Nikhollon, sabi niya pan samantala lang pero ang tagal niyang lumayas.

Nag bihis na ko at pumunta sa kotse ko.

I'll kill you Franco.

----

Nandito na ako ngayon sa condo ni Franco. Nasaan siya bakit wala siya sa sala niya?

"FRANCO?!"

Lumabas siya mula sa kwarto niya. Andito kalang palang hayup ka.

"Oh ikaw pala, anong gina-" Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya at sinapak ko na siya.

"Problema mo?" Sabi niya at tumingin sakin na para bang hindi nasaktan sa sapak ko. Mahina ba sapak ko? Nabbwiset ako sa gagong to eh.

"Sinong may sabing pakeelaman mo ang problema ko?" Sigaw ko sakanya. Seryoso niyang tinaas ang kilay niya.

"Problema mo nga lang ba?" Seryosong tanong niya. Eto nanaman siya sa nanlilisik niyang mata, akala niya naman masisindak niya ko. "Bago ka manapak na walang ka kwenta kwenta, alamin mo muna ang sitwasyon. Hindi mo lang problema, problema nating lahat."

"Paano natin naging problema?" Sigaw ko.

"Ayoko sabihin." Lah epal, pa confuse ang loko. "May umiiyak na babae sa kwarto ko, ang sabi niya mamamatay na daw siya sa gutom, wala akong pag kain dito sa condo." Tinuro niya ang bintana. "May mga lalakeng nakatayo sa baba at may mga sniper sa taas at naka tutok ang baril sa condo ko. Hindi ako makaalis at maka bili ng pag kain, kaya bago ko sabihin sayo kung paano natin naging problema. Ibili mo muna kami ng pag kain."

Bwiset napag utusan pa -_-.

---

<Stassi's POV>

"ANO WALA PA BA?! NAGUGUTOM NA KO!" Sigaw ko kay Franco, nakakainis siya! Gutom na gutom na ko tas parang wala padin siyang pake! Lumabas siya kanina, akala ko bumili siya ng pagkain tas pag dating walang dalang pag kain! NAKAKAINIS.

"May inutusan nakong bumili." Umupo siya sa parang sala sa kwarto niya anyway andito ako sa kama niya, ginulo ko yung kama niya kase sabi niya kanina matutulog na siya, eh paano ako?! Di ako makatulog dahil gutom na gutom na ko.

Pag bukas ni Franco ng TV eh puros pag kain pa ang lumabas na nag dahilan para mag laway na ko sa gutom. Bakit kaya ganun? Kung kailan gutom na gutom ka tsaka biglang pag kain ang palabas -__-.

"FRANCO?!" narinig kong sigaw mula sa labas. Biglang nag heart heart ang mata ko *_*

"AYUUN NA BA ANG PAG KAIN?! KYAAAAAA!!!" tumalon talon ako sa kama niya sa sobrang tuwa. Gusto ko ng kumain, kanina pa kyaaaaa *_*

I'm inlove with a Monster!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon