Aklat ng Buhay

674 3 1
                                    

Minsan sa isang patak ng ulan

sa dilim ng mapagkunwaring panahon;

Pinuyos ng masalimuot ng kalakaran

na ang buhos ay akda ng kaisipan.

Di mo lubos maisip kung ano ang turing

sa mga naka-ambang plastik na angkin;

Di mo rin maitatago ang sidhi ng panaginip

na kapagdaka'y aayon sa agos

nang gusto mong makamtan at maangkin.

Ang aklat ng buhay ay puno ng kapalaran

na di natin hawak at mahirap masuyuan;

Kahit ika'y nasa munting mundo mo,

ang pahina ng kasalukuyan ay nasa saiyo.

Isulat mo man ang nakaraan at ipaabot

sa panahong parating,

ikaw at ikaw pa rin ang may-akda

nang buhay mong angkin.

MGA TULA by DariaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon