Chapter 22 Superman
Dumaan ang mga araw. Move on na naman ako. Wala na rin naman talagang patutunguhan pa ‘tong baliw kong tama kay Frina.
Akala ko, for real na ang relationship nila. Nagkamali ako.. Dahil isang araw, nangyari ang bagay na hindi inaasahan ng lahat.
May 23, 2010
Nakita ko na umalis si Frina at Kuya Kevin papunta sa party ni Chelsea. Actually, invited ako dun. Wala sana akong balak pumunta kasi nga wala naman akong kakilala maliban sa celebrator. E nakita ko si Frina, pumunta na lang ako.
Medyo late na nung dumating ako dun. Saktong pagtapak ko sa entrance, tumunog yung kanta sa Enchanted.. yung laging kinakanta ni Frina nung highschool kami. So Close ata yun kung di ako nagkakamali.
Nakita ko si Ramon at Chelsea na nagsasayaw sa gitna ng floor. Nakakabingi ang sigawan ng tao. Naguguluhan man ako. Una ko pa rin hinanap si Frina. Alam ko may mali sa nangyayari. At kung ano man ang kamalian na yun, sinasaktan si Frina ngayon. Lulusong na sana ako sa dagat ng madlang pips nung sobrang tingin ko sa paligid para hanapin si Frina, may nakabangga sa akin.
“Aray!”
“Sorry..” Sabi ng babaeng nakayuko.
Little black dress. Stiletto. Messy short black hair? Si Frina ‘to a.
May mali rin sa hitsura nya at alam ko, mas marami pang maling mangyayari kung di ko sya susundan. Hinabol ko sya pero bago pa ako makasunod, nakita ko na naman ang kawayan na si Ramong patakbo namang sumusunod kay Frina.
Naisip ko na baka kailangan nila yun. Time.
Hindi na ako sumunod agad. Naghanap muna ako ng payong! Mukhang uulan e. Hehehe Alam nyo naman. Boyscout ‘to e.
Nung marating ko kung nasaan sila, narinig ko na nag-aaway ang dalawa.
“Frina naman! Ngayon ka pa ba bibitaw?!”
Nagtago ako sa likod ng truck para makiusyuso. Pasensya naman. Chismoso e.
“Sana nga noon ko pa ginawa.” Umaagos na ang luha mula sa mga mata nya. Syet naman e. Bakit sya umiiyak? T*ng*na naman e. Umiiyak na naman sya. Nakakainis kasi wala man lang akong magawa. Naalala ko noon. Nung umiyak sya para sa akin, feeling ko sobrang sama kong tao. Na nagawa ko syang paiyakin. Mula nung araw na umiyak sya dahil sa akin, I promised that she would never shed a tear again. Pero ano ang nangyayaro ngayon? Lintek na Ramon naman ‘to e.
Hindi ko na narinig pa ang buong pag-uusap nila. Narinig ko na lang si Frina..
“Pero hanggang dito na lang talaga ako. Hindi ko na kaya. Thank you na lang para sa lahat. Sige, bye!” sabay lakad niya papalayo.
TINGINI. Di ko namalayan. BREAK NA BA SILA?
E bakit masaya ako? Hahahahaha! Hindi. Joke lang syempre.
Nalulungkot ako para kay Ramon pramis. Kay Ramon lang. Ang tanga nya para pakawalan si Frina.
Hindi nakaalis si Ramon sa pagkakatayo. Tuluyan ng tumakbo si Frina palayo sa kanya. Syempre. Time na ni Superman para umeksena. Oh. Baka iniisip nyo si KimpoyFeliciano yung tinutukoy ko a. BAkit? Pag Superman ba si Kimpoy agad? Di pwedeng ako rin? Hahahahaha xD
Sobrang sama ng loob ni Ramon di nya na napansin na napadaan ako. Agad kong hinabol si Frina. Tapos naabutan ko sya sa di kalayuan. Nakaupo sa sidewalk.
“Ahh.. I hate yooooooooou!” sigaw nya habang umiiyak. Nakoo. Pwede na kayang lumapit?
Ilang saglit lang, bigla na lang umulan. Si Frina nababasa na wala pa ring pakialam. Ay nakooo. Magkakasakit ‘to e. At kahit istorbo sa pag-eemote lumapit ako sa kanya dala yung payong na dala ko kanina. Oh. Sabi naman kasi sa inyo uulan e. Hahahaha
Nagtaka siguro sya kung bakit tumigil ang pagpatak ng ulan sa kanya, tumingala si Frina sa akin.
“Frina, are you okay?” tanong ko pa talaga kahit obvious naman na hindi. Kawawa naman tong si Frina. Heartbroken na nga naulanan pa.
Leche ka Ramon. Kasalanan mo ‘to.
“Blue..” mahina nyang usal.
Tumayo siya at agad akong niyakap.